21- Batangas

617 20 6
                                    

JHAI'S POV

Maaga Kaming nakarating ng Batangas dahil maaga ding nagyaya si Ck na magbyahe. Gusto kase daw nyang abutan ang sunrise, maganda daw ang spot doon kahit nasa room ka lang.

Kaya naman here we are. While taking our breakfast watching the rising sun.

"Anong first activity natin dito?" Tanong nya

"Anything. Maybe tuloy muna natin ang rest natin para makapagenjoy tayo later."

"Habang maaga pa pwede naman then later kapag hindi mo na kaya ang init ng Araw doon nalang tayo magpahinga."

"Pwede rin naman. Nga paka itong house is sa inyo?"

"Yup, dito kaming lahat minsan. Then mamaya punta tayo ng resort para makita naman ang meron doon. Doon sila nag ccheck in. Look at that? The inflatable playground and some water activities meron kami dito. Binili ni papa to para lang sana sa mga bata, pero dahil may mga nagtatanong if pwede sila mag camp nalang din dito kase wala pa naman resort. Naisipan namin na bakit hindi nalang din sya pagkakitaan pero hindi na ganoon kalaki ang singil namin sa kanila. Luckily hindi kami nawawalan ng guest na halos everyday may mga dumarating"

"Bago lang to?"

"1 year ago lang din. Pero itong bahay mga nasa 4 years na. Nakikita kase namin na mahilig si Andrei sa swimming. Kaya naghanap si papa at si ate Kenny ng pwede naming bilhing lupa malapit sa beach at ito lang ang nakita nilang available kaya kahit malayo sa bahay namin sa Manila ehh kinuha na nila. Para maging bahay bakasyunan na rin sya"

"The kids are so lucky na kayo ang family nila."

"But they are not spoiled. Pinaghihirapan din nila kung ano yung mga nakukuha nila"

"Like what?"

"They are focused on their studies. Sa ganoong paraan sila bumabawi. Though hindi naman sila pine- pressure ng parents nila namag aral ng maayos, but nagiging dedicated sila dahil sa reward na natatanggap nila. For example sa bahay may oras ang mga ginagawa nila. May time to play, time to study and time for their family. Then kapag gigising yang mga yan hindi sila lalabas ng kwarto ng hindi naka ayos ang bed nila. At hindi sila lalabas ng playroom nila ng hindi nakabalik ang mga latuan nila sa mga lalgyan"

"Ang disiplinado naman nila"

"Pinalaki kami sa ganoong pamamaraan ehh. Hindi sya nakakasakal dahil kami rin naman ang umani ng pagdidisiplina nilang yon. Ganoon din naman ang pinapaliwanag namin sa kanila. Lalo na kapag napagsasabihan sila. Ako as a soft hearted na tita. After nilang pagsabihan lalapitan ko sila para ipaliwanag sa kanila yung mga pagkakamali nila. Kaya din hindi sila nagtatanim ng sama ng loob sa amin."

"Pansin ko naman din na mabuti silang bata ng nakasama ko sila ehh"

"Are you done na?" Tanong naman nya ng makitang nakatabi na ang plato ko

Tumango ako at tinulungan ko syang magligpit. Bitbit nya ang mga pinagkainan habang ako naman ay dinala ang sobra naming food.

Maaga pa nga. 6:37 am palang kaya pwede na rin kaming magtampusaw.

"Saan mo gustong mag swim? Sa dagat ba or sa swimming pool muna?"

"I don't know how to swim"

"Alam ko. Diba nga nabasa ko ang nasa bucket list mo? Sige sa swimming pool na muna tayo para walang wave at ng maturuan kita"

"Tuturuan mo talaga ako?" Na eexcited na tanong ko

"Oh hinay hinay ang puso baka ma excite din." aniya pa "oo naman bakit hindi di'ba? Kaya sige na magbihis ka na. Gamitin mo na ang CR sa kwarto. Sa baba nalang ako magpapalit" dugtong nya pa.

Let MeWhere stories live. Discover now