CHAPTER 282: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

383 28 4
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 282: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

NAPALUNOK ang mga players ng Yamanashi Team sa sinabi ng shooting guard nilang si Ue.

"Totoo ba 'yang sinasabi mo? Halos lahat o individual players nila ay may kanya-kanyang recognition?"

"Ang pulang buhok na si Sakuragi ang MVP 2 years ago?"

Binalingan nila ng tingin ang first five ng Kanagawa Team na ngayo'y papasok na sa court.

Nagsihiyawan naman ang ibang manonood nang makilala ang mga player ng Kanagawa Prefecture Team.

"Hindi ba sila 'yong players mula sa Tokyo Team?

Pati 'yong isa— hindi ba sa amerika 'yan?

Taga-Kanagawa pala sila?"

Hindi na pinansin ni Hanamichi ang bulalas ng mga manonood at tinuon na lamang ang tingin sa first five ng Yamanashi Prefecture Team.

Muling nagsalita ang speaker ng gymnasium at isa-isa silang pinakilala.

Pagkatapos ay naglakad sa gitna ang referee dala ang bolang gagamitin. Pumwesto ito sa gitna para sa gaganaping jump ball.

Ngumisi ang center player ng Yamanashi nang makita niya ang representative center ng Kanagawa Prefecture Team, mahinang patpatin na nakasuot ng salamin sa mata.

"Tssk... Walang duda, mas malakas ang pwersa ko kumpara sa kanya kaya tatalunin ko'to." Bulong ng sentro.

Parehong pumwesto ang Kanagawa Center na si Hanagata at ang Yamanashi Center na si Baki, mas magtangkad ng 10 centimeters si Baki kumpara kay Hanagata kaya paniguradong...

*Pumito...*

"JUMPBALL!"

Hinagis ng Referee ang bola hanggang sa makarating ito sa pinakamataas, pwersang tumalon si Baki para abutin ang bola nang mabilis 'yong nadakma ni Hanagata.

*PAKK!*

"Nakuha niya!" Gulat na wika ni Baki. "Papaano?"

"Ayos!" Tuwang sabi ni Fujima habang nasa upuan.

"Magaling, Hanagata!" Sigaw ni Akagi sabay palakpak.

Nang maabot ni Hanagata ang bola mabilis niyang inikot ang kamay niya sa harapan at pinalo ito papunta sa likuran niya.

"Ang galing! Pinalo niya papuntang likod!" Sigaw ng mga manonood.

Pinaandar na ni Haruko ang timer na hawak nya.

Kasabay sa pagsisimula ng laban ang kabilang court kung saan kalaban din ng Tokyo Team ang Fukui Prefecture Team.

Nasalo ni Sendoh ang bola at sinimulan na ang opensa pero mabilis na nakasunod ang shooting guard ng Yamanashi na si Ue.

Agad napatingin si Sendoh sa libreng si Rukawa at doon niya ito ipinasa, nasalo 'yon ni Rukawa at mabilis na nagdribol.

Habang nagdidribol ito nakasunod si Han sa kanya, ang small-forward ng Yamanashi. Napaismid sa isipan si Rukawa... "Sige, habol lang .."

Binagalan ni Rukawa ang takbo niya kaya nakarating sa harapan niya si Han pero itinalbog niya ang bola sa ilalim nito...

Nagulat si Han sa ginawa ni Rukawa at napatingin sa kanyang ilalim...

Mabilis na nakuha ni Kiyota ang bola.

"Aba! Ang galing ng #11 ng Kanagawa!"

"Oo nga! Kahit na mas matangkad ang Rukawa'ng 'yan kay Han ay nagawa niya pa 'ring palusutin ang bola sa ilalim nito."

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Where stories live. Discover now