CHAPTER 268:

348 24 8
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 268:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

"Oh, narito na pala ang tatlong recommended players na'tin." Bati ni Mr. Kageyama sa kanila.

"K-Kayo?" Hanamichi

"K-Kayo ang mga recommended players?" Gulat na turan ni Haruko sa kanila.

"Kulotskie? Mitchi? Gori? Anong ibig sabihin nito?!" Bulyaw ni Hanamichi pero isang malakas na sapok agad ang natanggap niya.

*BLAAG!*

"Ang ingay mo!" Akagi

"Hi!" Sabay na bati ni Miyagi at Mitsui.

"Araaaaay! Naguguluhan 'yong tao ee! Bakit naman ganoon?" Mangiyak-ngiyak wika habang nakahawak pa'rin sa ulo. "Ang sakit— Manong Kageyama, anong ibig sabihin nito? Bakit narito ang mga ulupong na'to?" Muli na namang nakatanggap ng sapok si Hanamichi mula kay Akagi.

"Wala ka talagang galang! Bakit mo tinatawag na 'Manong' ang isang 'Coach'?!" Lintya ulit ni Akagi. Agad naman s'yang inawat ni Haruko.

"Kuya, kumalma ka lang..." Haruko

"Sinong ulupong? Ganyan mo ba kinikilala ang Scholarship Owner mo?" Bara 'rin ni Mitsui habang nakaturo sa sarili.

"'Yan ang Hanamichi na kilala ko— hahahaha!" Miyagi

"Miyagi kunsintidor!" Akagi/Mitsui

Pumagitna si Sendoh sa kanila with chill mode. "Chill lang guys, miss niyo lang ang isa't-isa, mamaya niyo na ipagpatuloy ang kamustahan, pumasok muna tayo."

***

DUMIRETSO ang lahat sa mawalak na espasyo ng bulding kung saan may mga upuan sa gilid. Sa ibabaw nitong bahagi ay nakataas ang rim ng basketball at ibababa lamang kapag may training. Nagkanya-kanya ng upo ang mga players kasama ang kanilang mga dalang bagahe. Nilapag ni Mr. Kageyama ang mga folders n'yang dala at hinubad ang suot na coat. Tinupi niya hanggang siko ang long sleeve nitong polo at muling kinuha ang folder.

"Okay, so bago kayo magpatuloy sa kamustahan ay simulan muna na'ting talakayin ang ating agenda." Mr. Kageyama

Biglang bumusangot ang mukha ni Kiyota at Hanamichi. "Ano ba 'yan, pati ba naman dito may talakayan?"

Bago sinimulan ni Mr. Kageyama ang layunin ay may Informant ng KPT Camp ang lumapit sa kanya. "Mr. Kageyama, in half-hour darating na po 'yong Kanagawa State System Committee."

"Very well, then. Kasama na ba nila ang 'yong player na sinubmit nila sa'kin?" Mr. Kageyama

"Yes po, with our sports ambassador. Hindi lang po siya from America ang umuwi rito sa Japan, kundi pati 'rin ang ibang nihongo players n'yang kasamahan." Sagot ulit ng Informant.

"Mainam, hihintayin nalang na'min ang pagdating nila." Sagot ni Mr. Kageyama at binigay nito ang tatlong folders na naglalaman ng background performances ng mga players. "Isalubong niyo 'yan sa kanila."

"Okay po." Sagot ng Informant at umalis.

Muling binalingan ng atensyon ni Mr. Kageyama ang mga players na nakatingin sa kanya. "Balik sa usapan... Mayroon na lamang tayong dalawang linggo bago magsimula ang Prefectural Preliminaries, sa kasong 'yan ay hindi niyo na kailangang lumahok dahil ayon sa memorandum na pinahayag sa'min ng Japan Basketball Association, ang Tokyo Team na nakipagsapalaran sa Intercollegiate Matches at naging Top 8 sa Global Rank, ang bawat members ng Team ay automatically exempted sa Preliminary Matches." Panimula niya sa anunsyo.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Where stories live. Discover now