5- Getting to know

Start from the beginning
                                    

"Sorry sorry."

"Haha that's okay. Kamusta pala kayo ni Dad?" Natanong ko bigla

"Doc. Vergara is my second father na den. Dahil nga lagi akong nandito monthly nagiging close na ko sa kanya"

"Sabagay malapit sa bata si Doc. Ehh. Kaya pala every month may dala dala syang food, sayo pala galing yon?"

"A-ahh haha oo. Nakagawian ko na kase yun every month. Minsan yung iba pinagsasaluhan namin tapos yung tira iuuwi nya. Nasasabi naman nya na gusto daw yun ng mga apo nya kaya alam ko na may mga anak sya. Pero hindi ko alam na isa ka pala sa mga anak ni Doc. Akala ko noong una pamangkin or something"

"Tuwang tuwa yung tatlo kapag may uwi si Doc na mga sweets."

"I'm glad na nagustuhan nila"

"Actually yung sumunod sa akin halos kayo ang mag kaedad 23 sya"

"Oww? Doctor din?"

"Yup, Gynecologist. Pero student palang din sya. Last year na rin naman nya. Gaya naming mga nauna sa kanila marami silang unit na kinukuha para maka graduate kaagad. Alam mo naman kapag Doktor matagal talaga yan."

"Wow! Family of Doctors talaga kayo?"

"Parang ganon na nga pero iba iba ang specialist namin. Like yung pinaka panganay sa amin Dentist"

"Si Doc. Kenny right?"

"You know her?"

"Yup, sya rin ang dentist ko. recommended din sya ni Doc. Kay mommy"

"Ahhh, yung next naman sa amin Pediatrician, tapos ako Cardiologist, then yung ngang sumunod sa akin is Gynecologist. Yung pangalawang bunso naman hematologist and yung bunso gusto din mag Dentist tulad ni ate Kenny"

"Ang cool, wala na kong ibang sabihin. Ang galing"

"Haha huwag masyadong mabigla. Ikaw ba anong tinapos mo?"

"Dahil sa bawal akong mapagod. Kumuha ako ng Photography. Wala masyadong physical Activities"

"Kaya pala may Camera dyan sa tabi?" Manghang wika ko

"Yup, yan nalang libangan ko dito sa loob ehh"

"Can I take a look of your shots?"

Kinuha naman nya ang camera sa bedside table nya at kinalikot ang mga larawan na naka save doon.

Lumapit naman ako ng husto sa kanya para makita ko yung mga photos nya.

Iniawang naman nya sa akin ang Camera at agad ko itong kinuha para makita ng malapitan.

"Nice and gaganda. Then saan mo ito nilalagay? Do you have Page in your social media?"

"Meron naman pero hindi ganoon kalakihan ang followers"

"Wait can I have? Follow kita"

"Kahit huwag na. Hindi rin natin alam kung makakapag take pa ko ng mga pictures." Malungkot na sagot nya

"Of course you can. Kahit na nandito ka sa loob pwede ka pa rin mag take ng photos"

"How?"

"Maraming bagay kang pwedeng gawing subject. Your daily life here. ow may gallery ka ren?"

Kaka next ko kase ng mga photos sa camera nya ay may nakita akong gallery studio but not sure kung kanya ba ito.

"Maliit lang yan. May mga taken pictures na pwede nilang libutan then meron din dyan na photography class at meron din na studio para sa mga gustong magpapicture. Family pictures or barkada pictures mga Ganon"

"Sinong tumatao doon ngayon? Lalo na nandito ka?"

"Yung Secretary ko. Tapos sina Aj minsan yung tatlong babae dito? Same Course lang naman kami. Tapos Itinayo namin yung gallery na yon"

"Ahh bali sa inyong apat yon?"

"Yeah, pero ako ang founder. Kase may sarili din naman silang ganap Ngayon eh. Perobyang gallery na yan ang pinaka naunang itinayo. But thankfully binibigyan pa rin nila ng pansin yan kahit papaano."

"Syempre kumikita pa rin sila dyan. Lalo na kung may share sila"

"Tig 10% lang ang iniambag nila dyan para daw may kitain pa ko. Tutal ako naman daw ang may Ideya non."

"You are lucky to have them. Walang lamangan na nagaganap. Can't you see? Instead na tig 25 percent kayo, inisip ka pa rin nila."

"I know Doc. Ikaw ba Doc. May mga friends ka rin ba?"

"High school meron. Kambal sila na babae. Then nung nag college lumipad sila pa amerika kaya hindi na kami nagkakausap. Nung nag college naman sina Sofia at Charlotte ang naging kaibigan ko from dance club"

"Sumasayaw ka doc?"

"Haha hindi ba halata?"

"Hindi naman sa ganon, sabi mo nga diba? Nagtake ka ng maraming units para maka graduate ka kaagad. Paano mo nasasabay ang pagsasayaw?"

"Kapag gusto mo, magagawa mo. Kung iisipin mo kaya mo, makakaya at makakaya mong pagsabay sabayin. And isa pa hobby lang naman ang pagsasayaw. Kung ang uwian noon ay 5pm yung 5:30- 6:30 nagaganap ang dance class. Kaya nakakaya ko naman. Kahit na may malaking event sa school"

"Hanep doc. Idol na po kita."

"Haha don't be. Kaya kung ako kaya ko alam kong ikaw kaya mo din"

"Yung pagsasayaw? Malabo po. Sa Physical Education nga po hindi ako makagalaw sa pagsasayaw pa kaya?"

"Haha you're so cute" bigla akong natigilan dahil sa lumabas sa aking bibig. Not expecting na masasabi ko yung bagay na yon. Dapat nasa utak ko lang yun ehh.

Pero wala na nasabi ko na ehh, hindi ko na pwedeng bawiin lalo na narinig din nya.

"I mean your expression is cute. Mali lang ako ng term sorry"

"Ahhh ayos lang Doc. Baka nakukulitan ka na sakin. Nasaan na ba si Mommy baka naaabala na kita ng matagal"

"Hindi naman. Ayos nga ehh, mas nakikilala ko yung pasyente ko. I think every morning ako bantay mo para mas makilala pa kita"

"Ehh, wala ka bang ibang pasyente?"

"Di ka nakikinig kay Doc. Vergara no?"

"Huh?"

"Halos kauuwi ko lang ng Pilipinas, pero kahapon lang ako bumalik dito sa hospital at ikaw ang unang pasyente ko. Kaya ang focus ko sayo lang"

"E-ehh? Sorry I forgot. Hindi nag ffunction ng maayos utak ko haha. Pero baka may mga paper works ka naman? Dadagdag pa ko sa mga alalayanin mo"

"Don't worry walang sasagabal. Basta wag ka lang magsawa na nandito ako"

"Hindi naman po siguro"

"May pag aalinlangan pa ah? Hahaha"

___________________________________

Akala ko ayos na hindi pa rin pala🥺

Ano ng gagawin ko?

Let MeWhere stories live. Discover now