20- Overnight

606 17 0
                                    

CK'S POV

Gabi na nga ng maisipan naming umalis ng lugar umalis ng Bulacan.

Mga 6:30 pm na din siguro. Hinintay pa kase namin na nagliwanag ang buong paligid gawa ng napaka ganda nitong pagmasdan.

Dumaan na muna rin kami sa isang Restaurant malapit sa Philippine arena para makapag hapunan.

Kita ko naman na nag enjoy si Jhai sa ginawa namin ngayong araw. Ilang beses din kaming nag update sa mommy niya para makasigurado sila na nasa ayos na kalagayan kami.

After that dinner ay nag start na rin ako sa pagddrive.

"Deretcho talaga tayo?" Tanong pa nya pagsakay namin ng kotse

"Why?"

"Pagod ka na ehh. Simula kaninang umaga. Maaga ka ng gumising dahil sa pagsundo mo sa akin sa bahay. Tapos sa maghapon nating activity wala ka pang pahinga tapos ngayon mag ddrive ka ulit ng halos apat na oras para lang Marating natin ang Batangas?"

"Kaya naman, makakarating naman tayo doon mga bandang 11 pm"

"Yun na nga ehh. Paano kung antukin ka sa kalsada?"

"What do you want?"

"Check in na muna tayo sa malapit na Hotel then tomorrow morning nalang tayo mag byahe papunta doon"

"Ganito nalang. Habang maaga pa mag drive na muna tayo. Um, road trip ganoon. Kung ganito kase kaaga tayo mag ccheck in anong gagawin naman naten diba? At least one to two hours byahe tayo then sige check in tayo sa pinaka malapit na hotel na makikita natin. Deal?"

"Okay deal"

"Yown. Akala ko mangungulit ka pa ehh"

"Talagang mangungulit ako kapag hindi ka pumayag. Ako nga okay tapos ikaw hindi? Take care of yourself din naman Doc."

"Doc nanaman"

"Pinapa alala ko lang sayo na Doktor ka hindi ka robot. Maski robot nga nawawalan ng batarya ehh"

"Oo na po. Tara na Master, malakas ka sakin eh." Turan ko nalang tyaka ko pinisil ang tungki ng ilong nya. "Cute mo" hindi mapigilang bulalas ko.

Kanina ko pa hindi mapigilan ang sarili ko. Kanina din. Natawag ko syang sweetheart ng hindi sadya. Dapat nasa utak ko lang yung bagay na yun ehh, bakit bigla syang lumabas.

Mabuti nalang at tila hindi nya narinig or hindi nya lang pinag tuunan ng pansin.

"Ewan ko sayo"

"Haha ginaganyan mo na ko ngayon. Parang kahapon lang tinatawag mo pa kong doc. Or hindi kaya pino- po mo pa ko."

Hindi na sya nakipagkulitan sa akin at inabala nalang nya ang kanyang sarili sa pagtingin ng mga kuha nya sa camera.

Masaya ako kapag kasama ko sya. Hindi man kami pero parang kami. Gets nyo ba? Yung mga ginagawa namin hindi na sya pangkaraniwang ginagawa ng mga magkaibigan. Or ako lang talaga ang nag iisip ng ganoong bagay?

Masasabi ko na close na kaming dalawa. Kung hindi diba? Bakit nya kukunin sa akin yung pagkain kaninang umaga at sinubuan ako.

Sa akin may malisya na yon lalo na crush ko pa ang gumawa non. Ang corny at cheesy man pakinggan lalo na nanggaling pa sa akin yung bagay na yon. Pero wala ehh. Iba magtrabaho si kupido. Deretcho saksak sa puso ko. Eww haha

Isa't kalahating oras din siguro ang binyahe naming dalawa ng madaan kami sa isang hotel. Maganda naman ang place at maayos din ang parking.

"Dito nalang tayo?" Tanong ko pa

Let MeWhere stories live. Discover now