CHAPTER 270:

381 31 9
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 270:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

MATAPOS inorient ni Coach Kageyama ang tungkol sa Prefectural Matches ay inanunsyo niya na ang huling parte. Ang pag-assign sa magiging Team Captain ng kuponan.

"Bago ko ibigay ang numero ng magiging Team, may questions ba kayo or any clarification?" Tanong nito sa mga players.

Tumayo naman si Ikegami, napatingin ang mga members sa kanya.

"Oo nga pala..." Coach Kageyama

Naglakad si Ikegami sa harapan at tumayo sa tabi ni Coach Kageyama paharap sa mga kasamahan nito.

"Ikegami, anong meron?" Takang tanong ni Sendoh.

"Anong ibig sabihin nito?" Parehong emosyon na tanong 'din ni Fukuda.

"Nakaligtaan kong sabihin sa lahat. Bago tayo bumyahe padito sa Yokohama ay may hiniling na pabor sa akin si Ikegami." Wika ni Coach Kageyama.

"Ano? Pabor?" Fukuda

"Anong klaseng pabor?" Sendoh

Sasagot sana si Coach Kageyama nang tumango si Ikegami sa kanya. Sinasabi nito na siya na ang bahala magpaliwanag.

"Hindi ako tutuloy sa Prefectural Matches."

Nagulat at nagulantang ang lahat ng miyembro sa sinabi niya. Nakagugulat.

"Ano!" Kiyota

"Hoy, ano bang sinasabi mo?" Hindi maiwasan ni Hanamichi ang magtaas ng boses sa narinig. "Baliw ka ba? Hindi ba ito ang pinakahihintay na'ting lahat?"

"Ryoji... Hindi ko maintindihan." Halata sa mukha ni Sendoh ang dismaya. Umiling si Fukuda.

"Sendoh, Fukuda... Alam niyo pareho kung anong responsibilidad ang meron ako sa buhay. May dalawang kapatid akong pinapaaral, kaya napag-isip-isip kong bumalik nalang sa resto ni Uozumi para atleast maibigay ko ang pangangailangan ng mga kapatid ko." Paliwanag ni Ikegami sa kanila.

"Pero, Ikegami. Ikaw ang pinakamagaling sa depensa dito sa Team, ngayon kapa ba aalis gayong nasa estadong ito na tayo?" Muling tanong ni Sendoh.

"Oo, Sendoh. Inaamin ko, masaya ang naging karanasan ko sa basketball bilang kolehiyo. Masaya ang naging karanasan kong maglaro kasama kayo. Kung sa pagtitibay lang ng depensa ang pag-uusapan, andiyan na sina Akagi, Hanagata, Maki, Sakuragi, ikaw at iba pang mas may advantage kaysa sa'kin. Hindi ako magiging kawalan. Tama na 'yong nakipagsapalaran tayo sa Intercollegiate. Atleast nalaman ko kung anong pakiramdam ang makipaglaban sa matitikas na Team sa iba't-ibang panig ng mundo." Mahabang wika nito at ngumiti.
"At isa pa, kasalukuyan tayong 13 members sa Team at 12 members lang ang kailangan. Kaysa may tatanggalin, inunahan ko na. Mas malaki ang chansa niyo kaysa sa'kin. Ni minsan hindi ko pinangarap ang maging National Player, mababaw ako ee. Kapag satisfied na ako sa anong nakuha ko, tama na 'yon." Dagdag pa niya na hindi naaalis ang ngiti.

Parang tutulo ang luha ni Sendoh sa mga winika niya ngunit tinapik lang ni Fukuda ang balikat niya. "Respituhin na'tin ang desisyon niya, Sendoh. Hindi na'tin hawak ang buhay niya." Sabi niya. Walang nagawa si Sendoh kundi ang sumang-ayon.

Hindi na pumalag si Hanamichi at iba pang members sa mga tinuran ng kanilang kasamahan.

"Kung 'yan ang gusto mo, Ikegami. Hindi na'min pwede ipilit ang aming kagustuhan para manatili ka lang." Hanamichi

"Oo nga, prehh! Atsaka, good luck sa kanya-kanya na'ting journey." Kiyota

Nagtinginan naman sina Maki, Fujima at Hanagata. Parang naulit lang ang nangyari noon. Sa tuwing umaangat ang Team, may miyembrong aalis tulad ni Ikegami. Kapag natatalo, may nadadagdag tulad nina Akagi at Rukawa.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Where stories live. Discover now