CHAPTER 265:

717 40 13
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 265:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

Sa Class 3 Section 10 ay magkaklase parin si Hanamichi, Mito at Kiyota. Sa unang araw nila sa Tokyo University bilang mga 3rd Year College Student ay inaasahan nilang mas magiging abala sila sa kanilang akademikong gawain at mabigat na trainings lalo na't sila ang defending Champion sa College Matches nung isang taon.

Hindi parin makapaniwala si Hanamichi nang si Sendoh ang ipinalit kay Maki bilang Team Captain. Kung sa bagay ay hindi na masama 'yon dahil ayon sa kanyang obserbasyon, 100% ang galing ni Sendoh pagdating sa basketball. Kaso, pagdating sa Academics 50/50 talaga, minsan bagsak pa.

"Hayup na Sendoh'ng 'yan, naging Team Captain talaga." Bulong ni Hanamichi.

Nalipat naman ang kanyang isip tungkol sa pagtatapos ng kolehiyo nina Maki, Fujima at Hanagata. Parang maiiyak si Hanamichi dahil nang gumraduate ang mga ito ay umuwi sila sa Kanagawa para doon hasain ang kanilang propesiyonalismo.

"Huhuhuhu, Maki!" Iyak ni Kiyota habang nakapikit. "'Wag mo akong iwan, Maki! Iisa lang ang puso na'tin!"

Tinakpan naman ni Mito ang kanyang bibig para pigilan ang kanyang bungisngis, ganoon din si Hanamichi. Natatawa sila sa mukha ni Kiyota.

"MR. KIYOTA!" sigaw ng Propesor nang mahuli niyang nakatulog ito sa kanyang klase.

Bumalikwas naman ng tayo si Kiyota sa lakas ng sigaw niya. "S-Sir?"

"Pambihira ka, naglelecture ako dito sa harapan tapos ikaw binabangungot sa tulog? Aba, ang sarap noh?" Sarkastikong sabi ng Propesor.

Ngumiwi naman ang mukha ni Kiyota samantala sina Hanamichi at Mito ay panay parin ang pigil ng tawa.

"Sori na, prehh--- ay este Sir. Zakusa. Hindi na po mauulit." Kunwaring magalang na sagot ni Kiyota. "Ilantad ko kaya na may shota kang estudyante?" Bulong niya.

Nagtawanan naman ang ibang kaklase nila. Alam nilang lahat na si Hanamichi, Kiyota at si Zakusa ay magkasama sa kuponan kaya talagang natatawa sila dahil kailangan nilang imaintain ang professionalism sa classroom hindi tulad kapag nasa gymnasium sila.

"Haysss." Hinilot na lang ni Zakusa ang noo niya.

Bumalik sa pagkaupo si Kiyota at bagot na sumandal sa upuan. "Malas ba'to o swerte? 'Nong 2nd year si Yuki ang Adviser, ngayong 3rd Year, si Zakusa naman?" Bulong niya pero narinig 'yun ni Hanamichi.

"Ayaw mo 'non, Matsing? Atleast kung bagsak tayo ay hihilahin ni Zakusa yung grades na'tin?" Ngising bulong ni Hanamichi.

"Patawa ka, hindi ako bobo tulad mo, Unggoy." Barat ni Kiyota sa kanya na ikinasingkit ng mata ni Hanamichi.

"Anong sabi mo---" akmang susugurin niya si Kiyota nang hagisan siya ng takip ng Pentel pen ni Zakusa.

"SABING MAKINIG KAYO EE!" sigaw niya.

"Oo na, sori na!" Despensa agad ni Hanamichi. Tinignan niya ng masama si Kiyota. "Mamaya ka lang sa'kin, Unggoy ka."

***

Paglipas ng ilang oras sa klase ay nagkaroon sila ng maagang dismissal. Inasahan na 'yun ng mga estudyante kapag unang araw. Lalo na sa mga bagong first years na walang club.

Sa gymnasium ng Tokyo ay nagtipon ang lahat ng players ng Tokyo Team. Nandoon ang Team Captain na si Sendoh, Jin, Fukuda, Ikegami at ang triplets na sina Hitotsu, Futatsu at Mittsu. Pati na rin ang dalawang Managers na sina Mari at Haruko.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Where stories live. Discover now