CHAPTER 284: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

427 33 5
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 284: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

"SAYANG naman kung hindi susubukan." Sendoh

Umismid si Hanagata sa sinabi niya. "Tamad ka lang ee."

"Ahh-hahahaha!" Tawa ni Sendoh.

Samantala sa bench area ng Kanagawa Prefecture Team ay nakangiting nag-oobserba ng laban si Coach Kageyama. Bilib na bilib siya sa husay na pinapakita ng first five lalo na sa tatlong underclassmen na sina Kiyota, Rukawa, at Hanamichi.

"Sa pinapakitang laro ng tatlong 'yon parang naging props nalang sina Sendoh at Hanagata sa loob ng court." Wika niya habang hindi maiwasang matawa.

"Hindi kita masisisi, Coach. Sa level ngayon ng skills ng tatlong 'yon ay kayang-kaya na nilang tapusin ang laban kahit wala ang tulong ni Sendoh at Hanagata. Pero dahil 5 on 5 ang laban sa court, kailangan talaga ng dagdag karakter." Sang-ayon na wika ni Maki.

"OFFENSE!"

"OFFENSE!"

"DEFENSE!"

"DEFENSE!"

Dahil ang Kanagawa Team ang huling nakagawa ng puntos, ang bola ay hawak ngayon ng Yamanashi Team. Pinatalbog ni Han ang bola patungo sa home court ng Yamanashi, palagpas palang ng center circle nang mabilis siyang hindi pinatawad ni Sendoh.

*PAKK!*

"ANG NUMBER 7 NA NAMAN NG KANAGAWA!

AYAN NA NAMAN SIYA!"

Mabilis na dinribol ni Sendoh ang bola pabalik sa Kanagawa home court. Mabilis na kumalat sa kani-kanilang area sina Hanamichi, Kiyota, Rukawa at Hanagata, ganoon rin ang kabilang team.

"ANG BIBILIS NG MGA KILOS NILA!

BABAGAN SILA!" sigaw ng nga Yamanashi.

Tiningnan ni Sendoh ang kanyang teammates at nakita niya si Rukawa na nakatingin sa kaniya. Pero mabilis na sumulpot sa harapan niya si Ue kaya ipinasa niya agad ang bola kay Rukawa.

Mabilis na pinatalbog ni Rukawa ang bola patuloy sa Kanagawa home court. Nakita niya si Hanamichi na libre sa posisyon nito.

"Ayos, mukhang mapapadali ang pagpasok ko sa loob." Sabi ni Hanamichi sa sarili niya.

"Salo, gunggong!"

"Huh?" Napatingin si Hanamichi sa sumigaw noon.

*BLAAG!*

Tumama 'yong bola sa mukha niya.

Dahil sa lakas napahiga siya.

*BLAAG!*

Napahilot sa sentido si Maki... "Anong ginagawa niya?..."

Napatawa ng malakas si Kiyota at Sendoh.

"WHAAAAHAHAHAHAHAHA!!!" Tawa nilang dalawa.

"Ano ba 'yan, Sakuragi! Wala ka pa'ring pinagbago!" Natatawang sigaw ni Miyagi mula sa bench area.

"Unggoy ka talaga kahit kailan!" Sigaw rin ni Mitsui na parang mamamatay sa katatawa.

"Talagang naiwan pa rin ang utak mo training camp!" Sigaw din ni Akagi sa sobrang inis.

"Hanamichi bokya ka!" Sigaw ni Okhusu

"Tama na Ohkusu baka mas magwewelga yan." Nag-aalalang sabi ni Mito.

"Pambihira talaga tong si Hanamichi , ano bang iniisip nito?" Takamiya

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Where stories live. Discover now