5- Getting to know

694 18 2
                                    

CK'S POV

"Hi, good morning. How's my new patient?" Bungad ko pagkapasok sa kwarto ni Miss Robles

Naabutan ko ang mommy nya lang. Wala ang mga kaibigan nya at ang kanyang Daddy

"Good morning Doc Ck. Ayos lang naman po" sagot nya

"Feeling better than Yesterday?"

Kailangan ko kase syang tanungin ng tanungin sa mga bagay bagay para makakuha ako ng Idea na pwede kong gamitin para mas lalong bumuti ang kalagayan nya

"A little doc."

"Mrs. Robles, wala naman pong ibang nangyari habang tulog sya? Hindi po ba sya nahirapang huminga or something?"

"Wala naman po Doc. Deretcho naman po ang tulog nya" tumango tango lang ako at ipinagpatuloy ko na ang pagsusuri sa kanya.

Gaya ng araw araw na gawain. Katapos nyang painumin ng gamot ay pina una ko na ang Nurse. Habang ako ay naglaan pa ng kaunting oras para mas makilala ko pa siya.

Lumabas din saglit si Mrs. Robles para bumili ng makakain nila kaya tama lang na nandito muna ko.

Pero ng kaming dalawa nalang ay wala naman akong alam na itanong, or kung saan ako magsisimula.

"Sige po Doc baka busy ka pa po. Okay lang naman po akong mag isa dito" naramdaman nya ata na nag aalangan pa ko

"No, I mean. Wala naman akong masyadong gagawin. Inaaral ko lang naman yung ibang test results mo"

"Too boring right Doc? Wala naman pong bago sa mga test results ko. Sorry kung pati ikaw na stress sa akin."

"Hindi ahh. Trabaho ko yun at wala akong tinatanggihan na pasyente. Kailangan ko lang kooperasyon mo para magawa ko ito ng matagumpay. Yun ay kung tutulungan mo ko"

"Nakapag desisyon na rin po ako Doc. Pagod na ko ehh. At ayaw ko na rin pong bigyan sina mommy ng mabugat na dalahin"

"Stop thinking that you are a big problem to them. Anak ka nila, dapat lang na paglaanan ka nila ng panahon lalo na ikaw lang ang meron sila. Paano nalang kung nawala yung kaisa isang bagay na iniingatan mo diba masakit? Ginagawa ng parents mo lahat para lang humaba ang buhay mo. Kung stress lang din ang tingin nila sayo dapat noon pa man ay pinakawalan ka na nila. But here you are, still taking a medication for 24 years. Sorry kung nanghihimasok na ko sa buhay mo. But Miss Robles try to think of it. Pag isipan mo ng isang libong beses kung kaya mo na bang iwan yung mga nag alaga sayo nang napaka tagal na panahon? For 24 years sa isang iglap mawawala ka rin pala sa kanila?

"Sorry Doc."

Nakayukong turan nya.

"You have more months, makakapag isip isip ka pa. Mahaba pa ang tatlong buwan para makapag isip ng maayos. Alam kong nakaka unawa ka kaya sana tulungan mo kong matulungan."

"I'll try Doc."

"Change topic na nga tayo. Baka sumama pa kalagayan mo dahil sakin ehh"

Napatingin naman sya sa akin ng may pagtatanong

"What do you mean Doc? Magtatagal ka pa?"

"Ay ayaw mo ba ko dito?" Biro ko

"Hindi naman po sa ganon. Alam ko po kase na busy ka kaya nakakapagtaka lang po"

"Don't use po and opo. Tatlo or apat na taon lang ang tanda ko sayo. At hindi pa naman ako ganoon ka tanda para gamitin yang words na yan. Just Doc. Ck or maybe call me by my name"

"Ayy hindi po. Doktor pa rin po kayo at nasa hospital pa rin po tayo"

"I said no po ehh" pabirong sermon ko pa

Let MeWhere stories live. Discover now