31- First

848 20 11
                                    

JHAI'S POV

Hindi ko na makontrol ang nararamdaman ko.  I was Starring to her face and to her lips.

Saksi ako sa pagiging gentlewoman nyang tao. Inaalagaan nya rin ako ng maayos na sobrang nagpamahal sakin sa kanya.

Iba na talaga tong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi na lang yun basta basta paghanga lang. May meaning na bawat galaw nya.

Pigilan ko man tong nararamdaman ko pero hindi ko na kaya. Sulitin ko nalang siguro ang nalalabi kong araw dito kasama sya. Sa pagsapit ng panibagong taon. Paniguradong mapuputol din ang meron kami.

Hindi naman ppwede na dito nalang kami sa beach habang buhay.

May trabaho din sya na naiwan sa syudad, at ayokong maging dahilan para baguhin nya yung mga ginagawa nya.

Malalim ang aking iniisip ng biglang may bagay na dumikit sa aking labi. She's kissing me.

SHE WAS KISSING MY LIPS!!?

Lord napakalambot po ng mga labi nya. Hindi ako nakapag react agad dahil sa labis na pagkabigla. Hindi ko inaasahal na sya ang mag iinitiate ng kiss.

Masyado na ba syang naiinip? Dahil sa tuwing babanggitin nya ang bagay na yon ay umiiwas ako? Paano ba naman kase. Hihingi sya ng kiss eh wala namang kami? Wala namang tunay sa mga ginagawa namin.

Nang hindi pa rin ako makapag react ay bigla naman nya kong hinapit ng husto at dumapo ang kanyang kamay sa aking batok para lalong palalimin ang halik na yon. Doon na din ako gumanti.

Bago ako sa ganitong bagay. And I realize that I don't know how to kiss.  Bigla akong nahiya, pero sinabayan ko ang bawat galaw nya. Para syang eksperto sa pakikipaghalikan.

Hindi din naman nagtagal yun dahil maya maya ay sya na din ang kusang bumitaw.

"S-sorry, I didn't mean to ummm. To k-kiss you" nauutal pa na wika nya.

Hindi sya kumalas sa pagkakahapit nya sa bewang ko. Ganoon din naman ako. Nakadantay pa rin ang dalawa kong kamay sa may balikat nya.

Nahihiya ako, sinong hindi di'ba? Halikan ka ba naman ng crush mo tapos sa lips pa?

Kaso nga lang bakit nag sorry?

"Ayos lang nangyari na ehh"

"That was my first kiss"

"Wehh??" Hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo nga, di'ba nga sabi ko sayo hindi pa ko nagkaka jowa?"

"So bakit ko ginawa yon? Hindi ba dapat sa first girlfriend or boyfriend mo yun ginagawa?"

"Your lips are so attractive. It's inviting me to kiss you for no reason"

Ang landi din pala ng doktor na to.

So ibig sabihin, first kiss namin ang Isa't isa? How Lucky am I naman talaga.

"Bayad na ko sa utang ko sayo?"

"Hmmm? Hindi pa"

"Huh? Bakit naman?"

"Basta, ako na maniningil sayo sa mga susunod na araw" wika pa nya na may ngisi sa kanyang mga labi.

"I bet kalokohan nanaman yang nasa isip mo"

Para lang walang nangyari sa pagitan naming dalawa. Tuloy lang ang asaran namin after that kiss happened.

Kumalas lang kami sa Isa't isa ng matanaw na namin ang mga kaibigan ko na silang unang lumabas ng resort.

"Ano yung nakita namin?" Panunukso pa ni Aj

Let MeWhere stories live. Discover now