CHAPTER 271:

412 28 3
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 271:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

UMAYON ang lahat sa pagiging Team Captain ni Maki. Ang iba ay tumigil na sa katatawag ng 'kuya' sa kanya dahil sa takot mabatukan ni Maki maliban kina Hanamichi at Kiyota na patuloy pa'rin.

"Isang KUYA na lang... Makakatikim na kayo sa'kin." Banta nito sa kanila, halata sa mukha nito ang pamumula dahil sa iya.

Napahands-up na lang si Hanamichi at Kiyota na pang sumu-surrender.

"Oo na, oo na, titigil na... Lolo." Hanamichi

"Masyado ka namang pikon, Maki prehh!" Kiyota

Hindi na sila pinansin ni Maki at lumapit ito sa tabi ni Coach Kageyama. "Bago ko simulang diskusuhin ang mga gagawin na'tin sa natitirang dalawang linggo ay unang-una: nagpapasalamat ako dahil sa pagpili niyo sa'kin bilang Team Captain ulit, masaya ako. Pero mas magiging masaya ako kapag nakalaya na ako sa pagiging Team Captain dahil ang titigas ng mga ulo niyo." Panimula niya.

Agad namang nagpigil ng tawa sina Jin at Sendoh. Naiintindihan nila si Maki kung gaano kabulastugan ang kasira-ulo ang kanilang Team. Imbes na graduate na ay pinabalik pa nila sa responsibilidad.

"Ano ba naman 'yan, Lolo. Gratitude message ba 'yan o nanenermon ka?" Maktol ni Hanamichi.

"Parang ganoon na 'rin." Simpleng sagot ni Maki.

"H'wag kanang magtampo, Maki prehh. Karamay mo naman si Fujima ee." Singit ni Kiyota.

"Wow, salamat ha?" Sarkastikong tugon ni Fujima.

Habang nagpatuloy sa bangayan ang mga members, si Rukawa naman ay pinagmasdan lang sila. Kita niya kung paano at kung anong klaseng sense of communication ang meron sa kuponang ito. Ibang-iba ang atmosperika kumpara 'nong siya ay nasa Amerika pa. Napaka-positibo.

Ang mga Team Captains noong high school na: mula sa Shohoku, ang dating Leading-Center na si Akagi; ang dating Ace Player ng Kanagawa Division at kasalukuyang Super Ace Player ng College Matches na dating nagmula sa Ryonan na si Sendoh; ang Perfect-Point-Guard at Kanagawa Star Player-Rival na si Fujima ng Shoyo; at 3-time MVP at Star Player ng Kanagawa mula Kainan na si Maki. Hindi niya inakala na ang dating magkalabang Team at BEST 4 ng Kanagawa Prefecture 'nong sila ay nasa haiskul pa ay ngayo'y nasa iisang Team na.

At higit sa lahat...

Napunta ang tingin ni Rukawa sa dalawang unggoy sa harapan niya. Napabuga nalang siya sa hangin. "Mga gunggong." Pero kahit na ganoon, kahit ganito ang mga gunggong nito ay malaking tulong ito sa kuponan.

Kapag minaliit mo ang dalawang-unggoy na'to... Ay para kana 'ring talunan sa sugal.

Kung babasehin sa kasalukuyang abilidad ng Twin Monkeys, ay sapat na silang dalawa para harapin at lampasuhin ang mga ordinary college teams.

"Rukawa!" Hinampas siya ni Miyagi sa braso na ikinabalik niya sa reyalidad. "Tulala ka ata dyan? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?" Tanong nito sa kanya.

Umiling si Rukawa. "Sorry, may sinasabi ka ba?"

Bumuntong hininga si Miyagi bago sumagot. "Hindi bale na lang, mamaya ko nalang sasabihin." Wika nito at muling binalingan ng atensyon si Maki.

"Ayon sa committee, kapag nagsimula na ang laban ay hindi na na'tin poproblemahin ang mga expenses sa magigjng jersey uniforms na'tin dahil sagot na 'yon ng sponsors na'tin." Wika ni Maki saka tiningnan si Coach Kageyama.

"Tama ang sinabi niya, sagot ng sponsors na'tin ang expenses ng Team. Mayroon tayong sponsorships mula sa Federation at isang Coach ng College Team." Nagsitaasan ng mga kilay ang players sa sinabi ni Coach Kageyama.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Where stories live. Discover now