"Sinong nagdrive ikaw?" Tanong ko pa ulit

"Ako ate" sabat ni Kevin na syang nag aayos ng mga gamit ko sa likod ng Van

"Marunong na yan ate. May lisensya na pero inaalalayan ko pa rin"

"Mabuti naman. Ito bang si bunso hindi pa marunong?" Biro ko.

"Tinuturuan ko na rin yan Ate. Wala nga lang katakas yan haha nakay Daddy yung ibang susi ng mga sasakyan. Baka daw madisgrasya pa ehh"

"Dapat lang, sa pogi nito baka maghakot ng mga babae sa kalsada kapag ginamit nya yung sports car ko. Kamusta na nga pala yon? Buhay pa?"

"Mas pogi pa dito kay Vanny kuya. Alagang alaga ko yin ehh" sagot pa ni kevin.

"Tara na at ng makapag pahinga na tayo para pareho. Kaya mo pa bang mag drive Kevs? Para ako nalang mag ddrive pauwi"

"Yakang yaka pa ito ate. Chill ka lang dyan ako bahala sa inyo. Pahinga ka lang pagod ka sa byahe ehh"

Pagdating sa bahay ay wala pa rin itong pinagbago. Ni re paint lang ito pero ganoon pa rin naman ang kulay. Pinatingkad lang nila para mas lalong magkaroon ng buhay.

Nasa loob na rin ang buong pamilya ko. Even dad na halos kauuwi lang daw galing hospital.

Sinalubong din ako ng yakap at halik ng mga pamangkin ko at sabay sabay na kaming naghapunan. Isa ito sa namiss ko, sa loob ng isang taon ako lang lagi ang mag isa kumakain. Pero ngayon muli ko silang nakasama sa hapag kainan.

Hindi man kami sabay sabay noon kumain gawa ng may mga duty kami. At least hindi kami mag isang kumakain. Madalas kong kasabay ang tatlo kong nakababatang kapatid. Minsan kasama din namin si Andrei at si kuya Andrew.

Pagkatapos mag hapunan ay muli akong nakipag laro sa mga bata. Pinamigay ko na rin sa kanilang tatlo ang mga pasalubong ko sa kanila bago ko sinunod ibigay yung sa tatlo. Mga bagay na magagamit din nila sa school kaya hindi masama.

"Ck Anak?" Tawag sa akin ni Papa

"Yes pa?"

"After 15 minutes sumunod ka sa akin sa Library ahh, may pag uusapan tayo saglit."

"Yes pa"

"Enjoy mo muna yang pamimigay mo ng pasalubong sa mga bata"

"Yes po."

Sinundan ko muna ng tingin si Papa pa akyat ng hagdan at muling pinamigay sa kanila ang mga dala ko. Pati ang kina mama at ate ay pinamigay ko na rin ay pina ayos kina Manang ang iba pang gamit. Ang iba ay pina akyat ko na rin sa kwarto ko.

Hindi ko pa na aakyat yon kaya naman na eexcite ako na pasukin ulit iyon.

After 15 minutes naman ay sumunod na ko kay Papa sa may Library at doon ay naabutan ko sya sa kanyang lamesa na may binabasa na mga papeles.

"Pa?"

"Nandito ka na pala. Maupo ka"

"Bakit gusto mo po akong maka usap?"

Inalis muna nito ang suot nyang salamin at tinignan ako ng mataman.

"Umm, paano ko ba ito ipapaliwanag? You know Miss Robles right?"

"Yung pasyente nyo po since bata?"

"Oo"

"Ano pong meron sa kanya?"

Naririnig ko lang lagi ang pangalang Robles kay Papa sa tuwing nag uusap sila ni Mama about sa kanya. Pero hindi ko pa sya personally na nakikita.

"Something happened kase sa kanya last July na nagpa trigger ng sakit nya. And until now nasa hospital pa rin sya. At naka ilang test na rin ako sa condition nya ay wala pa rin akong makitang pagbabago sa puso nya. Ang kailangan nalang talaga ay mapalitan ang puso nya para sya ay mabuhay pa ng mahabang panahon"

"Then? Wala pa po bang donor?"

"Walang nag tutugma sa mga nakaka usap ng mga magulang nya noong una. Pero kama kailan lang ay may nag match na."

"Ohh Edi good news po?"

"Nope"

"Why?"

"Ayaw na nyang mag take ng surgery. And tinaningan na nya ang buhay nya hanggang next year after her 25th birthday" malungkot na wika nya "kahit anong pangungumbinsi ng parents nya sa kanya

"And what would I do po?"

"Convince her to take the surgery. She was an only child and ayaw naman nina Mister and Misis Robles na mawala ang kaisa isang anak nila. Ililipat ko sya sayo. Aralin mo lahat ng nagawa kong test para sa kanya. Halos hindi naman nalalayo ang edad mo sa edad nya kaya kung pwede kaibiganin mo sya para mapapayag mo sya. Sa Akin humihingi ng tulong ang parents nya at sa tagal ko na syang pasyente hindi ko sila matanggihan. Kahit ako gusto ko pang humaba ang buhay ng dalaga dahil alam ko na may mararating pa sya sa kanyang buhay"

"I-i don't think if magagawa ko po sya Pa. This is a serious matter po."

"I know and ikaw nalang ang naiisip kong makakatulong sa akin para magawa yung bagay na yon."

"Paano kung hindi ko po sya makumbinsi?"

"At least ginawa natin ang lahat para lang mapapayag sya. Hindi natin maririnig yung mga salitang wala tayong ginawa at hinayaan lang sya sa kung anong gusto nyang gawin"

"This is so challenging" napa buntong hininga pa ko pagkatapos kong sabihin yon.

Paano ko makukumbinsi ang taong tinaningan na ang sarili nyang buhay. Paano ko sya matutulungan kung hindi ko naman sya personally kilala?

And also 24 years old na sya. Hindi na sya 10 years old na na madaling mapag payuhan. Kung ang parents nga nya at si Dad walang magawa para ikumbinsi sya. Ano pa kaya ako? Na hindi nya kilala diba?"

"You can't do it?" Tila may lungkot ang tono ni Papa ng sabihin nya yon. Mas lalo ata akong ma gguilty kapag wala akong ginawa.

"No Pa, I'll take it."

_______________________________________________

Yowwnnn. This is the start of everything. Kapag ito nabasa nyo ibig sabihin na publish ko sya ng safe huhuhu.

Something happened kase kaya kung napapansin nyo po nawala pati yung series 2,3, and 4 tinanggal ko po muna baka ano pa po ang mangyari. Hehe

Pagpapa una ko na po ahh. Hindi sya pangkaraniwang Au na mababasa nyo. May nga kilig kilig pero matagal bago po maging sila. Baka po mainip po kayo haha

Let MeWhere stories live. Discover now