(C4) Ultimate Dream

14 1 0
                                    

August 16, 2022

“DITO kaya ’yon?” tanong ko kay Christine habang nasa tapat kami ng isang three-storey building.

“Ito naman ang nasa invitation, ’di ba?” Tumingin siya sa itaas, sa third floor. “Tara kay manong guard, ’tanong natin.” Saka niya hinila ang braso ko.

Nagpahila na lang ako sa kaniya hanggang sa makarating kami sa entrance kung nasaan ang guard.

“Um, manong, dito po ba ’yong…” Napahinto siya at humarap sa akin. “Ano na nga ba iyon?” bulong niya habang dinudukot ang envelope sa bag ko. “...Roccofella? ’Yong magbubukas pong clothing line?”

Tumango ang guard at ibinukas ang glass door. “Dito nga po ’yon, ma’am,” sagot nito. “Kayo po ba iyong ibinilin sa akin ng P.A. ni sir na mayroong special appointment?”

Appointment na nga ba ’to? Bahala na. “Uh—opo.” Napangiti na lang ako bago kami naglakad papasok sa lobby.

“Sa third floor po, ma’am. Naroon po ang elevator.” Pagkatapos ay itinuro ng guard ang direksyon nito.

Dumeretso na kami sa loob ngunit nagtungo muna kami sa CR bago umakyat. Katabi lang naman iyon ng elevator, saka maaga-aga pa.

Napatingin lang ako nang masama kay Christine dahil nagre-retouch pa ang bugak. “Interview mo?”

“Oh, bakit? ‘Roccofella,’ baka kay Rocco Dela Fuente ’to, ’no. Nabalitaan ko rin kasi sa IG niya na may bago siyang business na clothing line, kaso hindi pa nare-reveal sa public ang pangalan. So, bilang best friend mo na suwerte, kasama pa ako ngayon sa opisina niya. Mabuti nga at pumayag ang assistant niya na may kasama, kasi kung hindi, anong karapatan niya?” Natawa siya sa sarili. “Pero ’yon nga, sure akong nasa meeting siya mamaya kaya ang suwerte naman niya, makikita niya ako.”

Napairap na lang ako matapos siyang magsalita nang tuloy-tuloy, saka ako naglakad papasok sa isang cubicle. Habang nasa loob ako ay deretso lang ang bibig nitong si Christine. Buong buhay na yata ni Rocco Dela Fuente ang naikuwento sa akin.

“Tama ka na,” pagpigil ko sa kaniya bago maghugas ng kamay. “Tara na.” Pagkatapos ay nauna akong lumabas para sumunod na siya.

Habang hinihintay ang pagbukas ng elevator, ramdam kong atat na atat na si Christine. “Ngayon ko lang siya makikita sa personal.” Napahawak pa siya sa braso ko at halos magtatatalon na. “Hawakan mo ako mamaya, ha? Baka mahimatay ako sa kaguwapuhan niya.” Pagkatapos ay bumukas na ang elevator, kaya nagtungo na kami sa loob nito.

“Puwede bang tumigil ka na? Hindi tayo lalandi rito—” Napatakip ako ng bibig nang bumukas muli ang pinto ng elevator dahil mayroong kamay na sumingit dito bago ito sumara nang tuluyan.

Bumungad sa aming dalawa si Zendrick, nag-aayos pa siya ng damit at bahagya itong pinapagpag gamit ang kamay. “Uy, kayo pala ’yan. ’Buti na lang tumakbo ako, nagkasalubong pa ang mga landas natin,” bati niya, saka sumakay ng elevator at tumabi sa akin.

“Doon ka,” agad kong pagtanggi sa kaniyang presensya at itinuro ang bilog sa kabilang gilid ng elevator. Four at a time lang kasi ang puwedeng sumakay. Mabuti na lang at mayroon pang mga marka, kaya mayroon akong dahilan upang lumayo siya sa akin nang kaunti.

“Eh, bakit kayong dalawa? Magkadikit kayo, bawal din ’yan, ah?” Tinaasan niya ako ng kilay. “Doon ka rin,” dagdag niya at itinuro ang markang bakante.

Napatingin ako sa aking paanan, nasa gitna ako ng elevator. Sige, panalo ka ngayon. Naglakad na lang ako papunta sa gilid at tumapak doon sa marka.

All Those NightsWhere stories live. Discover now