11- Bake

616 20 2
                                    

JHAI'S POV

Isang regular na araw para sa akin. Wala namang bago hindi ba?

Maaga pa naman at maaga din akong nagising. Actually wala nanaman pala akong tulog. Ewan ko ba. Bakit ganito nalang ako lagi.

"Mom, can I have some fruit po?"

"Sure anak sandali pagbabalat kita ng mansanas."

"Thank you po"

Kinuha ko rin ang isang book at nagpatuloy akong nagbasa. Araw araw din naman na nandito sina Aj. Pero Hindi na din sila nagtatagal dahil sila nga ang hands on sa gallery studio ngayon.

Alam kong pagod na rin ang mga yun at pinipilit nalang nila na kayanin. Sabi ko nga minsan kahit na hindi na sila dumalaw dito okay, kaysa naman sila ang magkasakit.

"Good morning "

Binalingan ako ang bagong pasok. It was Doc. Ck with her full smile on her face.

Kasama nito ang isang nurse. After akong painumin ng gamot ay lumabas na ang nurse habang si Doc. Ay nanatali sa kwarto ko.

"Where's my Good morning?"

"Good morning doc." Unang bumati si Mommy kaya naman sinundan ko na ito

"Good morning din po dok" wika ko.

Lumapit sya sa akin at ginulo ang ang buhok na parang bata. Iba ang energy nya ngayon. Like iba talaga.

"May gagawin ka ba ngayon?"

"Hmmm, bukod sa pagbabasa, wala naman na. Bakit?"

"Hintayin lang natin saglit. May gagawin tayo." Aniya na ipinagtaka ko.

Halos araw araw iba iba ang ginagawa namin. Ngayon kaya anong pakulo ng doktor para libangin ako.

Inalok din sya ni mommy ng prutas pero tinanggihan nya. Busog pa daw sya at katatapos nya lang daw kumain.

Maya maya ay may kumatok sa kwarto ko. Akala ko sina Aj, pero pagbukas ng pinto ay mga staff sa hospital ang natanawan ko.

May bitbit silang isang mahabang lamesa na kumasya naman sa kwarto ko, may microwave oven din silang dala at mga sangkap ng pagbbake. Nagliwanag ang mga mata ko ng matanawan ko ang mga gamit na ito.

Isa ito sa mga nakasulat sa bucket list ko na gusto king maranasan.

May time naman ako noon na magbake pero wala lang akong kasama. Kumbaga wala akong judge kung tama ba ang gagawin ko.

Then now mararanasan ko sya sa loob ng hospital which is cool and different haha.

"Para saan yan doc?" Pwede ko syang tawaging Doc. Dahil may mga kasama pa naman kaming staff na nag aayos ng mga kasangkapan sa mesa.

Kumpleto lahat pati mga measuring cups at mixer ay meron

"I'll explain later"

Hinintay muna nyang matapos na maipasok lahat ng gamit.

"Ayos na po dok. Kumpleto na po lahat"

"Sige po, salamat po."

Paglabas naman nila ay muli syang humarap ng nakapamaywang sa akin

"Mag bbake tayo"

"Oo nga po. Pero bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Hmm. Nag search kase ako online kung anong mga pwede nating gawin indoor and nakita ko itong baking. though I don't know how to bake pero nandyan naman si Ms. Google at  nakapag inquire na rin pala ako sa YouTube academy"

Let MeWhere stories live. Discover now