Naupo kami sa may sidewalk at doon mo sinagot ang tanong nya.

"Bibiruin lang sana kita. Pero hindi ki expect na ganoon ka mag react"

"Hindi kase magandang biro kapag about sa health mo"

"I know. Sorry, hindi ko naman sinasadya"

"Basta hindi na mauulit"

"Opo"

"Pwede na ba akong mag ride ulit?"

"Hindi ko alam kung papayagan pa ba kitang gumamit ng bike or hindi na ehh" nag aalangang turan pa nya

"Sige na please, promise wala ng prank"

"Sige pero dahan dahan ka lang ah"

"Yes po"

Mabuti nalang at pumayag ulit sya. Buti nalang at na ayos namin ang maliit na hindi pagkakaintindihan.

Naka ilang balik din ako, paikot ikot sa area kung nasaan kami. Masasabi ko na na marunong na nga ako. Nagagawa ko na sya ng walang tulong.

Minutes later ay kinuha naman nya sa akin ang manibela at sya naman daw ang mag ddrive. She also said na angkas daw ako at mag iikot kami sa buong park.

Kasama to alam ko sa wishlist ehh. Di ko alam na magagawa ko sya both, with my love pa.

Oo na magpapaka delulu na ko. Pero ito na yon ehh. Cathryn Kate na yan ehh. Tatanggihan ko pa ba?

Nagpaikot ikot kami sa buong park at kung minsan ay pumapasok pa sya sa ibang daan.

Magkasama pa kaming nag grave ng burger at fries na tinitinda sa harap ng isang Elementary School.

We also buy some kwek kwek and fish ball.

"Kumakain ka ba nyan?" Tanong ko

"Oo naman no anong tingin mo sa akin? Baka ikaw nga ang hindi kumakain nyan ehh"

"Hey, excuse me?"

Tumabi naman sya ng bahagya

"Daan na miss ma'am"

"Hindi yan letche"

Pati si kuyang tindero ay natawa din sa inasta nya

"Kitams? Pati si kuya natatawa sa kalokohan mo"

"That was a joke. Ikaw lang ba pwedeng mag joke?"

Bumili na rin kami ng maiinom tapos ay bumalik kami sa Park. Buti nalang at may basket ang bike at doon namin nilagay ang mga ito.

Pinagsaluhan namin yun sa tinambayan namin ng mga bata, pero sa may stone table na dahil wala kaming mantle na dala.

Ngayon nalang ulit ako nakakain ng street foods. And god, sobrang sarap pa rin talaga. Sinabayan pa ng masarap na pagkakatimpla ng sawsawan.

"Ih, grabe ang sarap" bulalas ko

"Mukhang namiss mo ang fishball ahh"

"Matagal na rin kase simula ng huli akong kumain nito."

"Kaya naman pala. Akala ko sadyang natagtag ka lang sa pagbbike kaya ganyan ka kumain ehh"

"Hindi ahh"

"Kain lang ng kain. Para makabalik na tayo ng beach house. Wala tayong dalang pamalit mo, basa na yang damit mo ohh"

"Bata lang gumagawa non"

"Bata ka naman ahh"

"Anong bata?"

"Isip bata, joke. Kain na"

Dahil nga wala kaming dalang pamalit, nilagyan muna nya ng towel ang likod ko dahil basa na rin iyon ng pawis.

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa beach house. Nagpahinga ng saglit tapos naligo na.

Naabutan ko si Ck na nagluluto sa kusina pagkatapos kong maligo. Nakapaligo na rin sya. Marahil ay ginamit nya ang banyo dito sa baba.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko nanaman at nakikita ko nalang ang sarili ko na niyayakap ko sya mula sa likod.

Para bang ang tagal na namin tong ginagawa. Otomatikong pumulupot ang mga kamay ko sa tyan nya at ipinatong ang baba ko sa may balikat nya.

Para bang ang perfect ng pagkakalapat dahil tugmang tugma ito sa aming dalawa.

Lumingon sya ng tingin at hinalikan ako sa pisngi

Sana ganito nalang kami lagi. Pero hindi alam kong may katapusan ang lahat ng ito.

Alam kong hindi ito magtatagal.

"Ano niluluto mo?"

"Pork Adobo"

"Our favorite?"

"Yup."

"Tulungan na kita?"

"Hindi na kaya ko na to. Dyan ka na lang"

"Okie po sabi mo ehh."

"Kiss muna nga, pampalakas ng loob"

"Huh? Kailangan pa ng kiss kahit magluluto lang?"

"Opo"

Hindi na nga ako umangal at hinalikan sya pero sa pisngi lang

"Ihhh, hindi dyan"

"Haha, saan ba?"

" Sa lips" aniya habang naka pout

"Face me"

Binitawan naman nya ang hawak nyang kutsilya at humarap sa akin.

Ibinigay ko ang halik na gusto nya.  Dahil marumi ang kamay nya. Hindi nya ko mahawakan ng maayos kaya ako na ang gumawa ng way para lumalim ang halikang yon.

May pahabol pang halik sa tungki ng kanyang ilong

"Done na bumalik ka na sa pagluluto"

Sumunod naman sya. At mulu kaming bumalik sa pwesto namin kanina. Haysss. Sabihin mo lang talaga na mahal mo ko magbabago isip ko para sayo.

Alam kong hindi totoo ang lahat ng to ehh. Alam kong may katapusan din ang lahat

___________________________________

Nag overthink na ba ang lahat? Hahahahah.

Let MeWhere stories live. Discover now