CHAPTER 278:

381 27 3
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 278:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

TAHIMIK na nakatuon ang lahat ng players sa court kung saan nakatayo ang dalawa na sina Hanamichi at Rukawa. Ito ang kauna-unahang beses na makita nilang nanalo si Hanamichi laban kay Rukawa sa 1 on 1.

Ngunit agad namang nabulabog 'yon nang dumating si Coach Kageyama na may dalang maliit na tarpulin. "Players!"

"Si Coach Kageyama." Pina-assemble ni Maki ang lahat ng players para salubongin ang Coach.

Napatingin naman si Fujima sa hawak ni Coach Kageyama. "Ano 'yan, Coach?"

Umubo muna ng peke si Coach Kageyama bago sumagot saka ngumisi. Itinaas niya ang bagay na hawak niya.

"Hawak ko na ang bracket ng Prefectural Matches!" Sagot niya na kinamilog ng mga mata ng mga players.

"Wow talaga?" Kiyota

"Kung ganoon ay malalaman na na'tin kung anong mga kuponan ang makakalaban na'tin?" Hanamichi

"Oo. At sa oras na'to ay ipapakita ko sa inyo ang mga Teams na posible niyong makaharap upang nakapaghanda ng mga magiging formation at tactics niyo. At bukas ay wala kayong ibang gagawin kundi ang mag-ensayo." Coach Kageyama

"Excuse lang, Coach. Pwede naman siguro na tanggalin 'tong mga pabigat na'min sa paa? Nakangangalay na kasi." Maktol ni Sendoh.

"Oo nga, Coach. May mga pabigat kami sa paa, para saan pa? Ee hindi naman kami mananadyak ng players sa court." Singit ni Miyagi.

"Huh, nagsalita ang mahilig mang-flying kick." Bara ni Mitsui.

"Basta! Huwag niyo munang tanggalin 'yan. Trust me." Sandaling natahimik ang players sa kanya. "Okay! Magsi-upo na kayo at ipapakita ko na ang mga kuponan na sasabak sa Prefectural Matches!"

***

MAG-AALAS dyes y medya na ng gabi nang maisipang ibahagi ni Coach Kageyama ang tungkol sa Prefectural Matches. Sa gitnang harapan ay nakatayo ang isang stand na sasabitan ng tarpulin. Ang kaninang hawak ni Coach Kageyama ay binigay niya kay Haruko.

Naglakad si Haruko sa harapan at kinabit ang tarpulin na kasing laki ng ½ illustration board.

Kanyang-kanyang 'wow' ang mga players nang makita ang mga naka-indicate na Prefecture Team mula sa iba't ibang rehiyon ng Japan.

"So, out of 47 Prefectures ng Japan, mayroong 32 Prefectures ang nakapasa sa preliminaries at evaluation ng Japan Basketball State System. Maliban sa Hokkaido, ang mga Teams na narito ay mula sa rehiyon ng Tohoku, Kanto, Chubu, Kansai, Chugoku, at Shikoku. At ang Kanagawa Prefecture Team ay Representative ng Kanto Region, syempre hindi lang tayo ang representative ng Kanto Region. Kasama rin na'tin ang: Tokyo Prefecture Team, Tochigi, Gunma, at Saitama Prefecture Team. At ganoon din ang iba pang Prefecture. Sa pagsisimula ng laban ay mga JBA Ambassadors na ang manonood sa laban." paliwanag ni Coach Kageyama sa kanila.

"JBA Ambassadors?" Hanamichi

"Oo, sa madaling sila. Sila 'yong mga panauhin mula sa Japan Basketball Association na magmomonitor sa laban at performances ng mga players sa bawat team." Sagot nito.

"Edi kung ganoon pala ay sa Round 1 palang ng Prefectural Matches at magsisimula na agad sila sa kanilang evaluation?" Tanong ni Sendoh.

"Oo, ganoon na nga... Mayroong apat na rounds at isang final match ang Prefectural Matches. Ang bracket ng match ay may dalawang dibisyon at ang kuponan na'tin ay nasa unang dibisyon. Ang unang kuponan na makakalaban na'tin ay ang kuponan ng Yamanashi Prefecture Team ng Chubu Region." Turo ni Coach Kageyama sa bracket.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Where stories live. Discover now