Chapter 12

7 2 0
                                    


HINDI pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

HINDI pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Tiningnan ko si Lucas at tahimik lang siyang nakaupo sa harap ng mga radyong nasa mesa. Panay ang pagngatngat niya sa sariling mga kuko sa kamay na para bang balisa at hindi rin mapakali. Walang niisa sa amin ang nagsalita at tanging ang pagkalansing lang ng kadenang nakakabit sa leeg ni Spot ang maririnig sa buong sala.

Bumalik sa isipan ko ang nangyaring aksidente kanina. 'Yong paglapat ng mga labi namin sa isa't-isa. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. May kung ano sa tiyan ko na hindi ko pa rin maipaliwanag pero sa kabila nun ay may parang bumubulong din sa isipan ko na mali 'yon. Mali lahat ng 'yon. Wala lang 'yon. Aksidente lang ang lahat.

Ngunit hindi ko makalimutan ang malambot niyang mga labi. Ang lambot ng labi ni Lucas.

Napaisip ako kung may nakahalikan na rin kaya siyang iba noon? Suwerte siguro ng naging girlfriend niya kung ganoon.

Napatingin ako sa gawi niya nang umayos siya ng upo at sinubukang buksan ang mga radyo. Narinig ko ulit ang pamilyar na tunog na narinig ko nung unang gabi akong napunta sa lugar na 'to. Parang static noise na maririnig mo sa isang naiwang nakabukas na TV na walang programa. May kung ano siyang kinakalikot doon na hindi ko masyado makita dahil nakaupo ako rito sa may sofa malayo sa kaniya.

Gusto ko siyang kausapin pero parang naiilang ako. Rinig ko rin ang panay buntong hininga niya. Ang awkward kaya hindi ko napigilang magsalita.

"Lucas-"

"W-wala lang 'yon. Okay lang sa'kin. K-kalimutan nalang natin," bigla niyang putol sa'kin na parang nahihiya at hindi mapakali. Napakunot naman ang noo ko. Iniisip niya pa rin ba 'yong halik namin kanina?

"Magtatanong lang sana ako kung nagugutom ka ba, maghahanda ako ng makakain," sambit ko. Nagnakaw siya ng sandaling tingin sa'kin bago nagsalita.

"Ayos lang ako," aniya. Tumango-tango nalang ako saka tumayo para maghanda ng makakain namin. Alam ko namang nagugutom siya dahil andami rin ng ginawa namin ngayong araw. Nagbungkal sa hardin, nag-ensayo sa gubat, at hindi na rin namin nakain ang mga pinitas naming mga mangga kanina kasi medyo nawala rin ako sa sarili at bigla nalang siyang iniwan mag-isa roon at nauna akong umuwi rito. Mabuti nalang at alam ko ang daan pabalik.

Hindi kasi ako mapakali. Sasabihin ko kaya sa kaniya? Na may naalala ako kanina nung maglapat ang mga labi namin, parang dahil doon ay may kung anong nangyari sa utak ko at may munting alaala akong nagbalik. Kaya hindi ko masyado dinibdib 'yong aksidente namin kanina dahil sa isip ko'y mukhang nakatulong 'yon sa'kin.

Nang matapos kong ihanda 'yong meryenda namin ay bumalik din agad ako sa sala at inilagay 'yon sa maliit na mesang nasa gitna. Tumingin ulit ako sa kaniya at seryoso lang siyang nakatuon sa ginagawa.

"Kanina...may naalala ako," pagsisimula ko. Bahagya namang natigilan si Lucas saka dahan-dahang tumingin sa'kin. Bakas ang pagkalito sa mukha niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

Ávrio: Seth & LucasWhere stories live. Discover now