"Anak?"

Napatingin ako sa likod ng marinig ko ang boses ni Papa.

"Kayo po pala pa"

"Pumasok na ko. Wala kaseng sumasagot, pero sabi nina Yaya kanina naka uwi ka na daw. Nandito ka pala"

"Sorry po hindi ko narinig"

"Okay lang" Naupo sya sa may tabi ko. "Kamusta si Jhai? Yung pagdalaw ng mga bata?"

"Maayos naman po. Nakatulong po yung mga bata para malibang sya."

"Mabuti kung ganoon, kasama ba yon sa mga plano mo?"

"Actually wala po akong plano papa, hinahayaan ko lang po kung anong mangyari sa araw araw. Basta nandoon lang po ako sa tabi nya para may iba syang maka usap. Tapos tinatanong ko po sya kung ano yung mga namimiss nyang kainin or something at yun po ang dinadala ko sa kanya araw araw"

"Nakaka usap mo ba sya about sa balak nya?"

"Hindi po deretchahan na ganoon pero lagi nya pong nasasabi na pagod na syang lumaban. Na naiinip na daw po sya doon. Na ilang buwan nalang ang ilalagi nya dito sa mundo. Mga ganoong bagay po"

"Nahihirapan ka na rin ba?"

"Hindi naman po. Sabi nga po kahit one percent lang yung chance na mapapayag ko sya. Ggrab ko pa rin po yun."

"What if hindi mag work?"

"At least ginawa ko po yung best ko para makatulong po ako"

"Hindi talaga ako nagkamali na lapitan ka anak. Sa makalawa na ang flight ko pa Malaysia"

"Huh? Napaaga po ata? Diba next week pa po?"

"Na move daw yung seminar namin ehh. Kaya napa aga. Pero ayos na rin yon. Kaya ako napapunta sayo para makamusta si Jhai bago ako umalis."

"May progress naman po, bumubuti naman po ang kalagayan nya unlike before na onting galaw lang po hingal agad sya"

"Good. Take of her huh?"

"Yes po papa"

"Ikaw kamusta ka? Bakit nga pala nandito ka sa labas? Hindi ka pa magpapahinga? Oras na din oh"

"May bumabagabag lang po sa akin papa"

"Want to share?"

Sasabihin ko ba? Baka hindi rin maniwala si papa kapag sinabi ko. Lalo na napaka aga

"Huwag nalang po papa. Pahinga ka na po"

"No, tell me makikinig ako. Isipin mo nalang bonding natin tong dalawa."

Vocal naman ako sa parents ko. Lahat naman ng gustong ko i-share nagagawa ko sa kanila ng maluwag. Pero iba na kase yung ngayon ehh.

"Nakakahiya po"

"Sa akin ka pa talaga nahiya? Papa mo ko anak. You can tell anything"

Nag alis muna ko ng bara sa aking lalamunan at umayos ng aking pagkakaupo.

"Um, ano po kase. May n-nagugustuhan po kase akong isang babae"

"Did i heard it right? A girl?"

"Opo, is that a Matter po?"

"Hindi naman, tinanong ko lang. Wala naman sa akin yun kung anong kasarian pa yan basta mahal mo. Pero teka nga. Parang ngayon ka lang nag share sa akin tungkol sa ganyan ah"

"Ngayon ko lang din po kase naramdaman to ehh."

"Oh edi congrats, marunong ka ng magmahal"

"Papa?"

Let MeWhere stories live. Discover now