36- Not Funny

595 20 3
                                    

JHAI'S POV

Pipigilan ko pa sana ang sarili ko na dumilat pero naaawa na ko kay CK.

Ramdam ko sa boses nya ang takot at pangamba na baka may nangyari sa akin. Sorry but bigla kaseng pumasok sa isip ko na biruin muna sya. Alam ko ng balansehin ang bisikletang sinasakyan ko. Pero ng pabalik na ko ay pumasok sa isip ko yung bagay na yon.

Nagtatawag na rin sya ng tulong. Walang makakarinig sa kanya dahil napaka aga pa. Bihira lang ang may napapadaan dito na sasakyan kaya dito kami nag practice ng bike.

Hindi ko alam na ganito sya ka alala sa akin.

Nang wala na syang magawa ay muli syang lumuhod sa harap ko at tinangka akong buhatin. Doon na ko nagmulat ng mga mata.

"Hey, joke lang" wika ko pa.

Pagtingin nya sa akin ay sinalubong ko iyon ng isang malawak na ngiti.

Tila nanghina namana ang buong sistema nya at napasalampak nalang ulit sa gitna ng daan.

Naawa ako ng makita ko na nagkaganon sya. Malapit na rin syang umiyak dahil sa di malamang gagawin.

Umupo ako ng maayos at hinarap ko sya. Nakayuko lang sya at nananahimik.

"Uyy, sorry na hindi ko naman alam na ganon ka pala mag alala, that was a prank"

"Damn that prank! Ano bang pumasok sa utak mo at ginawa mo yon? Pinag alala mo ko"

Lagot. Wrong move ata ako sa part na yon. Nagalit sya.

Ngayon ko lang din sya narinig na nagmura ng malala.

"H-hindi ko sinasadya. Sorry" paghingi ko pa ng tawad.

Hindi pa rin sya kumikibo, kita na rin ang butil ng luha na naglandas sa kanyang mukha.

Ganon kalala ang nagawa ko? Pinahiran nya yun gamit ang kanyang palad.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Sorry na please, hindi ko naman intensyon na ipag alala ka. Wrong move yung nagawa ko, sorry"

"Ano nalang sasabihin ko sa magulang mo kapag sinugod ka sa hospital ngayon? Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko once na may nangyaring masama sayo? Sana pala hindi na kita hinayaang mag isa."

Yumakap ako sa kanya ng hindi ko na alam ang isasagot ko.

"S-sana naiintindihan mo ko bilang isang doktor. Ginagawa ko ang lahat para iparamdam sayo ang mga hindi mo nagawa noon, pero sana wag naman ganito ang ganti mo. Nangako ako kina tita na aalagaan kita. Tapos ganito ang mangyayari?"

Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nya at hinarap sya sa akin. Ngayon ko lang din sya nakitang umiyak ng ganito  pinunasan ko muna ang mukha nya gamit ang mga hinlalaki ko bago ko sya halikan ng paulit ulit sa kanyang mga labi.

Bahala na. Yun lang ang alam kong pambawi para sa ginawa ko. Hindi sya kumikilos para gantihan ang mga maliliit na halik na binibigay ko. Nanatili lang syang nakatingin sa mga mata ko.

Ang huling halik na binigay ko ay nagtagal. Kinagat ko pa ng bahagya ang kanyang lower lips na ikina ungol nya ng bahagya. Doon na rin sya bumigay at ginantihan ng same intensity ang halik ko. She also grab my nape and move her body against mine.

"Huwag mo na ulit gagawin yon ah" aniya pagkatapos ng halikan namin

"Hindi na po, promise"

"Bakit mo ba naisipang gawin yon?" Malumanay na ang pananalita nya.

Tumayo muna ko at iniawang sa ianya ang mga kamay ko para tulungan syang tumayo. Baka kase may biglang dumaan at nasa gitna kami ng kalsada.

Kinuha naman nya yon, pagkatapos ay itnayo nya ang nakatumbang bike.

Let MeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu