12.

106 13 9
                                    

Haechi's Pov

Everyone's busy because of our school event. I went to school early to set up our booth and I did really well. The radio booth was assigned to us and it was a bit of work.

“Kunin niyo na mga message para mabasa na.”

May dj kami na taga basa ng mga stories galing sa mga students din and some of them mga messages lang mostly about confessing their feelings. May notes silang iiwan sa isang box then kukuha kami para basahin ito at buong school makakarinig.

“Sandali lang ha? May hahanapin lang ako.” paalam ko sa mga kaklase ko.

Paglabas ko ng booth, dumiretso agad ako sa booth nila Audrey. Ang pagkakaalam ko jail booth sakanila at nakikita ko yung iba nilang kaklase na nanghuhuli. As I arrived, wala naman sila dun.

“Nasaan yung dalawa?” tanong ko sa kaklase nila.

“Nakakulong. Bawal piyansahan.” sagot nito sabay turo kung nasaan yung dalawa. Habang naglalakad ako papunta sakanila, panay ang tawa ko. Bat naman nakakulong 'tong dalawa?

“Ginagawa niyo dyan?” I said while laughing at them.

“Tigilan mo kami ah.” Bada responded and turned her back on me.

“Chi, bayaran mo nga sila para makalaya na kami.” agad akong nilapitan ni Audrey at hinawakan yung kamay ko.

Akala mo talaga nakakulong silang dalawa HAHAHAHA.

“Bawal daw eh. Ano ba kasing ginawa niyo?”

“Ito kasing kaibigan mo nanggulo sa kabilang booth.”

“Bakit ako? Ikaw nga yung ayaw pumasok.”

“Malamang ang aga aga pa tas gusto horror booth agad.” at ayun nagtalo na silang dalawa.

“Papasok lang eh.”

“Bada, tigil tigilan mo ako ah. Ikaw may kasalanan.”

“Sabi ko nga titigil na. Oo na, ako na may kasalanan.” sagot ni Bada sakanya.

Para talagang aso't pusa 'tong dalawa pero alam mo yun, nagkakasundo sila sa lahat at swak na swak personality nila sa isa't-isa kaya siguro nagustuhan din ni Bada si Audrey. I can't blame Bada at all.

“Ilang oras pa kayo rito?” tanong ko kay Audrey at bumuntong hininga ito.

“40 minutes pa.”

“Okay, babalik na lang ako para sunduin kayong dalawa. Enjoy niyo muna 'yang pagkakakulong niyo.” I teased them and hurriedly went out.

I decided to go back to our booth since wala pa yung dalawa. Ang totoo nyan aayain ko sana silang kumain kaso wala, nakulong pala kaya mamaya na lang.

“To my dearest, Audrey....”

Again?

As of today, pangalawang message na yan for Audrey and feeling ko sa iisang tao lang galing ito.

“Nakita niyo ba kung sino nag-iwan ng message para kay Audrey?” tanong ko sa mga kaklase ko.

“Hindi.”

“Pangalawang message na 'yan eh.”

“Siya ba yung crush ni Bada?”

“Oo, siya ata yung girl.”

“Oh tigil na. Marami pa tayong gagawin.” I butted in and asked them to do their assigned job.

Weird. May iba pa palang nagkakagusto kay Audrey? Akala ko kasi si Bada lang haha mukhang may kakompitensya kaibigan ko ah.

A Love To Remember Where stories live. Discover now