34- Exchange

540 15 2
                                    

CK'S POV

Kinagabihan naman ay masaya naming sinalubong ang pasko. Eksaktong alas dose ng madaling araw ay sabay sabay kaming kumain sa labas ng beach house.

Pinanguna naman ni papa ang palaro para sa lahat.

"O tutal hindi naman tayo magtatagal dito sa beach at hindi na tayo aabot ng New year dito. Mag sset ako ng parlor games pa sa lahat ayos ba yon?" Aniya pa

Game naman ang lahat.

"Pwede ba ko dyan tito?" Tanong naman ni Jhai na nasa tabi ng mommy nya

"Of course. May mga game na kasama ka. Pero kapag takbuhan na I recommended na wag na muna huh?"

"Ayus lang po tito at least makakasali po ako sa iba" naka ngiting wika pa nya.

Mabuti nalang at mahaba ang pang unawa nya sa sakit nya.

"So ano? Game na kayo? Bumaba na ba lahat ng kinain nyo?"

Ala una na lagpas ng madaling araw pero yung energy namin game na game pa rin, pwera lang sa mga bata na maghapong nasa galaan kaya kanina, alas dyes pa lang ay mga bagsak na.

Habang kaming matatanda naman ay matataas pa ang energy. Unang game ni papa ay Pinoy Henyo by pairs yun at as usual kaming dalawa ang partner. Sya ang taga hula at ako naman ang taga tama.

Lahat ata alam nya dahil kami ang panalo sa game na to. Wrapped gift ang premyo at tig isa kami. Pero mamaya na namin bubuksan ang mga yon. Basta mag eenjoy muna kami ngayon.

Maraming game na inihanda si papa at lahat nag enjoy sa araw mismo ng pasko.

Natapos siguro kami mga alas tres n ng madaling araw. Ubos na rin energy ng lahat kaya nagsitulog na sila.

Pareho kaming hindi makatulog ni Jhai kaya naisipan naming dito na sa balcony sa may Kwarto ko kami tumambay.

"Merry Christmas Sweetie"

"Merry Christmas too"

Do you want Hot choco? Para mainitan ka?"

"Hindi na, busog pa ko. Wala ng paglalagyan ang liquid sa katawan ko"

"Halata nga ehh. Enjoy na enjoy ka nga sa letchon kanina"

"Ngayon nalang ulit ako nakakain ng letchon ehh. Last ate Two or Three years ago pa"

"Meron pa naman tira. Mamaya lantakan mo"

"Ay oo beh, kahit hindi mo sabihin lalantakan ko talaga."

Iiling iling naman akong lumapit sa kanya at ipinatong ang dala kong hoodie sa katawan nya.

Malamig na kase ang simoy ng hangin. Mahirap na baka magkasakit pa sya, lalo na simple lang din ang suot nya.

"Salamat" turan pa nya.

Umupo ako sa tabi nya at inakbayan ko sya. Good thing at sumabdal naman sya sa akin

"May gift pala ako sayo" wika pa nga pagkuwan

"What is it?" Mula sa bulsa ng  pants na suot ay inilabas nya ang isang maliit na kahon at inabot iyon sa akin.

"Meron nga? Akala ko joke lang" gulat pang anas ko

"Anong tingin mo sa akin, hindi seryoso?"

"Hindi naman sa ganon, pero hindi naman na din kase kailangan. Your presence is enough"

"But I want too, lalo na ikaw nalang lagi ang nagbibigay sa akin. Kahit dyan man lang sana ay makabawi ako"

"Buksan ko na ahh?"

Let MeWhere stories live. Discover now