6.

123 9 4
                                    

Audrey's Pov

“Ilang days pa para matapos community service mo?” tanong ni Laine at nilingon ako. I was sitting behind her at hindi muna tumabi sakanya.

“Pangatlong araw na 'to so may 2 days pa.” sagot ko sakanya at ibinalin yung tingin ko sa labas ng bintana.

“Do you need help? Pwede naman kitang tulungan since after class naman yun.” I sighed and bore my eyes on her.

“Thank you pero you don't have to besides Bada is already there.” nagulat ako nang bigla siya tumayo at pumunta sa pwesto ko.

“Nanggugulo pa rin ba siya? Gusto mo bang kausapin ko—”

“Calm down. She's good and mom likes her.” walang gana kong sagot.

“Si Tita? Bakit?”

“Anong bakit? They already met each other and she likes Bada a lot. Everytime na sinusundo ako ni Mama, hinahatid ako ni Bada and minsan sinasabay na rin namin siya pauwi. I don't know kung bakit siya nagustuhan nun pero hinahayaan ko na lang.” I explained.

Kahit kakakilala pa lang namin, malapit na agad loob ng nanay ko sakanya. Bada is nice pero up until now hindi ko pa rin alam yung purpose niya kung bakit panay ang buntot niya saakin lol.

“She likes her more than me?” parang ewan 'to halatang nabobother siya because of that.

“You should ask my mom.” I responded and just laughed it off.

“How about you? You like her more than me?”

Gago? Bakit ba panay ang tanong niya? What's the deal?

“Laine, stop acting like a kid.” napailing na lang ako at sakto namang dumating na si Sir. Pablo kaya agad siyang bumalik sa upuan niya.

We greeted Sir. Pablo and he said someone would join our class. New student? Bakit ba gustong gusto nilang lumipat dito sa school namin or even our section? Ang weweird talaga nila.

“Bakit nandito 'yan?” bulungan nila habang ako naman may sariling mundo lang sa gilid at hindi ito pinagtutuuan ng pansin.

“Hi, I know you already know me but I'll still introduce myself. My name is Bada Lee and I came from Class B.” rinig ko kaya automatic akong napatingin sa harapan at nakatitig siya saakin.

Anong trip neto? Bakit nandito siya sa room namin? Kahit kailan may sapak talaga 'to sa utak eh.

“From now on ito na yung magiging room ko at magiging magkaklase na tayong lahat.” Bada excitedly said and received a loud cheer from my classmates mostly from girls.

“Anong meron?” mahina kong bulong habang si Laine naman nilingon ulit ako na para bang nagtatanong din saakin.

“Ms. Bada, tama na 'yan masyado kang natutuwa. Choose your seatmate para makapagsimula na tayo.” Sir. Pablo interrupted her while I, on the other hand, averted my eyes off her.

“Seatmate? Okay found one.” rinig kong sagot ni Bada at ako naman, panay ang dasal na sana wag ako yung tabihan niya.

Please...

“Hi.” She greeted me and sat next to me.

“Bakit ba panay ang buntot mo saakin ha? Konti na lang babatukan na kita.” singhal ko kay Bada habang naglalakad kami papunta sa office ni Sir. Pablo.

“Okay lang basta isusumbong kita kay Tita.” pananakot niya.

“Kainis!”

“Ang cute mo talaga kapag naiinis ka.”

A Love To Remember Where stories live. Discover now