CHAPTER 276:

325 22 2
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 276:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON'S POV

NAGPATULOY ang apat sa kanilang 2 on 2. Sa kasalukuyang pangyayari ay pantay ang puntos ng parehong pangkat.

Itinaas ni Sendoh ang kanyang kamay kung saan hawak ang bola at nilapit niya ito sa ring upang mashoot nang biglang bumabag ang kamay ni Hanamichi at napalo ang bola.

*PAKK!*

Direktang tumalbog pababa ang bola mula sa pagkakahawak ni Sendoh. Nang makababa si Sendoh ay tiningnan niya si Rukawa, suwerte at siya ang nakakuha sa pagkapalpal ni Hanamichi. Nag pose ito para tumira.

Umismid si Rukawa nang makita si Hanamichi na saktong pababa pa lamang mula sa pagkakablock kay Sendoh.

"Matsing!" Sigaw ni Hanamichi.

"Huli na." Sagot ni Rukawa at...

*SHOOT!*

Pasok ang tira niya.

"Ayos." Bulong ni Rukawa.

Ngayon, ay lamang na ang kanilang score, single points ang kanilang basehan dahil 2 on 2 match lang naman ang laro. Kaya may 2 points na ang pangkat nina Sendoh at Rukawa kumpara kina Hanamichi at Kiyota na 1 point pa lang.

"Aba, aba... Talagang hindi binibigyan ng tsansa ni Rukawa sina Sakuragi." Miyagi

"Magpakahanggang-ngayon ay karibal pa'rin talaga ang turingan nila." Hanagata

"Bahala sila." Mitsui

Ang bolang shinoot ni Rukawa ay agad na dinakma ni Hanamichi, habang kaharap si Rukawa. Shinoot ni Hanamichi ang bola gamit ang follow-up shot ng walang alin-langan.

*SHOOT!*

"Agad-agad?" Gulat na wika ni Sendoh.

"Madaya." Rukawa

Humalakhak naman si Hanamichi sa kanilang mga turan. "Ano bang sinasabi niyo mga gunggong? Isang ring lang ang gamit na'tin kaya walang madaya sa ginawa ko. BWAHAHAHAHA!"

"Madaya pa'rin." Rukawa

"Tanga ka ba o sabog, Rukawa? Alangan naman magpapaalam ako sa'yo. Tanggapin mo na lang kasi na mas magaling na ang henyong ito kaysa sa'yo NYAHAHAHA!" bumusangot ang mukha ni Rukawa sa sobrang kayabangan nito.

Mahina namang natawa ang gawi nina Fujima habang nanonood. "Pambihirang Sakuragi... Madaya pero malinis."

"Kaya nga." Akagi

"Single half-court lang ang gamit nila kaya walang kaso." Maki

Itinayo ni Hanamichi ang kanyang dalawang daliri sa gawi ni Rukawa. "Paano ba 'yan, Rukawa-soro. Pantay na ang score na'tin."

"Tssk." Rukawa

Sinulit ni Rukawa ang atensyon ni Hanamichi habang si Sendoh naman ay kumikilos na.

"Pipigilan kita, Sendoh!" Sigaw ni Kiyota na agad kinalingon ni Hanamichi.

Pero huli na dahil hawak na ni Sendoh ang bola habang nasa likuran nito ang ring. Tumakbo papalapit si Kiyota sa kanya.

"I-shoot mo na Sendoh!" Rukawa

Ngumiti si Sendoh kay Rukawa at sumagot. "Okay." At nag blind shot.

*SHOOT!*

"Whaaaaaaah! Ano 'yon?" Tili ni Kiyota nang hindi makapaniwala. "Shinoot mo nang hindi tumitingin sa ring prehh!" Lintya niya.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum