27- Mornings

596 15 17
                                    

CK'S POV

Kinaumagahan naman ay maaga akong nagising dahil gusto ko na ipagluto si Jhai ng breakfast. This is our first day pretending to be a couple. At gusto ko na maging memorable lahat ng gagawin namin.

I know hindi ito pangmatagalan na sitwasyon, ang gusto ko lang ay habang nandito kami sa Beach ay na eenjoy naming pareho ang presensya ng isa't isa.

Nagluto lang ako ng pancakes, egg, bacon and hotdogs. Tyaka ako nag sangag ng kanin. Kasya na sa aming dalawa iyon. Habang nagluluto ay pa sayaw sayaw pa ko. Dahil maganda rin naman ang gising ko.

Hay nako Jhai ano ba itong ginagawa mo sa akin?

Nagtimpla din ako ng hot choco para sa aming dalawa. Iniiwas ko kase sya sa kape dahil isa ito sa dahilan kung bakit nag pa- palpitate sya.

Nang matapos na lahat at muli akong bumalik sa kwarto. Huminga muna ki ng malalim bago ako tuluyang pumasok sa loob. Ewan pero kinakabahan kase ako ng malala sa tuwing malapit ako sa kanya ehh.

Natutulog pa sya ng datnan ko sya sa kwarto, yakap ang ginamit kong unan. Ang cute nya talaga kahit natutulog sya.

Ipinatong ko muna ang dala ko sa may bedside table at muling sumampa sa kama. Hindi ko mapigilan na hindi sya halikan sa kanyang sentido pagkatapos kong hawiin ang mga humarang na hibla ng buhok sa kanyang mukha.

"Jhai?, wake up sleepyhead it's time to eat na po" malumanay na tawag ko sa kanya

Gumalaw lang sya ng bahagya, pero hindi sya nagmulat ng kanyang mga mata. Kaya muli ko syang tinawag

"Sweetie, wake up lalamig po yung food"

"Hmmm" ungol nya "anong oras na ba?" She said in a husky voice.

Damn! Nang aakit ba sya?  Alam kong bagong gising sya pero kung ganito sya magsalita, baka hindi ako makapagpigil at mahahalikan ko talaga sya.

Tinignan ko ang orasan, tama lang naman.

"It's already 7:27 a.m. sweetie"

Nagmulat naman na sya ng mata pero kita pa rin na antok pa sya.

"Too early"

"Sakto lang madam. You need to take your meds at 8 am right? I prefer something for us."

"A breakfast in bed?"

"Yup, this is our first day remember? Kaya tayo na dyan. Sayang naman effort kong magising ng maaga ohh" maktol ko

"Oo na, tatayo na. Ito naman tatampo kaagad"

"Wait" awat ko

"Where's my good morning kiss?" Hirit ko

"Seryoso ka?" Gulat na turan nya

"Of course, we're a couple right?"

"Hindi pa ko nakakapag hilamos."

"Sus, I don't care naman. Baka ayaw mo lang akong i kiss" patuloy lang ako sa pagpapa cute sa kanya.

Kita sa mukha nya ang pagkagulat dahil nga sa mga pinaggagagawa ko. If you have a chance grab it ika nga di'ba?

Naramdaman ko nalang na hinalikan nya ko sa pusngi sabay alis ng kama at pumasok ng banyo.

Napangiti nalang ako dahil sa ikinilos nya, at nag alala din ng bahagya dahil baka mapano naman sya. Doktor pa rin ako at binabantayan ko pa rin ang kalagayan nya.

Sumaglit lang naman sya sa loob ng banyo, paglabas nya ay maayos na pati buhok nya.

Sumampa ulit sya sa kama at kinuha ang salamin nya.

Let MeWhere stories live. Discover now