20

101 6 0
                                    

TAHIMIK na ulit ang buong mansyon. Kanina ay nagsiuwian na ang mga bisita rito. Si Zilvane at Jelay ay pinakahuling umuwi. Kasi nag-snacks pa ulit kami. Na-miss ko tuloy sila bigla.

Nasa loob lang ako ng kwarto nila Finney at Bruno. Naglalaro kami. Buti pa sila, mabait sa akin. Pinapakalma nila ako. Sana, tao na lang sila ano?

"Ang sama sa akin ng amo ninyo ano? Kagatin niyo nga," sabi ko habang hinihimas ang kanilang ulo. Sumunod ang mga ito sa akin nang lumabas ako. Pinagtitimpla pala ako ng kape. Dumaan lang ako rito, pero mga 20 minutes na ako narito.

Pagkatimpla ay kumatok na ako saka pumasok. Iba na ngayon ang pakiramdam ko. Awkward na. Nagtitipa sa laptop ang lalaki. Inilapag ko sa kanyang tabi ang kape, ni hindi niya ako matapunan ng tingin.

"Lalabas na po ako," pagpapaalam ko. Tumalikod na ako para umalis ng tumikhim siya.

"Can you... Bake for me?" tanong nito. Huminga ako ng malalim at tumango. Tila nawalan na rin ako ng gana sa ganoong bagay. Tumungo na ulit ako sa pinto.

"Athanea."

Ayoko. Ayokong tumingin. Kasi alam ko, kapag tumingin ako, mapapatawad ko agad siya. Pero ano nga bang kasalanan niya?

Wala naman.

"Athanea, what's wrong?" ngayon, hindi ko mahimigan ang kalamigan ng tono niya. Ang kaseryosohan ngayon ay tila naglaho na parang bula. Nag boses niya ay kalmado, malambot at malambing. Nalilito, at nagtataka. Napakagat ako sa labi ko dahil ang galing kong masaktan, kahit wala naman akong karapatan.

Hinawakan ng mainit niyang palad ang aking braso. Ako naman ay nananatiling nakatalikod, at ayokong humarap. Kasi... Kasi makikita niyang umiiyak ako. Ayoko na makita niya na ang oa ko. Na para akong tanga. Na umaasa ako sa wala. Na ang hina hina ko. Saka bakit ba ako umiiyak?

"Do we have a problem?"

Why do he sound so concern? What's happening? Ano bang kailangan niya sa akin? Hindi ba may Lai na siya?

"M-Mag be-bake muna ako—"

"Look at me."

Beat.

Lilingon ba ako? Pero ayoko. Ayoko, kasi umiiyak ako. Ayoko, kahihiyan ito. Pero bakit mo ba ito ginagawa sa akin? Litong lito na ako. Naramdaman ko na pinipihit niya ako paharap pero nagsalita na ako.

"'Wag. Please, h-huwag..." nabiyak na nga ang boses ko. Pumiyok na rin ako ng wala sa oras. Halata na, na ako ay umiiyak. I looked so weak in front of him and I hate it. I am trying to cry imperceptibly but I can't.

I can't help but to feel melancholy. I need to stifle. Because frankly, I want to slap him. For making me fall in love, for making me insane, for making me like this.

Why? Why him? Bakit siya pa?

"I'm sorry."

Silence.

He know. He know that I know it. But how come? Why sorry?

"Bakit ka nagso-sorry?" mahina kong sabi. Pumalibot ang kanyang braso sa aking mga baywang.

"For hurting you."

Lalo akong napaiyak. Ngayon, hindi ko na pinigilan. Hindi na ako nagpigil ng ingay, dahil humikbi na ako. Sunod sunod ang hikbing iyon at humihigpit ay yakap niya sa akin. Umiling ako ng ilang beses.

"B-Bakit..."

"But trust me. We didn't do anything last night. I can't do that to you. I didn't let her, don't cry, please." paos niyang sabi. Hindi nga ba talaga nila ginawa? Gusto kong maniwala. Pero parang ayaw ko. Saka paano niya nalaman na alam ko?

 Master's Servant (SIR Series #1) Where stories live. Discover now