Tumango tango naman ito. Mahahalata kase ang pag aalala sa kanyang mukha.

"Kamusta naman sya Nurse?" Tanong naman ni Doc Vergara sa Nurse

"Stable naman na po Doc. Compare po kanina."

"Salamat."

"Umm. jhai labas na muna kami ahh?" Paalam naman nung tatlo "tita, tito sa Canteen na po muna kami"

"Sige mga hija mag ingat kayo ah"

"Wala po ba kayong pabibili?"

"Busog pa naman kami. Ikaw ba anak?"

"I'm also full mom" sagot ko

Paglabas ng tatlo ay muli akong sinuri ni Doc Vergara. Nada likod nya ang Batang Doktor.

"Nagpakilala ka na ba kay Jhai. Doc. CK? Biglang turan ni Doc. Vergara

So CK nga ang initials nya. Pero ka ano ano nya si Dok?

"Ow, I forgot sorry. By the way I'm Cathryn Kate Vergara, Doc. CK for Short. 3rd child of Doc. Vergara"

Kaya pala Ck? Nice name ahh. Ang cute. Kapangalan nya yung Idol ko kaso "C" ang kanya.

"Sa anim na mga anak ko sya ang bukod tanging sumunod sa yapak ko" pagbibiro pa ni Doc.

Alam ko na may mga anak si Doc. Vergara dahil lagi nyang sinasabi sa akin kapag may dala akong matatamis na iuuwi nya ito sa mga apo at anak nya.

"Nice meeting you Doc. Vergara. Jhairene Cadence Robles nga po pala" pakilala ko

"I know. I saw your record awhile ago. And Doc. Ck for short"

Ang sungit naman nito. Ganito ba sya ka seryoso kapag on duty? Bakit hindi sya ganito kanina? Bigla akong nailang dahil sa isipin kong iyon. Tinanggap ko ang pakikipagkamay nya at para bang may bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa buong sistema ko ng magdampi ang mga palad naming dalawa.

"Um. Jhai si Doc. Ck na muna ang hahawak sayo. Sya na muna ang gagawa ng monthly check up mo at sya rin ang bahala sayo." Sabi ni Doc Vergara

"Bakit po Doc? Sawa ka na ba sakin? Masyado bang matigas ang ulo ko? Sorry po" paghingi ko ng paumanhin

Si.Doc. Vergara ang nagmistulang ikalawang tatay ko. Bukod kase kay Daddy. Si Doc. Vergara ang kinalakihan ko. Naging malapit na ko sa kanya. Nakikipagbiruan at nakaka kwentuhan ko sya sa tuwing monthly check up ko. Kaya nalungkot ako ngayon ng sabihin nya na si Doc. Ck na ang hahawak sakin.

Sabagay okay lang pala. Para hindi mabigat sa akin ang pag alis dahil hindi na sya ang Doktor ko.

"No, hindi yun hija. Kailangan ko kaseng mag take ng Seminar sa Malaysia sa susunod na Buwan kaya pinaghahandaan ko iyon. Magiging busy na ko at hindi na kita matututukan. Kaysa naman sa ibigay kita sa ibang Doktor diba. That's why I recommended my daughter. At least kampante ako na sa kanya kita iiwan. Mabait naman tong si CK. Ayaw nya lang ng matigas ang ulo at pasaway" biro pa ni Doc.

"Doc. Talaga oo, baka naman matakot sa akin si Miss Robles nyan ehh ang bait bait ko po kaya"

Ang cute nilang pagmasdan na mag ama. Hindi ko alam kung anong kwento ng buhay nila. Pero nakikita kong close sila sa isa't isa vase sa asaran nilang mag ama

"Haha wala naman akong sinabing hindi ka mabait Doc. Sabi ko nga diba mabait ka?"

"Kahit na po, baka ma bad shot ako agad kay Miss Robles at taguan na nga ko sa tuwing check up nya"

"Hindi mo naman gagawin diba hija?"

"A-ay hindi po. Hindi ko nga po sure kung makakalabas pa ko dito sa kwartong to ehh"

"Masisilayan mo pa ang ganda ng kapaligiran Miss. Robles. Basta ba hindi ka mag papasaway"

"See, ikaw nananakot sa kanya Doc. Ehh"

Natawa kaming apat dahil sa birong iton ni Doc Vergara. Bigla namang napahinto si Doc. Ck dahil na realize nya ang kanyang sinabi

"Sorry sorry. Mali ang term ko. I mean diba? If you really want to go outside. Gagawin mo ang lahat para gumaling ka"

"Oo na dok. Magpapaliwanag pa ehh."

"Si papa talaga. Pinapahiya ako sa harap ng bago kong pasyente"

"Mabait naman din yan si Jhai. May free food ka every month. Ayy hindi na nga pala nya magagawa."

Alanganin akong napangiti. Isa sa mga bagay na hindi ko na magagawa pa. Pwede naman akong mag utos kina mommy or kina Aj. Pero mas gusto ko kase na ako mismo ang bibili sa tindahan ehh. Ngayon parang wala ng pag asa na magawa ko pa ulit yon.

"Ayy no problem naman po sa akin yon. Basta magawa ko ang trabaho ko ng maayos. At kung tutulungan po ako ni Miss Robles para maging magaan ang trabaho."

"Jhai nalang din po Doc. Nakaka ilang po kapag Miss Robles ehh"

"See? Ganyan ang feeling kapag tinatawag AK ng Doc. Vergara in front of my father."

"Naku ka talagang bata ka. Naisingit mo pa talaga yun ahh"

Tawa lang ang sinagot nya. Nakikinig lang ang parents ko sa sagutan nilang mag ama.

Ang alam ko lahat sila ay Doktor pero ngayon ko lang nalaman na tanging si Doc. Ck lang ang sumunod kay Doc Vergara bilang maging ganap na Cardiologist.

Nagtagal pa sa loob ng kwarto ko ang mag amang doctor. Naabutan pa sila nina Aj ulit. At dahil expect nila na nandito pa sila ay binilyan din nila ng kape ang mag ama.

Maaga pa naman. Mga nasa Alas dyes palang ng umaga. Malugod naman na pinaunlakan ng mag ama ang offer ng mga kaibigan ko.

Nagpatuloy ang kwentuhan at tawanan. Alam kong Busy ang mga doktor. Pero ang sarap lang sa feeling na nandito sila sa kwarto ko at bakikipag kwentuhan sa amin na parang bisita lang din namin sila.

Nagtanggal pa sila ng hospital Coat para mas maging komportable silang dalawa. Mag amang mag ama ang galawan nilang dalawa dahil kung ano ang ginagawa ni Doc Vergara ay ganoon din ang ginagawa ni Doc CK.

Yung kilos at pananalita. Parehas na parehas.

Nakatutok lang din ang tingin ko sa batang doktor na masayang nakikipagbiruan sa kanyang ama. Ang dali lang din nyang pakisamahan. Yung akala ko kanina na masungit at normal lang naman talaga kapag on duty ka. Pero kapag ganitong karaniwang usapan lang ay nakikipagbiruan din naman sya.

Those smile on her face? God. Bakit ganito itong nararamdaman ko.

__________________________________

Last update bago ma busy ng weekend 🥺😭..

Ayos na ang aking Account huhuhu. Akala ko talaga wala na talagang notification. Pero pag publish ko kanina nag notif na sya.. huhuhu





Let MeWhere stories live. Discover now