35- Bike

557 13 7
                                    

CK'S POV

Tapos na ang pasko at malapit na ang bagong taon. Pero may dalawang bagay pa ang hindi kami nagagawa mula sa wishlist nya.

Yun ay ang maturuan syang magbike at magpunta ng hongkong para sa pangarap nyang makapunta ng Disney land.

Nakapag pa book na ko ng ticket, nasa akin na rin naman ang passport nya dahil pinadala ko na ito kina tita ng magpunta sila dito.

It was all planned. Kinausap ko ang parents nya pagdating nila dito sa Beach. Personal na rin akong nagpaalam sa daddy nya about sa mga balak ko.

Hindi naman sila tumutol, nagpaalala lang sila ng mga bagay na pwedeng mangyari. Ito na yun ehh. May basbas na ko. At sana lang may patutunguhan lahat ng ginagawa ko.

Sana mabago ko pa yung isip nya kahit sobrang hirap. Ayokong mawalan ng pag asa dahil worth it lahat ng resulta. Napalapit na ko ng sobra sa kanya. Nahalikan ko na din sya na lalong nagpahina sa akin.

"Sweetie Pie, wake up" tawag ko sa kanya

"It's too early CK"

"No it's not. You need to take your meds pa. And may pupuntahan tayo"

Pagmulat nya ng mata ay agad ko syang hinalikan sa kanyang labi. Smack lang yun. Kahit na kinakabahan ay nagawa ko pa rin. Bihira lang ako makahanap ng tyempo  para magawa yun.

"Heyy, hindi pa ko naghihilamos" reklamo pa nya

"Good morning"

"Anong good sa morning, kung bigla bigla ka nalang nanghahalik dyan"

"Gusto mo rin naman, hindi ka nga nagrereklamo na hinalikan kita ehh. Nagreklamo ka lang kase hindi ka pa naghihilamos" turan ko habang naka ngisi

"Magdahilan ka pa"

Bumalik ako sa pagkakahiga at yumakap ako sa kanya. Ngayon lang ako naging ganito sa isang tao.

Hindi ko branding ang ganitong bagay. Pero pagdating sa kanya lumalabas ang pagiging childish ko.  Nagiging clingy na din ako.

Gusto ko lagi syang malapit sa akin. Laging kong nahahawakan ang mga kamay nya. Lagi kong nararamdaman ang presensya nya kung saan

"Lalabas ba tayo or cuddle all day nalang? Nagbago na ata isip ko. Dito nalang tayo sa kwarto maghapon"

"Ayaw ko. Doon ka na tatayo na ko"

"Hindi mo pa nga ko binabati ng good morning ehh"

"I did kaya"

"No you don't. You asked lang if ano maganda sa morning"

"Ano nga ba?"

"Ikaw, maganda ka sa umaga"

"Yan tayo ehh. Dyan ka talaga magaling Doc. Ehh. I wonder na talaga kung paano ka naging doctor?"

"Bakit naman?"

"Kase ang lakas mo mambola ehh, dapat sayo seawoman, or di kaya pulis."

"Anong connect?"

"Mga manloloko"

"Huyy hindi ako ganun ahhh. Hindi naman kita niloloko ehh. Totoo lahag ng sinasabi ko. Ikaw lang ang ayaw maniwala"

"Sige nga paano ako maniniwala aber?"

"Simple lang."

"Ano?"

"Sasabayan ko ng kiss every time na may sasabihin ako sayo"

"Sus, tyansing ka lang ehh"

"Ayaw talaga maniwala"

Walang sabi sabing hinalikan mo sya sa kanyang mga labi. That was the third time na ginawa ko yun. At pangalawang beses na nagtagal ang labi ko sa mga labi nya.

Let MeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora