22- Day with You

598 14 2
                                    

CK'S POV

This day is so incredible, sobrang saya ng puso ko. Dahil kasama ko sya, at nagagawa namin ang mga bagay na ganito.

Nag enjoy ako sa buong maghapon na kasama ko sya. Marami rin kaming nagawa at may mga na check kami sa bucket list nya.

Name- maintain ko naman din ang kalagayan nya. Napapabinom ko sya ng gamot sa tamang oras at nagpapahinga naman kami kung kailangan.

Ngayong dapit hapon na ay nandito pa rin kami at naka salampak sa buhanginan. Nasa tabi namin ang tinayo naming sand castle

"Diba sabi mo gusto mong mag self portrait?" Tanong ko

"Oo kaso hindi ko pa nagagawa yun ehh"

"Wait kunin ko yung camera sa loob"

"Bakit?"

"I'll take a photo of you"

"You know how?"

"Sandali kukunin ko muna"

I also have a camera pero hindi Ako professional tulad nya. Sya kase inaral nya talaga ang mga bagay na to.

Ako sadyang hubby ko lang ang pagkuha ng larawan. Pero ako mismo ayaw ko ng photos.

Pagbalik ko ay nandoon pa rin sya sa kanyang pwesto at tinatanaw ang dagat.

"Here"

"Marunong ka?"

"Hindi ako kasing galing mo pero may camera ako at ine- explore ko pa ang sarili ko. Dala ko lang yon kapag nagagawi ako sa iba't ibang bansang napupuntahan ko"

"Sayang hindi mo dala. Gusto ko sanang makita mga shots mo" aniya naman

"Look at my socials makikita mo doon lahat"

"Oo nga, hindi pa pala kita na ffollow or na aadd. Waits"

She took up her phone and asked my usernames. Kinuha ko Naman ang phone nya at ako mismo ang naghanap.

At least hindi ako ang nag first move haha.

"Look" wika ko sabay pakita sa kanya ang Instagram account na patungkol sa mga bansa na napupuntahan ko.

Kita ko naman ang pagkamangha sa kanyang mukha ng i-swipe nya isa isa ang nasa screen ng phone nya.

"Ang ganda ng shots mo. I wonder na hubby mo lang talaga to? You have a potential to took a photos"

"Nambola ka pa. Simulan na nga natin"

"Wait? Nakapag palit ka na agad ng shorts? At nakapag damit ka na din?"

"Nilalamig na ko ehh, haha ikaw ba nadala ko na nga rin tong totebag ohhh. "

"Hahaha ang cute mo dyan"

"Cute lang?" Tanong ko pa.

"Bakit may inaasahan ka pa ba?"

"Sabi ko nga wala na. Sige na umawra ka na dyan. Baka magbago pa isip ko"

"Hahaha tampo ka naman kaagad. Oo na pogi ka na, kahit na natanggalan ka na ng angas dahil sa bitbit mong tote bag"

"Cute naman ohh."

Nag start na kami. Una ko syang kinunan sa may buhanginan. Grabe. Photographer ba talaga to or isang model? Lalo pa kong napanganga ng mag pose na sya sa may dagat

Hindi kita ang mukha nya pero hatak na hatak na ko sa mga pose nya

Ang ganda mo, ang ganda ganda mo.

Buti nalang hindi pa papadaong ang mga bangka kaya napakalinis pa ng dagat.

"Patingin nga?" Aniya ng matapos na

Let MeWhere stories live. Discover now