(C28) Too Much Pain

18 1 0
                                    

"ZEN-" Napatikom agad ang bibig ko nang makita kong nakaupo na siya sa kama, gigisingin ko sana siya. "Kain na tayo? Nakapagluto na ako ng agahan." Saglit ko pa siyang pinagmasdan bago ako tumalikod.

"Good morning."

Napahinto ako nang marinig ko ang boses niya. It brought me happiness and assured me that everything would be... fine. I looked back at him and smiled. "Good morning."

Dumeretso ako sa kusina at ihinanda ang aming agahan. For two lang ang iniluto ko. Bago kami umalis kagabi, nagkausap pa kami ni Christine. Ang sabi niya, maaga siyang pupunta rito kina Zendrick pero kinontra ko siya. Kailangan niyang pumasok. Unang linggo pa lang ng pasok pero wala agad kami. Ayoko namang pati siya madamay sa nangyayari.

Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kape nang lumabas ng kuwarto si Zendrick. Medyo maaga kaming pupunta sa funeral home dahil ngayon ang huling araw ng burol ni tito, last night mamaya. It was Zendrick's choice. Nakakalungkot lang marinig ang dahilan kung bakit. Wala naman daw kasing hinihintay na dumalaw sa papa niya, kaya hindi na dapat patagalin ang burol.

Patago na lang akong umiiyak sa gilid habang kausap niya kami. Ang sakit na ngang marinig ng mga salitang iyon, what more sa taong nagsasabi n'on. I can't really accept the fact that most of their relatives chose to leave them two behind, to the point Zendrick never even expected a bit of their visit. Mismong mama nga ni Zendrick, hindi ko pa nakikita. I don't even know her name, at least.

"Ipinagtimpla na kita ng kape." Nakaupo na siya nang humarap ako sa kaniya. "Extra strong para nakakagising." Iyan kasi ang palagi niyang request kapag ipinagtitimpla ko siya ng kape. Hindi baleng sobra sa pait, huwag lang sa tamis.

Nakatulala lang siya at nakatingin sa mga pagkain, kaya umupo na rin ako. "Ipagsasandok na kita?"

Napapitlag siya nang marinig ang boses ko, para bang sobrang gulat na gulat siya. Just seeing that happen saddened me. He had developed so much trauma in a short time that even my voice somehow scared or shocked him.

"Sorry," sabi lang niya nang mapansing maging ako ay nagulat sa naging reaksyon niya.

"Don't be." Kinuha ko na ang lalagyan ng kanin at ipinagsandok na siya ng kanin, saka dalawang pritong itlog at hotdog na binili ko kanina habang tulog pa siya. "Kain ka nang marami, ha? Dapat may lakas ka para sa araw na 'to, kailangan mo 'yan."

Akma na sana siyang kakain, pero ibinaba niya ang kutsara at tiningnan ang kuwarto ng papa niya. Napalingon din ako roon upang tingnan kung ano ang nandoon at napatingin siya. Wala naman. Then, nag-sink in sa akin kung bakit, at ang lungkot.

Out of nowhere, nagsalita bigla si Zendrick gamit ang nanginginig na boses. "'Pa... kain na tayo."

Nagsimula na siyang kumain pero kasabay n'on ang pagtitipon-tipon ng luha niya sa kaniyang mga mata. Napapikit na lang ako sa nakikita ko at bumuntong-hininga. Jas, pigilan mo. Huwag kang iiyak.

"Kain na tayo, Jas," sabi naman niya sa 'kin kaya napatingin ako sa kaniya, todo pigil sa pagluha.

"Oo, sige, kain-" My voice cracked so I had to swallow a huge lump down in my throat. "Kain na tayo." I tried to smile but it was too fake.

Sa pang-apat niyang subo, hindi na siya nakapagpigil. Nagsimula nang tumulo ang kaniyang luha kaya naman tumayo agad ako at nagpunta sa likuran niya. Niyakap ko lang si Zendrick. Niyakap ko lang siya nang sobrang higpit. Wala akong sinabi. Wala akong ibang ginawa. Niyakap ko lang ang taong mahal na mahal ko.

Hindi nagtagal, narinig ko na ang pag-iyak niya. Pinipilit niyang kumain habang bumubuhos ang luha ng kalungkutan niya. I don't want him to see or even hear me crying, so I had to do it silently, and it feels like a huge rock was resting on my chest.

All Those NightsOnde histórias criam vida. Descubra agora