(C33) Ferris Wheel Potion

4 1 0
                                    

December 23, 2023, three months later...

JASLEY just celebrated her birthday two weeks ago. Lumabas na lang kami at nag-date. Nanood ng pelikula sa sinehan, kumain sa labas, bumili ng regalo para sa isa't isa. I gave her a necklace but knowing her, she wouldn't let me get ahead of her, so she also bought me one. Nakakatuwa. These past few months, si Jasley lang ang kasama ko. Jasley, Jasley, Jasley... Hindi ako magsasawa sa pangalang 'yan.

Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang mawala si Papa. Masaya ako na matapos ang panahon na baon na baon ako sa problema, nahanap ko na rin ang hinahangad ko. Every week pumupunta kami ni Jasley sa puntod niya, magdadala kami ng meryenda, saka kami tatambay hanggang sa maubos ang dala naming pagkain.

Sa studies naman, nakaya naman namin. Halos sa bahay na nakatira si Jasley, pero paminsan-minsan, nahihiram siya ni Christine sa akin. Although nakaka-guilty na walang kasama si Christine sa dorm nila, wala naman akong magawa dahil hindi ko naman pinipilit si Jasley. Choice niya na sa bahay mag-stay. Pero sa kabila niyan, wala naman kaming problema. Magkakaibigan naman kami at sigurado akong naiintindihan ni Christine kung bakit humiwalay ni Jasley.

Gumagayak kami ngayon. Katatapos naming kumain ng hapunan, kaya maya-maya ay maglalakad na kami papuntang perya. Noong December 2 pa nagbukas 'yon pero ngayon lang kami makakapunta dahil medyo busy kami sa school activities bago ang sem break.

***

"SANA hindi masyadong marami ang tao," sabi niya habang naglalakad kami.

Hawak ko lang ang kamay niya at dinadama ang init nito, sa kabila ng malamig na simoy ng hangin dahil ilang araw na lang ay Pasko na. "Bisperas na ng Pasko bukas, expected mong walang masyadong tao sa perya?" Nilingon ko siya pero deretso lang ang tingin niya.

"Just hoping," sagot naman niya.

Nang madaanan namin ang coffee shop na pinagtrabahuhan ko noon for part-time, pareho kaming napalingon sa loob nito. As usual, busy sa loob, maraming tao, lalo na mga teenager na katulad namin. Hindi na kasi ako nakabalik mula nang mawala si Papa. Pero mabuti na rin 'yon, nagkaroon ako ng pahinga.

"Ang dami talagang tao lagi sa coffee shop na 'yan, 'no?" Ngumuso siya para ituro ang coffee shop.

"Hanggang ngayon daw kasi ay nandiyan pa rin ang amoy ko kaya binabalik-balikan ng mga tao," sabi ko at saka ngumisi.

"Excuse me, wala na'ng amoy mo sa loob niyan, nasinghot ko na lahat," biro din niya pabalik.

Pagdating namin sa perya, hindi na ako nagulat nang medyo marami nga ang tao. Pero ayos lang as long as hindi siksikan masiyado. Sa color game muna kami pumunta dahil ang haba pa ng pila sa Ferris wheel. Naiinis si Jasley dahil hindi niya makita masiyado 'yong tinatayaan. Mabuti na lang at medyo mataas ako, ako na lang ang naglalagay ng taya.

Bente ang itinaya namin sa pula. Napatalon pa siya sa tuwa nang dalawang pula ang lumabas. Sa sobrang tuwa niya, ipinataya niya ang sixty pesos sa pula ulit. Pero napalitan ng inis ang saya niya nang puro dilaw ang lumabas.

"Lumayas na tayo," inis na sabi niya.

Natawa ako dahil kitang-kita ko ang inis sa kaniyang mukha. "Ha? Nakakadalawang taya pa lang tayo, ayaw mo na agad?"

"Wala na, 'di ba? Talo na."

"Ang bilis mo naman panghinaan ng loob. Tingnan mo." Itinaya ko sa blue ang one hundred pesos ko.

All Those NightsWhere stories live. Discover now