Prologue

1.9K 24 3
                                    

CK'S POV

Mahaba ang naging byahe ko pabalik ng Pilipinas. After a tear of Staying in New Zealand, ito na muli ako. Muling nalalanghap ang sariwang hangin ng Pilipinas.

Kahit maganda ang klima sa ibang bansa hahanapin at hahanapin mo pa rin pala talaga ang kinalakihan mong bansa.

Pinadala ako ni Papa sa New Zealand para mag seminar. Hindi na bago sa akin yung mga ganoong bagay. Madalas din akong ipadala ni Papa sa iba't ibang bansa para mas lalo daw akong masanay sa propesyong tinapos ko.

I'm Cathryn Kate Vergara, 27 years old Daughter of Charles Vergara who owned the Vergara Medical Hospital in Quezon City and currently leaving in Ayala Heights.

I took up B.Sc in Cardiology and Thoracic Science. We are family of doctors but ako lang ang sumunod sa yapak ng tatay ko.

Ang panganay sa amin na si Ate Kenny ay isang Dentist at nakapag asawa din ng isang dentista na si kuya Andrew. Meron na silang dalawang anak na sina Andrei na 6 years old at si Andrea na 4 years old naman.

Habang si ate kailyn naman ay isang pediatrician habang nakapangasawa naman ng isang Architect. Hindi na bago sa amin si kuya Benedict dahil high school palang sila ni ate Kai ay mag jowa na sila. Ngayon ay may isang anak na din sila na si Karl, tatlong taong gulang.

Ganoon din ang balak ng tatlo pang sumunod sa akin. Si Cally ay nag aaral pa para maging ganap na Gynecologist habang si Kevin naman ay sumunod sa yapak ni mama na isang Hematologist. Habang si Kyle ay nag aaral pa ng high school at nagbabalak din mag dentist.

Wala namang problema kay Papa ang mga bagay na yon. As long as iisa daw ang aming propesyon ay ayos lang namab daw. At ako ang bukod tanging sumunod sa kanya. Ang bukod tanging nag take ng risk.

Hindi madali ang kursong kinuha ko. more than half of all people with congestive heart failure will survive for 5 years after diagnosis. About 35% will survive for 10 years. Kaya hindi madali ang maging isang doktor.

Sa amin nakasalalay ang buhay ng isang tao. That's why kailangan kong matuto ng matuto para sa bagay na iyon. Ang buong college life ko ay itinuon ko sa aking pag aaral dahil ayaw ko na maibaba ko ang level na narating ni Papa.

Malaking kahihiyan sa buong angkan ng Vergara kung hindi ko gagawin ang best ko.

And now. Masasabi ko naman na wala pa kong naipagamak na mga naging pasyente mo abroad. Dito kaya sa Pilipinas ano ang magiging kapalaran ko bilang isang doktor?

After a year ng pamamalagi ko sa New Zealand muli akong magbabalik sa Opisina ko sa Vergara Medical Hospital. Muli akong hahawak ng mga kababayan kong pasyente.

Habang naglalakad ako papalabas ng Airport ay may sumigaw na ng pangalan ko kaya mabilis kong hinanap kung saan nanggaling sa boses na iyon.

It  was Kevin who shouted my name, with Cally and Kyle. Agad ko silang nilapitan at niyakap ng mahigpit.

"Kamusta?" Bati ko kaagad sa kanilag
Ng tatlo. "Sina Papa?"

"Ayus lang kame ate."bsagot ni Cally

"On duty po si Papa, sina mama nagpapahinga halos katatapos lang din po ng duty nila. Gusto nga po sana nila sumama kaso pinagpahinnga nalang po sila ni Papa para daw sama sama tayo sa hapunan ngayong gabi" si Kyle ang sumagot

Hapon na rin kase kaya siguro sila ang nagsundo. Halata naman dahil mga naka uniform pa silang tatlo.

"Dumiretcho kayo dito? Sinong kasama nyo?" Tanong ko

"Kami lang tatlo. Pinagamit ni Papa yung Van para deretcho na daw kami dito, sakto lang daw pag uwi namin ang paglapag ng eroplanong sinasakyan mo eh" sagot ulit ni Cally

Let MeWhere stories live. Discover now