CHAPTER 272:

392 31 10
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 272:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

NILIBOT nina Hanamichi ang kalupaan ng Kanagawa Prefecture Team Camp kasama ang ibang players. Nagtataka pa'rin kung bakit pinaiwan ang lima kasamahan nila sa loob. "Ano kayang gagawin ng mga mokong na 'yon doon?"

"Baka naman gusto silang makapanayam ng gurang na 'yon." Sagot ni Kiyota na nasa gilid niya.

"Interview? Tungkol saan? Aba ang unfair naman—"

"Baliw kang unggoy ka. Anong unfair pinagsasabi mo? Baka tungkol sa mga game performances at impressions ang itanong niya sa lima. Haysss." Napasapo nalang ng noo si Kiyota.

Mukhang na-gets naman ni Hanamichi ang sinabi niya. "Baka ganoon nga..." Napunta ang tingin niya sa apat n'yang kaibigan na kanya-kanyang picture sa paligid.

"Oh, Mito, mito— ako naman!" Posing ni Ohkusu.

"Pambihira— baka maubusan ako ng baterya! Wala pa akong picture!" Maktol nito habang hawak ang camera.

"Ako 'rin, Mito!" Noma

"Ako 'rin!" Takamiya

Ngumiwi si Hanamichi sa apat na ungas. Akala mo naman sila 'yong mga players ng Kanagawa Prefecture Team kung makapag-picture-taking. "Hoy kayong apat!" Tawag niya sa mga 'to.

Napatingin naman ang apat na ungas sa kanya. "Oh, Hanamichi. Bakit?" Sagot ni Mito.

Taas kilay pa'ring nakatingin si Hanamichi sa kanila. "Hindi ba sinabi niyo kanina na uuwi kayo ng Shohoku Division? Ee ano pang ginagawa niyo rito?" Medyo suplado niyang tanong.

Kinamot ni Mito ang pisngi niya. "Ahh... Paano ko ba sasabihin..." Nilagay ni Mito ang isang kamay niya sa kanyang panga tila nag-iisip ng rason. "Sinabi sa'min ni Coach Kageyama na dumito muna kami para matulungan si Haruko."

Sa pagkakataong ito ay dalawa na sila ni Kiyota ang nakataas ng kilay.

"Saan?" Tanong ni Kiyota.

"Ang sabi kasi sa'min ni Coach Kageyama magiging abala siya lalo na ang iba pang may kinalaman sa papalapit na match at siguradong isa na si Haruko roon. Kaya pinakiusapan kami na manatili muna dito para kahit papaano ay hindi masyadong mabigat ang mga gawain niya." Paliwanag ni Mito na nagpakumbinsi sa dalawa.

Yumuko si Hanamichi at nakaramdam ng kaunting guilty. "Kawawa naman si Haruko. Dapat talaga i-date ko siya mamaya. Parang reward na 'rin." Bulong niya.

Tinapik ni Kiyota ang braso niya. "Magandang plano 'yan, dahil kapag nagsimula na ang Prefectural Matches puro pressures na ang mararanasan na'tin." Sabi nito at naunang naglakad patungo sa bakanteng lote kung saan naroon ang ibang players.

"Nga pala, Hanamichi. Sa bakanteng lugar na 'yon ay may basketball court. Baka nagwawarm-up na sila Mitchi doon." Turo ni Mito sa nilalakaran ni Kiyota.

Agad namilog ang mga mata ni Hanamichi at agad na tumakbo sa direksyong iyon. Pagkarating ni Hanamichi ay sinalubong siya ng...

*BLAAG!*

Bola sa mukha.

Napahawak si Hanamichi sa mukha dahil sa sakit. "Araaaaaaay~ SINONG HAYOP MAY GAWA 'NON?!" sigaw niya.

Kanya-kanyang turo naman sina Jin, Mitsui, Fukuda, at Hanagata kay Rukawa.

"Grrrrr— Rukawa!"

Tiningnan ni Rukawa ang kanyang kamay at pinaharap kay Hanamichi. "Sorry... nadulas." Simpleng rason niya na mas kinagilagid ng inis nito.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Where stories live. Discover now