(C21) How It Feels to Fall In Love

6 1 0
                                    

NANDITO na kami sa tapat ng dorm. Kung kanina ay parang wala lang ang pagod, pero ngayon ay ramdam ko na. Mula nang bumyahe kami kanina ay wala na akong pahinga. Ramdam ko na ang ngalay ng mga binti ko. Gusto ko na ring matulog dahil sobrang ikli ng tulog ko. Pero kahit na gano'n, hindi ko na lang masyadong ininda.

"Sige na, pumasok ka na," aniya at sumenyas na pumasok na ako sa loob.

"Ikaw rin." Nginitian ko siya. "Umuwi ka na, 'eto na ako, oh," sagot ko naman at humakbang papasok ng gate.

"Umakyat ka na." Tiningala niya ang bintana ng kuwarto namin.

"Nandito na nga ako, oh," reklamo ko. "Sige na kasi, tumawid ka na, uwi na."

Ngumiti lang siya at bahagyang napatango, sumusuko na sa pakikipagmatigasan sa akin. Pagkatapos n'on ay tumalikod na siya at akmang tatawid ng kalsada, pauwi na. Pero habang pinagmamasdan ko siyang nakatalikod sa akin, hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya.

"Masaya ako dahil naging bahagi ako ng laban mong 'yon," bulong ko habang nakayakap ako mula sa likuran niya.

Tumagal nang halos sampung segundo ang pagyakap ko sa kaniya bago ako bumitiw. Humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Ibinaba ko ang tingin ko at nakita ang magkahawak naming mga kamay, at ang palapulsuhan namin na parehas ng suot na bracelet.

Hindi siya nakangiti nang magkatinginan kami, pero base sa mensaheng dala ng kaniyang mga mata na ngayon ay maluha-luha na, alam kong masaya rin siya. Alam kong nabunot na ang tinik na matagal nang nakatusok sa dibdib niya. Masaya ako dahil naharap niya ang pagsubok na 'yon sa buhay niya, at nagawa niyang ibahagi 'yon sa akin. At higit sa lahat, masaya ako dahil kahit wala akong alam sa nangyayari noong mga panahong iyon ay naging malaki ang naitulong ng presensiya ko upang makaahon siya at nakabangon muli.

"Alam ko, Jas..." Tumango siya, saka ngumiti. "Alam kong masaya ka dahil kinaya ko." Sa puntong ito, siya naman ang yumakap sa akin-nang sobrang higpit na para bang nakulong na ako sa mga bisig niya. "Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari noong gabing 'yon. Kahit ang bagay na muntik ko nang ikamatay, hindi ko pinagsisisihan dahil lahat ng 'yon, alam kong naging daan upang magkita tayo," wika niya habang nananatiling nakayakap sa akin.

Napangiti ako at dinama ang yakap niya kung saan ayoko nang kumawala pa. Pagkatapos n'on ay sinalubong ko na rin ang yakap niya.

"Dahil sa 'yo, na-realize ko na mas maraming dahilan para lumaban kaysa sumuko. Mula no'n, nangako ako sa sarili ko na mabubuhay ako hanggang sa itatakdang oras ko. I should live my life to the fullest, at ginagawa ko ang best ko para matupad 'yon. Idinala ko ang sarili ko sa bingit ng kamatayan pero nabigyan ako ng second chance, kaya sino ako para sayangin 'yon, 'di ba? Sinabi ko sa sarili ko na iyon na ang sign para mas mahalin at pahalagahan ko ang buhay ko.

"At aminado akong hindi ko pa rin lubos akalain na nagawa ko 'yon. Pero ang dami kong na-realize nang dahil do'n, na gano'n pala ang feeling kapag nasa gilid ka na ng bangin. 'Yong tipong isang hakbang mo lang, mahuhulog ka na. Naranasan ko kung gaano kahirap umatras kapag nando'n ka na sa puntong gagawin mo na ang huling hakbang. Ang nasa isip ko lang noon, gusto ko nang humakbang at magpatihulog na. Blangko ang lahat, pero sa gitna ng dilim, naaninag ko ang liwanag. Kaya para sa akin, napakalaking blessing na buhay pa rin ako, at kasama ka ngayon."

Habang binibigkas niya ang mga salitang 'yon, nakatingin lang siya sa akin. I felt his heart through those words. The fact that he didn't hesitate to open up and share those things with me is more than enough to make me feel special. Hindi biro ang pinagdaanan niya, pero heto siya, ginagawa ang lahat ng makakaya niya para gawing mas makabuluhan ang buhay niya.

Kahit pa hindi natatapos at nauubos ang problema niya, hindi siya tumitigil. He's the kind of person that would always find a way to see the brighter side and find reason to just keep going. That's Zendrick. And what I admire about him the most is that he's imperfect and flawed, yet everytime he does something, he always gives his best and live with the results of his actions.

All Those NightsWhere stories live. Discover now