(C9) Just a Soft Touch

6 1 0
                                    

“BUSOG na kayo sa lagay na ’yan?” kunot-noong tanong sa amin ni Zendrick, kasalukuyang kumakain ng ihaw-ihaw—isaw at pork barbeque.

Tiningnan ko ang puwesto namin ni Christine, nakaupo lang kami at mukhang nabusog na nang sobra sa mga kinain. Parehas kaming tahimik kaya siguro ganoon ang naging reaksyon ni Zendrick, dahil nakakapanibago nga na hindi kami maingay.

“Hindi pa naman, nagpapababa lang ng kinain,” ako ang sumagot, nakatitig sa lupa. “Hindi ka pa busog sa lagay na ’yan?” balik ko sa kaniya, and this time, tiningnan ko na siya.

Hindi kaagad siya sumagot at ngumuya muna nang mabuti, saka huminga nang malalim nang malunok ang pork barbeque. “Hindi pa, bakit?” Kinuha naman niya ang isang stick ng isaw sa cup na hawak niya. “Ang kunat n’ong pork barbeque, napagod ako,” natatawang dugtong niya bago kagatin ang pagkaing hawak.

“Kain tayo ng balot,” yaya ni Christine sa akin, tumalon pababa rito sa sementong inuupuan namin malapit sa isang puno. “Last na bago tayo bumili ng drinks.” Inilahad niya ang kaniyang kamay upang pababain na rin ako.

“Last na, ha? Busog na ako.” Hinawakan ko na ang kamay ni Christine at napatingin ako kay Zendrick na pinanonood lang kaming dalawa habang patuloy pa rin siya sa pagkain.

Nang makababa ako, pinagpag ko nang bahagya ang puwitan ko dahil baka mayroong dumi o alikabok sa inupuan namin. Nasa kabilang dulo nitong night market ang tindahan ng balot kaya naglakad pa kami papunta ro’n, pero hindi naman masiyadong malayo—hassle lang dahil umambon, mamasa-masa ang lupa, maputik.

Tig-iisa na lang kami ng binili dahil pinagbawalan kami ni Zendrick na kumain ng dalawa, feeling tatay namin. Dito na lang kami kumain sa tabi rin ng stall, tutal ay may space naman na puwedeng pagpuwestuhan. Hinahanap ko pa lang yata kung anong side ng balot ang ipupukpok ko ay nakatapos nang kumain si Zendrick.

“Sa ilalim ’yang sa ’yo,” aniya at tiningnan ang hawak ko. Pagkatapos ay ibinaling niya sa hawak ni Christine ang tingin. “Sa ibabaw.”

Nanatili lang siyang nakatayo sa tabi namin habang kami ay nakaupo rito sa batuhan, hirap na hirap kumain. Pinanonood lang niya kami habang nakapamaywang, medyo natatawa-tawa pa sa amin.

“Bili tayo ng coke float mamaya bago bumalik sa hotel?” tanong naman niya nang mapansing patapos na kami. “KKB na, ah? Wala na akong budget. Quits na tayo sa takoyaki.” Kinindatan niya kami ni Christine.

Hindi pa rin naman kami umiinom kaya napapayag na niya kami. Malapit na lang din naman sa hotel ang McDonald’s, kaya madaraanan din namin pauwi. “Sige na nga.” Tumayo na ako at humingi ng alcohol sa nagtitinda dahil ayoko namang bumalik sa hotel nang amoy balot pa ang kamay ko.

Naunang naglakad si Zendrick palabas rito sa night market. Hindi ako sanay na nasa harap namin siya, palagi kasi siyang nahuhuli kapag naglalakad kami.

***

“SAAN kaya makikita ’yong mga picture natin kanina?” tanong ni Zendrick habang naglalakad kami paakyat sa Session Road. “Bakit kaya hindi sa mall ang kinuhang location ng branch?” dagdag na tanong niya kahit hindi pa nasasagot ang naunang tanong.

“Siguro online, saka rito, puwede naman sila maglagay ng mga poster and whatsoever sa mga maraming tao para makita kaagad,” sagot naman ni Christine at itinuro ang paligid. “Sure akong magpo-post din kayo sa mga social media account niyo.”

“Pang-famous lang naman ’yon, eh,” reklamo ni Zendrick.

Hinampas siya ni Christine dahil sa sinabi niya, magkatabi kasi sila, nasa gitna naming dalawa ang bruha. “Hindi naman palaging kasikatan ang basehan, kahit pa malaking factor ’yon. At hello? Sino’ng hindi maaakit sa Roccofella kung mukha niyong dalawa ang makikita sa posters and ads?” 

All Those NightsWhere stories live. Discover now