CHAPTER 267:

358 19 10
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 267:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

KINAUMAGAHAN, naghanda ang lahat sa kanilang kagamitan sa muling pagbalik byahe sa Kanagawa. Kumpleto ang anim na players na binanggit ni Mr. Kageyama. Kasalukuyan sila ngayong lahat sa loob ng gymnasium at nagpaalam para sa kanilang pansamantalang paglisan sa Tokyo Team.

"Paano ba 'yan? Kailangan na na'ming umalis." Paalam ng Team Captain na si Sendoh.

Nilapitan naman siya ni Zakusa at nakipagkamayan. "Mag-training kayong mabuti, Sendoh... Dahil sa susunod na'ting pagkikita tayo ay magkalabang kuponan na." Wika nito na may ngisi sa labi.

"Kayo 'rin, mag-training kayo ng mabuti hanggang sa malumpo. Hindi niyo pa nakikita ang totoong lupit ng purong Kanagawa Stars." Ngising wika 'rin ni Sendoh.

"Hindi kami magpapatalo sa inyo." Zakusa

"Malalaman..." Sendoh

Sandaling nagtitigan ang dalawa. "MAMIMISS NA'MIN KAYO!" sabay nilang sabi at biglang niyakap ang isa't-isa.

Sa gilid ay ngiwing nakatuon sina Yuki at Jin sa kanila at parehong napabulong. "Kadiri."

Malapit na ang oras ng paglisan, kaharap ni Hanamichi ang naiwang miyembro sa Tokyo Team na sina Watanabe, Nishizaki, Hitotsu, Futatsu, at Mittsu.

"Paano ba 'yan Bentoy, at Kengkoy. Uuwi ulit kami ng Kanagawa. Kayo 'rin Uno, Dos, at Tres. Advice ko lang mula sa henyong ito.. magtraining kayo nang mabuti hanggang sa kaya niyo na akong pabagsakin sa sahig." Maangas na wika ni Hanamichi.

Ngumisi lang sina Watanabe at Nishizaki sa walang humpay n'yang kayabangan. Tumuwid lang ng tayo ang triplets matching salute tila commander ang turing kay Hanamichi.

"Oo, Sakuragi-senpai!"

Humalakhak si Hanamichi at nagpatuloy sa pangangaral sa triplets.

Lumapit ang apat na ungas kay Haruko na parehong nakahanda na ang lahat ng inimpake. "Baka mabigat 'yang dala mo, kami nalang d'yan." Wika ni Mito sa kanya.

Mahinang natawa tila nahiya ang dalaga. "Oo, Mito. Salamat." Nahihiyang tinuro ni Haruko ang dalawang bagahe niya, kinuha naman 'yon nina Ohkusu at Noma. Napunta naman ang tingin nila kay Hanamichi.

"Hay nako, nagyabang na naman ang bugok." Bulalas ni Ohkusu.

"Nagtaka kapa, si Hanamichi na 'yan ee." Wika 'rin ni Noma.

"Okay, team! Fix your things na't aalis na tayo!" Pukaw sa kanila ni Mr. Kageyama. "Assemble!" Sigaw nito.

Agad naman nagsihelerahan ang Unofficial Kanagawa Prefecture Members na sina Hanamichi, Sendoh, Fukuda, Ikegami, Jin at Kiyota.

"Nakatakda ang ang pag-alis na'tin at sa pagkakataong 'yan ay dapat nakasisiguro na kayong kalaban na ang turing niyo sa Tokyo Prefecture Team Members!" Anunsyo niya na may seryosong tono agad namang humirit si Mr. Ryuusuke sa sinabi niya.

"Tajima naman, h'wag mong turuan ng ganyan ang mga bata." Awat niya.

"Masyado kang praning, Ryuusuke. Rehearsal palang 'yon." Wika niya saka hinampas ang braso ni Mr. Ryuusuke sabay halakhak. "Balik sa usapan... Nakapagpaalam ba kayo ng maayos?" Tanong nito. Nagsitanguan naman ang mga players sa harapan niya. "Mabuti kung ganoon, umalis na tayo."

Muling nagpaalam sina Hanamichi sa mga taong naiwan sa Tokyo Team Gymnasium.

"Goodluck, Haruko! Sigurado akong ikaw ang magiging Manager ng Team niyo!" Sigaw ni Mari sa kanya habang kumakaway.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Where stories live. Discover now