12 - Flowers and Gifts

637 18 8
                                    

CK'S POV

Today's plan is manonood naman kami ng movies. Talagang naghahanap ako ng tamang tyempo para magawa lahat ng nasa bucket list nya.

Uunahin ko na muna yung mga magagawa nya indoor bago ko sya ipag paalam sa labas.

Base naman sa mga test results nya nitong mga nakaraan ay kaya naman na nya. Sadyang ayaw lang namin mag take ng risk ulit para sa kalagayan nya.

Baka kase kapag pinalabas na namin sya ay bumalik bigla yung paghihingal nya ng mabilis.

Now I realize that I really like her. Mas napatunayan ko yun kahapon  habang nag bbake kami. Hindi lang basta paghanga ang meron ako para sa kanya. Iba.

Hindi sya pangkaraniwang kagustuhan sa isang tao lang to. Basta, masaya ako sa tuwing kasama ko sya at napapasaya ko sya.

Dito ako sa loob ng office ko at hinihintay kong dumating yung inorder yellow tulips. Mas okay na yon para hindi nya maisip na iba ang meaning non.

Yellow tulips represent hope and happiness. Then may nakita akong Wold stuffed toy set sa nadaanan kong toy store kahapon kaya binili ko na rin.

Wala na kase akong maisip na ibang ipang reregalo sa kanya at hindi ko naman alam yung mga favorite nya kaya yung favorite ko nalang na toy ang binili ko para sa kanya. Then na ready ko na rin yung projector para sa gagawin naming movie marathon sa kwarto nya.

Pagdating ng tulips ay nagtungo na ko sa kwarto nya. Nakasalubong ko pa si Doc. Stevie na katatapos lang din mag rounds.

"Hi Doc. Wow may pa tulips ah. Nanliligaw ka na ba?"

"Huh? Hindi ahh"

"Bakit may pa ganyan?"

"Bakit? Anong meron?"

"Wala naman doc. Sa pormahan kase natin para kang manliligaw ehh. Flowers plus gifts?"

Ngayon ko lang na realize na oo nga no? Hindi ba napaka OA ko naman na inisahang araw ko tong ganito? Kung naisip na ni Doc. Stevie ang bagay na to. Malamang maiisip din ni Jhai na ibang meaning to.

"Haha hindi naman it is just a gift"

"Kay Miss Robles?"

"Yup, why?"

"Nothing naman Doc. Hands on ka naman masyado sa kanya. Baka isang araw mabalitaan nalang namin na nahuhulog ka na dyan sa pasyente mo ahh"

Huli ka na sa balita Doc. Hulog na hulog na ko. Hindi ko na nga kayang bumangon pa ehh. Pero syempre sa utak ko lang yon mahirap na..

"Haha sira ka talaga Doc. Paano mauna na ko sayo. See you around"

"Pahingi candy sa office mo doc ahh"

"Osya maglagalag nalang kayo doon. May magagawa pa ba ko?"

"Wala hahaha bye doc."

Naiiling nalang ako. Hindi ko naman ikakaila na kahit sabihin ko sa kanila na bumili sila ng sarili nila. Iba pa rin kapag nakikita mo silang nagkakagulo sa loob ng opisina.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa room number ni Jhai. Himinga muna ko ng malalim bago kumatok.

Boses ni Jhai ang narinig ko mula sa loob. Pagbukas ko ay pigura agad nya ang aking nasilayan. Ulo lang muna ang aking pinakita. Mataman syang naka tingin sa akin bahang naka upo sa may Hospital bed nya.

Wala rin sa loob si tita at sya lang din mag isa.

"Good morning. I brought you something" wika ko sabay pasok sa loob.

Let Meजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें