14.

106 13 9
                                    

Audrey's Pov

“Audrey, pwede bang ikaw muna magbantay ng booth? Break muna kami.” nilapitan ako ni Jewel at tinapik sa kamay para makuha atensyon ko.

“Sure, sure take your time.” nakangiting sagot ko at lumipat ng pwesto. Until now marami pa ring students kaya sobrang ingay talaga at halata namang sinusulit na nila 'to since day 2 na at last na bukas.

“Nasaan ba si Bada? Bakit nasa room gamit niya?” tanong ni Hanna saakin.

“Hindi ko alam eh but I'll try to reach her out again.” I responded and still smiling.

“Sige babalik din kami agad.” at umalis na silang dalawa.

I haven't heard a single thing from Bada as if she's avoiding me and it bothers me a lot. Why? Is it because of my sudden confession? Panay ang text at tawag ko sakanya pero wala, hindi niya ako sinasagot.

Si Haechi naman hindi ko rin mahagilap sa school. Did I do or say something wrong? Bakit bigla naman naging ganito lahat?

“Inom ka muna.” I heard someone's voice and I immediately looked up, excepting it was Bada but no, it wasn't her.

“Laine?”

“Bakit ang lungkot mo? Hindi bagay sayo.” She said and sat down next to me.

“Laine...”

“Did something bad happen? You look so down.” Laine stared at me and I teared up.

“Si Bada kasi.” ayan na nga ba sinasabi ko eh.

“Anong meron kay Bada?” Laine worriedly asked me while caressing my back.

“Iniiwasan ata ako. May ginawa ba akong mali? After I confessed my feelings, hindi na siya sumasagot sa mga messages and calls ko.”

“Umamin ka?”

“Oo. I like her a lot, Laine.”

“W-what? I mean just give her time baka nabigla lang siya. Isang araw palang oh kaya wag ka masyadong negative. She needs time.” Laine gave me an advice and assured me.

She needs time? For what? So hindi niya ako gusto or hindi siya sigurado sa nararamdaman niya saakin? I thought we both like each other because she treated me with so much love and care—or baka ako lang talaga nakakaramdam nun.


“Another message from someone. We got a message and it belongs to Audrey Partlow.”

I looked around and saw few students staring at me. Sino ba nag-iiwan ng message sa radio booth? Kahapon ko pa naririnig yung name ko.

“To Audrey,
    Please don't stressed yourself out and keep smiling! Happiness really looks good on you.”

Ano raw?!

“Sino yun?” tanong ni Drew na kasama kong magbantay ng booth namin.

“Ewan.” matipid kong sagot.

“Tamlay ah. Nasaan ba kasi si Bada? Yung gamit niya nasa taas pa rin tsaka alam mo ba kahapon may kasama yun na ibang babae.” Drew said and what? Did I hear it right?

“Ibang babae?” I asked him, making sure I heard it right.

“Yes, another girl. Akala nga namin ikaw kaso hindi eh. They went out together tapos hindi na bumalik si Bada.” Drew explained.

“Are you sure?”

“Yup. Itanong mo pa kila Josh.”

Naguguluhan ako. Siya ba yung Iris? Yung pinag-uusapan nila ni Haechi kahapon? Don't tell me all this time may girlfriend pala siya?

A Love To Remember Where stories live. Discover now