3.

183 11 13
                                    

Audrey's Pov

“Guys, mauuna na akong umuwi.” once I reached our table, I immediately picked up my things and bid my goodbye to everyone.

“Oh bakit? Saan ba kayo galing ni Bada?” nag-aalala nilang tanong saakin.

“Wala. Where's Laine?”

“Hinahanap kayong dalawa.”

“Tell her na nauna na ako. It's so good to see you guys. Let's hang out next time.” I tried to maintain my voice and calm my nerves.

Alam kong alam nila na may mali. Of course they know us kaya mas minabuti na rin nilang hayaan akong umalis. Nagmamadali akong lumabas ng school at binuksan yung sasakyan ko. Just in time as I was entering my car, someone grabbed my wrist and pulled me out.

“What's wrong with you?! I need to go home!” I yelled at her at pilit pumipiglas sa pagkakahawak niya saakin.

“Hindi bat nakainom ka? So why are you driving?” She sarcastically asked me and closed the door.

“Bada, let me go! Bakit mo ba ako ginugulo ha? Wala kaba talagang magawa sa buhay mo kaya binubulabog mo ulit buhay ko?” iritado kong sabi.

“Correction ikaw bumulabog sa buhay ko.” Bada smirked and brought me into her car.

Once she made sure I was inside her car, she slammed the door and hurriedly went to the driver's seat. I tried to escape but this crazy girl is too fast and locked the door.

“Ano bang ginagawa mo ha? Gusto ko na umuwi!” singhal ko sakanya habang abala siya sa pagmamaneho.

“Uuwi na nga tayo.”

“Fuck! Ibaba mo na ako!!!” para kaming tangang nagtatalo sa loob ng sasakyan niya.

“You wish.” rinig kong sagot niya.

Ano bang problema nito? Bakit niya ba ginagawa saakin 'to? Bakit niya ba ako pinapahirapan ulit? Hindi pa ba enough yung mga pinagdaanan ko sakanya before?

“Hahanapin ako ni Laine.”

“Really? If si Laine iniisip mo, bakit mauuna kang umuwi at hindi siya kasabay? Also nakita ko yung sasakyan ni Laine sa labas. Don't tell me magkahiwalay kayo ng sasakyan?” mausisa niyang tanong.

Shit naman talaga oh.

“Busy kaming dalawa kaya magkahiwalay kaming pumunta tsaka ano bang pake mo?”

“Tinanong ko lang naman.”

Hindi na ako nakipagtalo sakanya at hinayaan na lang siya magmaneho. I'm so tired and already running out of energy to fight back kasi kahit anong gawin ko, si Bada pa rin naman mananalo.

“We're here.” Bada said and I sat down properly, boring my eyes outside.

At saan naman niya ako dinala? Hindi naman 'to yung bahay ko!

“Hindi ko 'to bahay. Akala ko ba ihahatid mo ako ha?” hinarap ko siya at ayun nakangiti lang siya habang nakatitig saakin.

“Sino ba nagsabing ihahatid kita sa bahay mo? Wala kaya akong sinabi.” She innocently responded and went out first.

I got off too and just followed her as she made her way inside. I don't have my phone and cash with me! I left it in my car so paano ako makakauwi?

“Come inside.” and I did.

Pagpasok na pagpasok namin, inilibot ko kaagad yung mga mata ko at dun narealized na bahay 'to ni Bada. I even saw our old photos and of course her photos with Iris. So it's true? nagkabalikan nga silang dalawa.

A Love To Remember Where stories live. Discover now