CHAPTER 280: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

428 32 1
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 280: KANAGAWA vs. YAMANASHI (Chubu Region)

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

SUMALUBONG ang dalawang kilay ni Hanamichi sa sinabi ni Rukawa. "Masyado kang praning, Rukawa."

"Nagsabi lang ako." Sagot ni Rukawa at binitawan siya.

Nagsidatingan pa ang ibang players ng Tokyo Prefecture Team at may limang bagong members nito na hindi kilala nina Hanamichi.

"Haruko babygirl!" Sigaw ni Mari at agad na niyakap si Haruko.

"Kumusta po, Ate Mari." Bati nito.

"Haruko na-miss talaga kita. Kamusta ang pagiging Manager? Stress ba? Kinaya mo ba?"

"Okay lang po ang lahat, Ate Mari." Natatawang sagot ni Haruko.

Nilapitan naman ni Coach Ryuusuke si Coach Kageyama. "Anong number ng locker room niyo?" Tanong niya na parang magtropa lang.

"Room 10." Sagot ni Coach Kageyama.

"Magkasunod lang pala tayo, 11 kami. Tara na." Agad hinila ni Coach Ryuusuke si Coach Kageyama.

"Aray! Magdahan ka nga, matanda na tayo." Tanging wika nito hanggang sa nakalayo na sila.

Napabuga na lang sa hangin si Zakusa. "Hayss, si Papa talaga." Tiningnan niya si Hanamichi. "Siya nga pala, Sakuragi. Anong team ang unang makakalaban niyo mamaya?"

"Sa pagkaalala ko parang Yamanashi..." Napaisip na sagot ni Hanamichi.

"Yamanashi Prefecture." Sagot ni Rukawa at naunang naglakad sa kanila pasunod kina Coach Kageyama.

"Oo, Yamanashi nga— ee kayo Boy Ube? Anong team makakalaban niyo sa 1st round?" Hanamichi

"Fukui Prefecture." Zakusa

"Pwede ba sa locker nalang tayo magkamustahan, nakakabagot kaya rito." Singit sa kanila ni Yuki at dumaan sa gitna.

Sumunod ang ibang players sa kanyang direksyon papunta sa kanilang magiging locker room.

Isang oras na lang at magsisimula na ang 1st round ng Prefectural Matches. Ang Kanagawa at Tokyo Team ay nagtipon sa iisang locker room.

"Sakuragi-tol! Alam mo bang namiss kita ng sobra?" Tanong ni Hitotsu sa kanya.

"Aba, malay ko sa'yo, Uno ka." Hanamichi

"Sendoh-senpai! Baka isda na naman ulam mo, share your blessings naman diyan..." Tili ni Futatsu at Mittsu sa bag niya. Agad namang inagaw ni Sendoh iyon.

"Akin na nga 'yang bag ko mga pusakal kayo. Mukha ba akong kuhaan ng isda?" Sendoh

"Hindi ba mangingisda ka?" Futatsu

"Huwag ka nalang kaya mag-basketball, seaman ka nalang." Mittsu

"Mga sira." Sendoh

Samantala si Rukawa ay nakaupo lang sa gilid habang nakatakip ang dalawang tenga dahil sa ingay ng locker room. Katabi niya sa pagkakaupo si Fukuda, Miyagi, at Mitsui.

"Kailangan mo nang masanay, Rukawa. Maingay talaga sila kapag nagsama-sama." Wika ni Fukuda habang nanonood sa mga kasamahan.

"Mga gunggong." Rukawa

Habang nag-uusap sina Yuki at Jin ay napunta ang tingin ni Yuki sa namumukol na binti ni Hanamichi. "Teka— ano 'yan?"

"Alin?" Jin

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Where stories live. Discover now