CHAPTER 287

711 26 21
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 287

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

BOMBASTIC side-eye kung tawagin ang tingin ni Rukawa kay Hanamichi na nakabuntot sa kaniyang likuran. Kanina niya pa ito tinatanong kung anong ginagawa nito pero nagpapalusot at todo deny lamang ang henyo.

"Gunggong, kung fan kita sabihin mo lang."

"Yak! Ito? Ang henyong ito magiging fan mo? Huwag ka ngang ilusiyonado."

Muling tumalikod si Rukawa at pumasok sa isang resto ng kapehan. Kumunot ang noo ni Hanamichi, iniisip niyang wala bang balak 'tong kumain.

"Kakape ka lang?" Wala sa sariling tanong niya.

"Pati ba naman dito sa loob sinundan mo ako? Sakuragi, kung may crush ka sa'kin sabihin mo lang. Irereject lang din naman kita." Busangot na tugon ni Rukawa na kinasingkit ng mata ni Hanamichi.

"Madiri ka nga sa sinasabi mo diyan, Rukawa! Crush your face! Sigurado ako sa pagiging lalake ko!" Depensa niya agad.

Inirapan lang siya ni Rukawa at pumunta sa counter para mag-order.

"Isang short amerikano po!" Hanamichi/Rukawa

Nagtinginan silang dalawa sa parehong order nila.

"Rukawa gaya-gaya!"

"Ikaw ang manggagaya, gunggong."

"Okay po, Sir. Sandali lang." Sabi ng counter sa kanila at nakipagpalit ng pwesto para timplahin ang kapeng inorder ng dalawa.

"Maupo muna kayo roon, Sir. Tatawagin po na'min kayo. Pero, pakiiwan po ng mga pangalan niyo rito."

Agad inagaw ni Hanamichi ang ballpen at sticky note saka sinulat ang mga pangalan nila ni Rukawa. "Ito na miss." Inabot niya iyon.

"Paano ako?" Rukawa

"Nasulat ko na!" Iritang sagot ni Hanamichi.

"Ang bait mo."

"Tumahimik ka!"

***

SA BANKANTENG table ay nakaupo sina Hanamichi at Rukawa. Habang hinihintay ang order ay binasag ni Rukawa ang katahimikan ni Hanamichi.

"Alam kong may kailangan ka. Sabihin mo na." Panimula niya sa usapan.

Sinungitan lang siya ni Hanamichi sabay ekis ng mga braso.

"Wala ka pa ring pagbabago. Pakitandaan lang na hindi na tayo high-schooler, Sakuragi."

Tiningnan siya ng masama ni Hanamichi. "Ang daldal mo ata sa'kin ngayon?"

"Bakit mo ako sinundan dito?"

Magsusungit sana ulit si Hanamichi nang bumuntong-hininga nalang ito. "Unang-una, Rukawa. Dahil kasapi kana sa Team. Isa lang ang pinapakiusap ko sa'yo. Huwag mo agawin sa akin si Haruko."

Tumaas ang isang kilay ni Rukawa. "Matagal ko nang na-closure iyan. Ginamit mo pa talaga si Haruko sa palusot."

Napangiwi si Hanamichi nang mabisto siya agad nito. Umubo muna siya ng peke bago sinabi ang totoo. "O sige, sasabihin ko na. Kaya lang naman ako sumunod sa'yo ay para hamunin ka sa isang face-off match."

Napairap si Rukawa sa kawalan. Naghamon na naman ng one on one. "Katatapos lang ng laban na'tin sa Yamanashi. Marunong ka namang mapagod."

"Huwag ka ngang duwag diyan, Rukawa! Kulelat ang team na iyon kaya hindi ako pinagpawisan! Nilampaso ko nga sila agad e nagrereserba ako ng lakas para sa one on one na'tin!"

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Oct 03, 2023 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum