32- Worries

588 17 4
                                    

JHAI'S POV

"Anak hindi kami magtatagal dito ahh. After Christmas kailangan na din naming bumalik sa Manila. May mga dapat pa kase aking asikasuhin doon ehh" paliwanag ni Daddy isang araw habang kasama ko silang nag miryenda dito sa beach cottege

Kaming tatlo lang dahil hinayaan ako ni CK na makasama ko muna sila. Siya din naman ganoon ang ginawa. Nakipag bonding muna sya sa pamilya nya Lalo na sa mga kapatid at pamangkin nya.

Inilaan talaga namin ang araw na to para sa kanila. Isang buwan din namin silang hindi nakita kaya ganoon nalang ang pagka miss namin sa kanila.

"Ayos lang po Dy. Naiintindihan ko naman po"

"Malaki talaga ang pasasalamatan namin kay Doc CK dahil nagiging maayos na ang kalagayan mo"

"Thankful din po ako sa kanya Dy."

"Napapansin ko nagkakamabutihan na kayo anak ahh"

"Madali lang naman din po syang pakisamahan my. Mabait sya at maalaga po talaga sya."

"Gaya ng pamilya Vergara. Kita mo naman ang pakikitungo nila sa atin di'ba?"

"Oo nga po. Akala ko nga po ehh magkakilala sila ni daddy dahil kung mag kwentuhan parang mga magkumpare ehh"

"Ganoon talaga ang mga lalaki anak. Walang friends, friends. Basta nagkasama kami sa isang lugar matic na ang kwentuhan doon."

"What is the real score between you and Doc. Ck?" Tanong naman ni mommy.

Sasabihin ko ba? Or huwag nalang? Paramg hindi kase angkop na malaman pa nila ang mga ganitong bagay. Pero hindi ko naman maatim sa konsensya ko na may tinatago ako sa kanilang dalawa.

"Umm, we're friends mom?"

"Uhumm?"

Huminga muna ko ng malalim bago lakas loob na sinabi sa kanilang dalawa.

"Ummm, we're pretending like a couple"

"What?" Sabat ni Daddy

"That's not what you think Dad"

Ipinaliwanag ko ng mas maayos sa kanilang dalawa ang set up namin ni Ck. Walang imik si mommy habang si daddy naman ay parang hindi makapaniwala.

"Basta hindi ka masasaktan anak" wika ni mommy kapagkuwan

"Natatakot nga po ako my ehh"

"Bakit naman?"

"Baka po sya ang masaktan once na nawala na ko. May pinagsamahan na po kami ehh at malalim na po iyon"

"Mahal mo na ba?" Muling sabat ni daddy

"O-opo" pag amin ko sabay bahagya pang napayuko

Lumapit si mommy sa akin at niyakap ako

"Naranasan mo ng magmahal anak. Hindi mo pa ba nababago ang isip mo?"

"Ayoko ko munang pag usapan my, darating din po tayo dyan"

Labis na pagkalungkot ang aking nararamdaman dahil sa sitwasyon na meron ako ngayon.

Napapalapit na ng tuluyan si Ck sa akin. Pero ayaw ko silang mahirapan kapag dumating ang araw. Nasa akin ang desisyon kung tutuloy ba ko or hindi.

Buti na lang at hindi na nangulit sina mommy tungkol sa bagay na to. Susulitin ko na siguro ang mga araw na kasama ko pa sila.

Sulitin ang mga araw na malakas pa ko at nakaka sabay ako sa mga trip nila. Dahil kapag bumigay na ang katawan ko, hindi ko na magagawa pa yon.

Let MeWhere stories live. Discover now