CHAPTER 277:

378 28 5
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 277:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

SINUNDAN ni Rukawa ang talbog ng bola mula sa pagkakashoot ni Hanamichi, dinakma niya iyon at dinribol papuntang center area ng inner court hindi upang tumira ng short range jumpshot kundi gagamitin niya ang espasyo kay Hanamichi.

Hindi alam ni Rukawa na basang-basa pala ni Hanamichi ang galawan niya. Bilang experienced player sa 1 on 1 mula kina Maki, Fujima, Sendoh, at iba pang nakilalang players sa Intercollegiate Matches na sina Khader, Cadieux, at Rajak ay kalkulado na nito ang galawan ng kalaban.

"Wala yan." Bulong ni Hanamichi at...

*PAKK!*

Naintercept niya ang bola mula sa pagkakahawak ni Rukawa na siyang ikinagulat ng mga Senior Players na nanonood

"Ang bilis niya." Nagulat si Rukawa sa ginawa niyang iyon.

Animoy kumurap lamang siya ay nakarating na agad si Hanamichi sa kanyang harapan. Hinabol niya ito dahil palapit ito sa ring. Nang tumalon na si Hanamichi ay sinabayan ito ni Rukawa.

Samantala sina Kiyota at Sendoh na nagdedepensahan ay parang nawawalan ng gana.

"Ano ba naman 'to parang sila lang 'yong tao dito sa court ah?" Maktol ni Kiyota.

"Ayaw din nakipagbati sa'kin ni Rukawa, talagang sosolohin niya si Sakuragi." Ngusong sagot ni Sendoh.

Bigla namang sumigaw si Jin sa kanila. "Umalis na lang kayo d'yan! Mga props lang kayo!"

"Oo nga." Walang-ganang sang-ayon ni Fujima.

"Grrrr..." Naiirita na si Kiyota sa nangyayari.

Nakataas ang isang kamay ni Rukawa para palpalin si Hanamichi nang...

*PAKK!*

Nilipat ni Hanamichi ang pagkakahawak niya sa bola saka dinakdak ang bola gamit ang spin dunk pero isang ikot lang tulad ng ginagawa minsan ni Sawakita.

*DUNKKKKKKKKKKK!*

Nashock si Rukawa sa ginawa niyang iyon. Ngayon palang siya nakakita ng ganung estilo sa pagdunk. Katulad na katulad ang estilong ito sa minsang ginagawa ni Sawakita. Napaisip siya kung sariling galaw ba 'yon ni Hanamichi o napanood niya lamang.

Napapuri si Sendoh sa kanyang kinatatayuan. "Huwag na'ting kalimutan na minsan nang naging ACE at MVP ang pulang-kabayong 'yan."

"AYOS! 5 POINTS NA ANG PANGKAT NIYA! LAMANG NA MULI KAY RUKAWA!" Cheer ng Apat na ungas.

Ang mga Senior Players naman ay napapalakpak sa mga galing nila.

Ngunit hindi pa nagtatapos ang laban nang kunin muli ni Rukawa ang bola.

Nagtaas naman ng kamay si Kiyota at kinaway. "Hayyy nako! Ayoko na! Bahala na kayong dalawa diyan." Busangot nitong sabi habang naglalakad palabas ng court. "Mag 1 on 1 na lang kayo, parang kayo lang nagsasaya ee." Dagdag pa niya.

Tiningnan naman ni Rukawa si Sendoh. "Ikaw?"

Kumibit balikat lang si Sendoh at sumang-ayon sa sinabi ni Kiyota. "Mas mabuti pang ipukos mo ang laro mo kay Sakuragi. Magiging sagabal lang kami sa laro niyo." Sagot ni Sendoh at sumunod sa direksyon ni Kiyota.

Ang naiwan nalang sa court ay si Hanamichi at Rukawa.

Ngayon...

Ay 1 on 1 na sila.

"Isang minuto na lang ang palugit sa inyo bago kilalanin ang panalo. Ang lamang na puntos kapag natapos ang oras na 'yon ang panalo." Sigaw sa kanila ni Maki habang na nonood.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Where stories live. Discover now