(C31) Forgive Me

5 1 0
                                    

7:21 p.m.

"BAKIT?" tanong niya sa akin dahil kanina pa ako nakatingin sa kaniya.

Umiling lang ako bilang pagsagot at saka hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay. "Kain tayo? Noodles?"

Tumawid lang kami sa kalsada dahil nandito kami sa sidewalk sa gawi ng bahay namin.

Galing kami sa palaging tinatayuan ng perya. Sa ngayon, walang perya. Bakanteng lote lang ang nandoon pero naisipan naming maglakad papunta ro'n. Wala naman kaming ibang dahilan kung bakit kami nagpunta sa lugar na 'yon kung hindi ang magmunimuni lang.

Pumasok na kami sa 7-Eleven at napangiti ako dahil walang ibang tao rito sa loob bukod sa mga staff. Kumuha lang ako ng cup noodles, tig-isa kami ni Jasley. Parehas creamy seafood ang pinili namin. Habang naglalagay ako ng mainit na tubig, nasa gawi ng yogurt si Jasley. Alam kong mango yogurt ang kukunin niya.

Habang nagbabayad siya, nakaupo na ako rito at nakatingin lang sa labas at tinitingnan ang mga sasakyang dumaraan.

"'Kay ka lang?"

Napalingon ako sa kaniya nang marinig ko ang boses niya. Tumango ako at ibinalik ang tingin sa labas. "Oo naman." Napangiti ako nang tipid, saka natahimik kasabay ng pagbuntong-hininga ko.

Nang maupo siya sa tabi ko, maging siya ay nahawa sa katahimikan ko. Gustuhin ko mang magsalita pero parang walang salitang gustong lumabas mula sa bibig ko. 'Yong parang napakagaan sa loob kapag nakaupo ka lang, nakatahimik, 'tapos pinanonood mo lang ang mga sasakyan na dumaraan.

Makalipas ang ilang sandali, hindi na yata natiis ni Jasley ang pananahimik ko. "Alam mo..." Naaninag kong nakatingin din siya sa labas. "Naniniwala ako na sobrang laking plano 'to ni Lord para sa 'yo."

"Sa atin." Tiningnan ko siya at nakitang nakangiti na siya. "Ito ang plano para sa 'tin."

"Salamat, ha?" biglang sabi niya kaya nagsalubong ang kilay ko.

"Salamat? Sa akin? Para saan? Bakit?"

"Dahil lumalaban ka." Kinuha na niya ang isang cup noodles at binuksan iyon. "Masaya ako dahil nakikita kong mas mabuti na ang kalagayan mo ngayon. Sobrang gaan sa pakiramdam na malamang kaya mo nang ngumiti ulit. Hindi ko na kailangang hanapin kung nasaan na ang masayang Zendrick. I mean, walang dahilan para magsaya ngayon, pero alam mo 'yon..." Napatingin siya sa noodles at saglit na pinagmasdan ang pagkain. "Ang saya dahil wala na ako nakikitang luha sa mga mata mo. Kasi ayokong nakikita 'yon."

"Ako ang dapat magpasalamat, dahil—"

"Shush." Tinakpan agad niya ang bibig ko. "Hindi mo na kailangang magpasalamat dahil iyon naman talaga ang dapat kong gawin, at iyon ang gusto kong gawin. Mahal kita, 'di ba?"

Napangiti ako nang sabihin niya 'yon. "Pero mas mahal kita."

Itinaas na agad niya ang kaniyang kamay, pagkatapos ay nagsimula nang kumain.

Looking at her feels like watching a good movie you can't afford to look away from even just for a second. She's that girl you'll fall in love at first sight. Jasley is that girl who will steal your attention and tricks your mind as if she's hypnotizing you. Because once you see her, especially her smile, you're trapped. And I am living proof.

***

UMUWI na rin kami rito sa bahay pagkatapos kumain. Nasa tapat lang naman ang 7-Eleven.

Napadaan si Christine sa amin kanina habang kumakain kami. Sinaluhan niya kami, pero siopao lang ang kinain niya. Sa amin na muna kasi matutulog si Jasley dahil kahit naman sabihin kong okay na ako, alam kong hindi niya hahayaang matulog ako nang mag-isa rito sa bahay.

All Those NightsWhere stories live. Discover now