40 - Take a Risk

1K 26 17
                                    

JHAI'S POV

Malapit na kong mawalan ng pag asa kakahanap sa kanya. Kung saan saan na ko naghanap at kung kani kanino na ko nagtanong.

Until this morning nakatanggap ako ng tawag mula kay Doc Mauie, sinabi nya sa akin kung saan ko matatagpuan si Ck. Sinabi nya rin ang address ng Condo nito.

Kahit na nasa bahay ako ay agad akong nagpatulong kay mommy na marating ang address na bigay ni Doc Mauie.

Malayo pa lang ay natanaw ko na sya na papalabas ng building. May pagmamadali sa bawat kilos niya. Aalis nanaman ba sya? Tataguan nanaman ba nya ko?

Sinundan ko sya sa may parking lot at bago sya makapasok sa loob ng kanyang sasakyan ay tinawag ko na sya. Thank god at lumingon naman sya.

Doon ko na inilabas lahat. Alam kong may posibilidad na may masamang mangyari sa akin pero wala na kong pakialam.

Wala din akong pakialam kung may makakarinig lahat ng sasabihin ko. Hanggang sa mapaglapit kaming dalawa. Hindi sya natinag.

"Oh saan ka pupunta?"

"Sayo" sagot nya na nagpabigla sa akin

"Sa Akin?" Ulit ko pa.

"Oo, pupuntahan sana kita para mag makaawa sayo na huwag mo ng ituloy ang balak mo. Sa lumipas na dalawang araw iyak lang ang ginawa ko. Hindi ko tanggap na mawawala ka sakin ng ganun ganun nalang. Then a while ago, when Doc Mauie came to my Condo doon ako natauhan. Doon ko napag isip isip na hindi talaga kita kayang mawala sa buhay ko."

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla syang lumuhod sa harapan ko.

"Nagmamakaawa ako sayo mahal ko. Lumaban ka please? Hayaan mo kong samahan kang lumaban. Hayaan mong hawakan ko ang mga kamay mo."

Bakit ko nga ba pinahihirapan ang sarili ko. Di'ba nga sabi ko noon na once na nagsabi siya na mahal nya ko lalaban ako?

Ito na yun ohh. Dininig ni lord yung hiling kong iyon. Ngayon lang din ako nakakita ng tao na handang lumuhod sa harap ko.

"Tumayo ka dyan. Hindi mo naman kailangan na lumuhod pa"

Inalalayan ko pa sya sa pagtayo. Mainit ang panahon at hindi naman na kailangan na lumuhod pa sya.

"Sabihin mo lang. Lahat gagawin ko"

"Wala kang kailangang gawin"

"Hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Wala lang ba talaga sayo lahat ng pinagsamahan natin sa beach house?"

"Sa palagay mo? Bakit ako nandito sa harapan mo? Bakit kita hinahanap ng halos dalawang araw?"

"E-ewan. Baka ano. Hindi ko alam"

"Kase mahal din kita. Aaminin ko nabigla ako sa lahat ng nangyayari sa ating dalawa. Hindi ko intensyon na saktan ka. Pero nasaktan ka pa rin ng dahil sa akin. Lahat ng ipinapakita at pinaparamdam mo, halata ko lahat yon. Pero Hindi ko binibigyan ng malisya dahil ang alam ko noon ay tinutulungan mo ako. Hindi ako makapagsalita nang araw na magconfess ka dahil tuliro na ang isip ko. Taging sorry lang ang lumalabas sa bibig ko dahil yun lang din ang kaya kong sabihin. Pero mahal din kita, natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Nadala ako ng takot na yon hanggang sa hindi na ko makapag desisyon ng tama. Sorry kung nasaktan kita, sorry kung umasa ka, sorr--" hindi ko na natuloy pa ang iba ko pang sasabihin ng hablutin nya ko at ginawaran ng isang malalim na halik sa aking mga labi.

Two days lang kaming hindi nagkita pero ramdam sa bawat halik na yun ang pangungulila.

"M-mahal mo din ako?"

"Matagal na. Pilit ko man ding pigilan pero hindi ko talaga kaya. Lalo na sa pag trato mo sa akin ng tama."

"Pasok muna tayo sa loob ng Condo at doon mag usap ng mas maayos  ang pangit ng ambiance natin dito" aniya na sinang ayunan ko.

Let MeWhere stories live. Discover now