Epilogue

22 1 0
                                    

Eighty-five-year-old Zendrick.

JASLEY told me that everything will be fine even if I won't be with her again. Nangako siya sa akin na magiging mabuti ang lahat, basta magtitiwala lang ako. At kagaya ng sinabi niya, lumaban ako. Hindi na ako nagpatalo sa anumang hamon ng buhay. Lahat kinaya ko, lahat ng pagsubok nilabanan ko.

Sa bawat laban na hinarap ko sa mga nagdaang taon, alam kong kasama ko siya. Alam kong palagi siyang nasa tabi ko para gabayan ako. Kasi gano'n si Jasley. Hindi niya ako iiwan lalo na kapag alam niyang kailangan ko siya. At kahit na wala siya mismo sa tabi ko, ramdam ko pa rin ang presensya at pagmamahal niya.

"Kumusta ka na?" bati ko sa kaniya, pinupunasan ang lapida kung saan nakaukit ang pangalan niya. "Alam mo bang birthday mo ngayon?" Inilapag ko sa lapida ang bulaklak at ang pagkaing dala ko para sa kaniya. "Dinalhan nga pala kita ng paborito nating mango yogurt." Bumuntong-hininga ako at tiningnan ang litrato niya. "Ubusin mo 'yan, ha? Pero ayos lang kung hindi, dahil ako rin naman ang uubos niyan. Naaalala mo pa ba na noon, ako ang taga-ubos sa pagkain mo kapag busog ka na?"

Kahit hindi ko naririnig, alam kong natatawa siya sa kuwento ko.

"Tingnan mo nga naman, itong huling litrato nating magkasama, dalaga't binata pa tayo. Medyo madaya ka nga lang, kasi ako, naiwan. Pero sigurado ako na kung umabot ka man sa edad kong ito, ikaw pa rin ang pinakamagandang babae para sa akin. Pero alam mo, nalulungkot ako... dahil hindi mo nakita ang northern lights sa personal, sa panaginip ko lang. Sana nga totoo na lang ang panaginip kong iyon noong nasa ospital ako."

Tiningnan ko ang paruparong dumapo sa bulaklak.

"Pasensiya na, ha? Hindi ko natupad ang hiling mo na makarating sa Iceland at makita ang northern lights. Pero huwag kang mag-alala, dahil noong nagkatrabaho na ako at nakapag-ipon, pumunta ako ng Iceland. Tingnan mo nga, mayroon pa akong picture. Pero mas masaya sana kung kasama kita. Kasi ikaw naman talaga ang may pangarap na makarating doon. Ang pangarap ko, 'yon sanang matupad ang pangarap mo. Kaso, hindi tayo pinagbigyan, kaya ako na lang ang pumunta para sa 'yo."

Lumipat ang paruparo sa aking kamay kaya saglit kong pinagmasdan ito.

"Pero may ihihingi sana ako ng sorry sa 'yo. Ang sabi mo kasi sa akin, makakahanap ako ng babaeng magmamahal sa akin nang totoo at buong puso, at siya ang kasama kong bubuo ng pamilya. Pero hindi ko ginawa 'yon, Jasley, kahit sinabi kong gagawin ko. Hindi ko kaya, eh. Pero hindi naman ako mag-isa ngayon, dahil may anak naman tayo, si Jim. Anim na taong gulang siya noong sumama siya sa akin mula sa bahay-ampunan. Ang bilis nga ng panahon, may apo na tayo. Sa susunod, ipapakilala ko sila sa 'yo, pero 'yon ay kung buhay pa ako sa oras na 'yon. Matanda na akong masiyado, sixty-seven years na akong naghihintay na magkita tayo riyan sa kabilang buhay. Pero nandiyan ka pa naman, 'di ba? Kasi nangako ka na hihintayin mo ako kahit gaano katagal. Pasensiya ka na kung medyo natagalan ako. Huwag kang mag-alala, malapit na rin akong umakyat diyan sa langit, magkikita na tayo. Pangako 'yan."

***

Eighteen-year-old Zendrick

KAGAYA ng sinabi ko, malapit na kaming magkita. At iyon na ang huling beses na dumalaw ako sa puntod niya.

Naglalakad na ako ngayon sa isang napakaliwanag at napakagandang hallway. Walang ibang tao kung hindi ang dalagang nakatayo sa dulo nito. Nakatalikod siya sa akin, nakaputing dress na mahaba, at nakabagsak ang kaniyang mahabang buhok.

"Jasley?" I called her name.

Slowly, she turned, and I saw her face.

"Jasley..." I felt my tears of happiness flowing right through my cheeks.

The moment she saw me, we started running towards each other. After sixty-seven years of living and waiting for this moment, I can't explain how happy I am to see her again.

Two feet apart, we stood and looked at each other.

"Zendrick?" she called me while tears were running on her cheeks.

"Jasley, nandito na ako. Hinintay mo ako..."

"Ano'ng sabi ko sa 'yo? Hihintayin kita kahit gaano katagal, 'di ba?"

I didn't waste any more second and hugged her as tight as I possibly can. I missed her so much.

Her life may have ended way too soon, but our love for each other is forever. And I'm glad we both waited for this moment. So, although we won't live the same life we have lived before, and even if this means my life has already ended, I am at peace because this time, in this afterlife, I'll get to live with the brightest star that ever existed. But not there in the galaxies because she's here with me, and her name is Kate Jasley.

END

All Those NightsWhere stories live. Discover now