Hawak nya ang nga kamay ko at hindi nya to binitawan hanggang sa makapasok kami ng Condo Unit nya.

Halatang matagal ng hindi nalilinis yun dahil sa mga nagkalat na pagkain kung saan saan. Sa taas ng coffee table. Mga nagkalat na libro sa sofa.

"Sorry ang kalat, tinatamad kase akong kumilos ehh" aniya sabay kamot sa kanyang batok "sa kwarto nalang tayo mas malinis tignan yon"

"Hindi pa ko ready sa next chapter boss" biro ko kahit na may tensyon sa pagitan naming dalawa

Muli ko din nakita ang ngiti sa kanyang mukha, kahit na maga pa rin ang kanyang mga mata

"Silly" aniya sabay halik ulit sa aking labi.

Pinaupo muna nya ko sa may dulo ng bed at inalis ang ilang damit sa paligid. Para talagang disaster ang buong condo nya. But it doesn't matter naman. Sya naman ang pinunta ko dito, hindi ang gamit nya.

"Now, can you elaborate everything?"

"Ano pa bang gusto mong marinig?"

"Na mahal mo rin ako"

"I love you boss, hindi magbabago yon" malumanay na turan ko."pero natatakot ako"

"Natatakot saan?"

"Sa maraming bagay. Kahit anong piliin ko may advantage at disadvantage pa rin na mangyayari. Natatakot akong sumugal mahal. Lalo na sayo. Baka masaktan lang kita. Paano kung mag take ako ng surgery? Paano kung hindi maging successful? Paano kung hindi na ko magising? Buti pa naman yung hindi ako nagtake ng surgery makakasama pa kita hanggang sa huling buhay ko diba? And di'ba kapag pumayag ako papalitan ang puso ko? What if pag gising ko hindi ka na kilala ng bagong puso ko? What if sa iba pala naka laan yung pusong mapupunta sa akin. Paano kungg--"

"Husshhhh, don't overthink too much okay? Alam ko ang takot na meron ka. Ako man natatakot sa anumang possibleng mangyari. Hindi ko hawak anh lahat ng bagay. Ang tanging mapanghahawakan ko lang is yung pagmamahal mo sa akin. Ganoon ka din sana. Panghawakan mo rin sana ang pagmamahal ko sayo. Tadhana pang anh tanging nakaka alam kung anong kapalaran nating dalawa. If ever man na makalimutan ako ng puso mo. Ipapaalala ko sayo lahat ng masasayang bagay na ginawa nating dalawa. Na para bang atin ang mundo. Mahal kita at hindi magbabago yun"

"Mahal din naman kita, mahal."

"Anong plano mo ngayon. Itatake mo ba?"

"Alam mo ba? Humingi ako kay lord ng sign noon. Sabi ko. Sabihin mo lang na mahal mo ko, magbabago ang isip ko. Pero nagdalawang isip pa ko noon dahil malabong mangyari. Kase nga ginagawa mo lang naman lahat yon dahil gusto mong tulungan ako. Pero nangyari sya. Nangyari sya ng hindi ko inaasahan. Kaya oo mahal ko. Magtatake ako ng surgery para sayo."

"Talaga?"

"Opo, dahil nangingibabaw ang pagmamahal ko sayo kaysa sa kung anumang bagay dito sa mundo. Panahon na siguro para sumugal. Ganoon naman talaga hindi ba? Sa sugal hindi naman laging nasa iyo ang swerte. At least I try. Para sayo gagawin ko"

"Salamat" anas nya sabay yakap sa akin ng mahigpit

"May sasabihin pa ko."

"Ano yun?"

"Hindi ako dito sa pilipinas magtatake ng surgery"

"Huh?"

"Tito Doc said na may nahanap daw sila na ka match ko. Pero hindi sya dito sa Pilipinas. Sa Malaysia. Remember ng mag seminar si tito doon? Doon sya nakahanap ng mga doktor na pwedeng tumulong sa kanya. At kama kailan nga may tumawag sa kanya na may nahanap na nga sila. It was a surprise to the both of us daw sana kaso ganito ang nangyari sa atin."

"Sasama ako"

"No dito ka lang sa Pilipinas "

"Pero Jhai"

"No Mahal ko, dito ka lang. Para kahit ano man ang mangyari handa ka na. Unti unti ka ng masasanay na wala ako sa tabi mo."

"Pero hindi ko kaya"

"Kaya mo, nabuhay ka nga ng 28 years ng hindi ako kasama ehh. Paano pa kaya ang isa o dalawang taon lang?"

"Magkaiba naman ang noon sa ngayon"

"Alam ko mahal, pero kung gusto mo talaga na i take ko to, pagbibigyan mo ang hiling ko. Ituloy mo lang ang buhay mo dito sa Pilipinas. Hindi kita pagbabawalan na makipag date sa iba. Habang ako susugal ako sa Malaysia para gawin ang dapat kong gawin"

"Hindi ko naman gagawin sayo yun"

"Alam ko. Pero if ever man na makakilala ka ng tao na mamahalin ka gaya ng pagmamahal ko sayo bakit hindi mo pagbigyan Diba?"

"Akala ko ba mahal mo ko? Bakit pinamimigay mo ko?"

"Hindi kita pinamimigay mahal, hinahanda lang kita sa mga pwedeng mangyari "

"Hihintayin kita mahal ko"

"Salamat kung ganon mahal. Panghahawakan ko yan"

Bilang sagot ay hinalikan nyang muli ako. Para bang yun ang naging susi at kandado ng pagmamahalan naming dalawa.

Maraming failures man ang naranasan ko. Marami man akong bagay na hindi natupad noong kabataan ko. Nagpapasalamat pa rin ako sa panginoon na binigyan nya ko ng isang taong magmamahal sa akin ng tama. Itatrato ako ng tama. At hihintayin ako sa susunod na yugto ng aming mga buhay.

Mananatiling ikaw lang ang hahanapin ng puso ko. Salamat dahil binigay ka sa akin ng maykapal. At ipinaramdam sa akin kung gaano ako kahalaga.

Hanggang sa muli nating pagkikita mahal ko. Hanggang sa susunod na habang buhay.

End....

Let MeWhere stories live. Discover now