38- Pain

559 16 4
                                    

JHAI'S POV

Naiwan akong tulala habang umiiyak dito sa Kwarto. Ito na yung hinihintay ko ohh. Sa sobrang saya ng puso ko Hindi ako makapag react ng maayos.

Hanggang sa nawala ang taong pinaka mamahal ko. Hindi ko inaasahan na makikita nyang walang bawas ang mga gamot ko. At hindi ko rin inaasahan na mangyayari sa aming dalawa to.

I didn't expect na aamin sya. Na totoo pala talaga lahat ng ipinapakita nya sa aking pag aalaga. Akala ko part lang yun ng goal nya.

Huli na ang lahat. Iniwan na nya ko. Naiwan na kong mag isa dito sa kwarto nya. Ngayon lang nag sink in lahat sa akin.

Parang kailan lang ang saya pa naming dalawa dahil sinalubong namin ang bagong taon sa Hong Kong. Nag ikot doon at nagpunta sa Disney land tapos ilang araw palang ang nakakaraan heto na kaming dalawa.

Iyakan ang naging kapalit ng lahat ng saya na meron kami month ago. Kung maibabalik ko lang sana.

Naghintay ako sa kanya. Dalawang oras na rin ang nakakaraan pero walang Ck na bumabalik.

Tinotoo nya talaga ang mga sinabi nya kanina. Pilit ko mang libangin ang sarili ko ay bumabalik pa rin sa akin ang mga naganap kanina.

Nang may marinig akong kumakatok sa pinto, nagmadali pa kong lumabas dahil baka si Ck na yon. Pero nabigo ako.

I was surprised when I saw tito Doc in front of me.

Muling bumuhos ang luha sa aking mga mata. Wala na talaga. Ito na yun. Sinusundo na ko pagbalik ng Manila.

Yumakap naman agad sa akin si Doc Vergara at hinimas himas pa ang aking likod para parahanin ako

"Husshhh, Don't cry hija. Let's talk"

Inakay nya ko papasok ng bahay at pinaupo sa couch. Kumuha muna din sya ng tubig at ibinigay ito sa akin.

"Sorry po" wika ko pagkatapos

"Wala kang dapat ihingi ng tawad. Pwede ko bang malaman bakit napunta kayo sa ganitong sitwasyon?"

"Nakita po nyang hindi ko iniinom yung mga gamot ko"

"I see, tuloy pa rin ang plano mo hija? Hindi ka ba nakumbinsi ng anak ko?"

"Hindi naman po sa ganon tito"

"Ano pala?"

"Hindi ko rin po alam"

"Alam mo na ba?"

"Ang alin po?"

"Na mahal ka nya?"

"Opo, kanina lang din. Umamin po sya. Alam nyo po?"

"Matagal na. Walang nililihim sakin yang batang yan. Open sya sakin sa tuwing mag kakaiba syang nararamdaman. And when she confess her feelings for you. Hinayaan ko sya, kase doon sya masaya ehh. Kahit na alam ko na mahihirapan nga sya. Lahat ng galaw nya, pinag papa alam nya sakin. Mula ng ma discharge ka sa hospital, sa pagpunta nyo dito sa beach house hanggang sa mag paalam sya sakin na dito tayo mag Christmas. Lahat ng yon ginawa nya dahil sayo. Ganoon ka kahalaga sa kanya. I'm not saying this dahil sa anak ko sya. Alam mo naman na anak na rin ang turing ko sayo. Pero sana anak maisip mo yung mga taong nagmamahal sayo. Yung mga taong handang gawin lahat para lang masalba ka. Doktor kami oo, at may responsibilidad pa rin kami sa mga pasyente namin. Pero Hindi ibig sabihin non okay lang sa amin lahat. Na gagawin namin to para sayo. Mahal ka namin, lalong lalo na ng parents mo. Ikaw lang ang meron sila, hindi sila gumawa ng kapatid mo dahil gusto nila na tutukan ka. Kaya wag mong isipin na pagod sila. Ganon ka nila pinahahalagahab ehh"

Sa mga sinabi ni tito lalo akong umiyak. Ganoon na pala ako ka selfish. Sarili ko lang pala ang iniintindi ko. Hindi ko naisip lahat ng sakripisyo nila Dad para sa akin. Tapos ganito ang igaganti ko sa kanila.

Let MeWhere stories live. Discover now