(C25) Flood of Tears

6 1 0
                                    

KASAMA ko ngayon si Zendrick. Nandito kami sa tapat ng kanilang bahay, nakaupo lang kami rito sa sidewalk at nagkukuwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay, o tungkol sa aming dalawa. Halos kararating lang namin galing perya dahil malapit nang magsara 'yon. Baka sa December na uli magbukas, kaya hindi na namin pinalagpas ang pagkakataong makapunta saglit.

Masasabi kong happy Sunday night ito. Ganito lang naman kasi ang gusto ko, simple. Maupo lang kami kahit saan at magkuwentuhan, masaya na ako. Kumain lang kami ng isaw o fishball sa kanto, kuntento na ako. At basta kasama ko siya, wala na akong ibang mahihiling pa. Alam kong walang perpektong relasyon, pero malaki ang pasasalamat ko dahil so far, wala kaming problema ni Zendrick. Nagkakaintindihan kami, magkasundo kami, at mahal namin ang isa't isa. Doon pa lang, panalo na ako. Panalo na kami.

"Ano'ng pakiramdam na maging girlfriend ko?" tanong niya nang sumandal siya sa balikat ko. "Hmm?"

Napairap ako pero agad ding napangiti bago sumagot. "Hindi ko ma-explain. Hindi kayang maipaliwanag ng kahit anong salita ang nararamdaman ko, alam mo 'yon?"

Hinawakan niya ang kamay ko at saka iyon hinalikan. "Hindi pa rin ako makapaniwala na girlfriend na kita... at boyfriend mo na ako." Napabuntong-hininga siya. "Sinong mag-aakala na ang dating aso't pusa, hindi na mapaghiwalay ngayon?" Natawa na lang siya nang siguro ay naalala niya ang mga pangyayari noong kakakilala pa lang namin sa isa't isa.

"Ako." Napangiti ako at nilingon siya.

Sinalubong niya ang tingin ko, kaya naman napangiti rin siya sabay iling. "Patay na patay ka talaga sa akin. Kaya noong una pa lang, alam ko nang crush mo ako, eh."

"Excuse me?" hindi makapaniwalang sabi ko at saka hinawi ang buhok. Sinadya ko na matamaan ang mukha niya. "Ikaw ang unang nangulit. Ikaw ang unang nagparamdam. Ikaw ang unang nagka-crush."

"Hmm." Pinisil-pisil niya ang kamay ko. "Tama rin naman. Ako ang unang nangulit, ako ang unang nagparamdam, at ako ang unang nagka-crush, siguro?" tatawa-tawang sabi niya. "Pero may hindi ka nabanggit."

"Ano naman?"

"Ako ang unang nagmahal."

"Wrong," kontra ko agad. "Ako ang unang nagmahal."

"Hindi. Ako," protesta naman niya.

"Ako nga sabi. Ako, okay? Ako," may diing sumbat ko.

Saglit niya akong tiningnan. "Sige na nga, ikaw na."

"Oo, sige na, kayo na ang nagmamahalan." Sino pa nga ba ang aasahan naming maninira sa moment namin?

"Oo na nga, pauwi na ako," inis kong sabi at tiningala ang bruhang nakatayo sa tapat ng bintana ng dormroom namin. "Very supportive ka rin, eh, 'no?"

"Hindi ka pa nasanay kay Christine na dakilang basher natin pero best supporter at the same time," sabi naman nitong si Zendrick, saka ako niyakap nang tumayo na kami. "Mami-miss kita."

"OA ka. Para namang hindi tayo magkikita bukas. Alam ko namang hindi pa sumisikat ang araw, mayroon ka nang chat sa akin, tapos todo abang ka na sa pagsilip ko." Ayokong bumitiw sa yakap na ito pero alam kong marami pa kaming oras. Sobrang dami pa naming oras.

"Good night." Hinalikan niya ako sa noo at pinisil ang magkabilang pisngi ko. "Chat ka kapag nakauwi ka na, ha?"

"Baliw." Hinampas ko ang braso niya habang tumatawa pero nagseryoso rin ako. "Good night." Tinitigan ko lang ang kaniyang mga mata na nangungusap. "See you tomorrow," nakangiting sabi ko, saka ako tumalikod at humakbang na paalis.

Nang akma akong tatawid, bigla akong napahinto nang hawakan niya ang kamay ko. "Hindi ba't sinabi ko na ihahatid kita palagi pauwi?" Pinisil niya ang kamay ko.

All Those NightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon