(C11) Our Walk to Remember

7 1 0
                                    

5:32 p.m.

“DAHAN-DAHAN lang,” ani Zendrick habang hawak ang kamay ko sa aking pagbaba mula sa bangka.

“Salamat po, kuya,” sabi ko naman sa lalaking nagpaparenta ng mga bangka.

Naglakad na kami pabalik sa mismong parke at saglit na naupo sa inupuan din namin nang bumili kami ng taho kanina.

“Okay ka lang ba?” biglang tanong niya sa akin nang mapansing hindi ako kumikibo. Alam ko namang sincere siya. “Ang tahimik mo, eh.”

“Okay lang ako. Bakit naman ako hindi magiging okay?” Naiilang akong napangiti nang bahagya. “Napagod lang siguro ako kanina sa trabaho,” iyan na lang ang nasabi ko dahil hindi ko mahagilap ang totoong dahilan.

Naaninag kong tumango siya. “Tara na? Malapit na ring dumilim. Magpahinga ka na lang sa hotel pag-uwi.” Pinangunahan niya ang pagtayo.

Sumunod na rin ako at tumayo. Nauna siyang naglakad ngunit kalauna’y huminto rin siya at hinintay na makasabay ako sa kaniya. Halos palubog na ang araw, ramdam kong mas lumalamig na ang klima. Wala pa naman akong suot na mahaba, panay maikli ang suot ko. Ewan ko ba sa sarili ko at ganito pa ang isinuot. Akala ko’y uubra ako sa lamig, hindi pala.

Niyakap ko na lang ang aking sarili habang naglalakad kami palabas ng Burnham Park. Gusto ko nang umuwi dahil lamig na lamig na ako pero may nakita akong food stall ng Korean sandwich. Gustuhin ko mang lumakad pauwing hotel, pero parang kinokontrol ako ng sarili kong mga paa. Sa halip na kumaliwa ay kumanan ako at naglakad sa direksyon patungo sa food stall na natanaw ko. 

“Oh, sa’n tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Zendrick pero hindi pa rin lumihis ng daan at sinabayan pa rin ako.

“Gusto mo ng sandwich?” balik na tanong ko. “’Yong gano’n.” Itinuro ko ang food stall na hindi kalayuan sa aming nilalakaran.

“Mahal ’yon, eh.” Sinimangutan niya ako.

“Gusto ko lang namang i-try kung masarap. Kung gusto mo hati na tayo sa isa. Mukhang hindi ko naman mauubos ’yong isa.” Pabiro akong kumindat-kindat at maligalig na naglakad palapit doon sa bilihan ng sandwich.

“Ginawa mo pa talaga akong taga-ubos ng tira mong pagkain,” pabulong na reklamo niya mula sa aking likuran dahil naiwan siya ro’n, nakatayo.

Dineretso ko lang ang daan hanggang sa makarating na ako sa tabi ng food stall. May dalawang nakapila kaya dumugtong na ako sa babaeng nasa dulo.

“Hindi ka na makakakain ng hapunan niyan, pustahan.” Dumugtong din siya sa pila, sa likuran ko. “Oh.” Nagulat ako nang makita kong naka-sleeveless shirt na lang siya at hawak na ang hoodie na kanina’y suot lang niya. “Isuot mo na ’to.”

Ibinaba ko ang aking tingin at nasilayang kayakap ko nga pala ang aking sarili. “’Wag na, saglit na lang naman ’to,” pagtanggi ko at humarap muli sa pila.

“Sige na, isuot mo na,” pagpupumilit niya kaya wala akong nagawa kung hindi ang tanggapin iyon. “Uupo na lang muna ako sa gilid.” Itinuro niya ang bakanteng mga upuan at lamesa rito sa parke, marami naman kasing mauupuan at makakainan lalo na’t may mga pagkaing ibinebenta.

Tumango na lang ako bilang pag-oo. Nang tumalikod ako sa kaniya, saglit kong pinagmasdan ang hoodie niya. Pagkatapos ay nilingon ko siya, kasalukuyan siyang naglalakad patungo sa upuan. At sa hindi ko malamang dahilan, walang kamalay-malay kong inamoy ang hoodie niya, at gusto kong sabunutan at sampalin ang sarili ko nang mapagtanto ko kung ano ang aking ginagawa. Maging ako ay nagulat sa aking ginawa, kaya napalingon uli ako sa kaniya, mabuti na lang at ginagamit niya ang cell phone niya.

All Those NightsWhere stories live. Discover now