CHAPTER 266:

638 42 29
                                    

SLAM DUNK: PREFECTURAL MATCHES

CHAPTER 266:

(Ps: Typo Errors Ahead!)

THIRD PERSON’S POV

KINABUKASAN, abala ang lahat sa pagtatraining sa Tokyo Gymnasium nang may hindi inaasahang bisita ang dumating. Napatingin ang lahat sa pintuan, nakita nila si Yuki kasama ang isang hindi kilalang tao na nakasuot ng pormal na damit at kulay ube na buhok.

“Magandang umaga!” Bati ng Tokyo Members.

Naibuga naman ni Zakusa ang tubig na ininom niya nang makilala kung sino ang tauhan na kasama ni Yuki na nakatayo ngayon sa pintuan. “Anong ginagawa niya dito?!” Nagsipunta naman sa harapan ang buong members para sa anunsyo.

“Magandang umaga ‘rin.” Bati ni Yuki. “Ipinapakilala ko sa inyo… Ang dating Scoring Coach ng Intercollegiate Matches nung match niyo sa Amerika at kasalukuyang Tokyo State System Promoter Representative dito sa Tokyo Prefecture.”

“State System Promoter Representative?” Walang ideyang tanong ni Hanamichi.

“Oo, ibig sabihin siya ang taong ipinadala ng Tokyo State System para imbitahan ang mga players na lalahok sa Prefectural Matches.” Naawang ang bibig ng lahat sa narinig.

“Wowwww!”

“Kaya pala nandito kayo?” Direktang tanong ni Zakusa sa Promoter Representative habang nakaekis ang kamay. “Akala ko pa naman binisita mo’ko.” Masungit pa nitong dagdag.

Nainis naman si Hanamichi at Kiyota sa tinuran niya sa Promoter.

“Hoy, Boy Ube! Wala kang galang! Bisitahin? Gold kaba?” Lintya ni Hanamichi.

“Oo nga! Respeto naman sa Promoter!” Barat din ni Kiyota pero inirapan lang sila pareho ni Zakusa.

“Malaki kana at dapat nang mag-asawa kaya bakit pa ako mag-aalala sa’yo?” Sagot nung Promoter kay Zakusa.

Bumusangot naman ang mukha ni Zakusa. Si Mari naman nahiya ang mukha, kilala niya kung sino ang taong nasa harapan nila ngayon.

“Ows, talaga ba?... Papa?” Tanong ni Zakusa na ikinagulat ng lahat.

“Ano! Papa?!” Tanong ng lahat.

“P-Papa mo?” Tamemeng tanong ni Hanamichi habang nakaturo sa dalawa at palipat-lipat ng tingin.

Totoo nga, halos pareho sila ng buho na kulay ube. May katandaan na ang hitsura ng Promoter pero may magkakahawig parin.

“Kaya pala feeling gold.” Bulong ni Kiyota.

“Pinapakilala ko sa inyo ang Father-in-Law ko… Si Mr. Ryuusuke Zakusa.” Pakilala ni Yuki.

“Talagang nagyabang pa ang blandito’ng ‘to.” Bulong ni Hanamichi.

“Nice to meet you all. Actually tatlo kaming promoter ang nandito kaso ang dalawa naiwan sa office dahil inievaluate pa ang performances niyo sa Intercollegiate.”

Narealize ni Hanamichi na wala pa pala dito si Haruko sa court. Kung ganun nagpaiwan sa office at inintertain ang dalawa pang promoter.

“Natapos ko nang naevaluate records niyo at hawak ko na ang listahan para sa iimbitahin kong players na maging Representative ng Tokyo Prefecture.” Pinakita ni Mr. Ryuusuke ang listahan sa buong Tokyo Team, napalunok sila at kinakabahan.

“Kasali sa listahan ang 2 years alumni, last year 4th year players at College Victory Match Era ng Tokyo Team so ang total names dito ay nasa 17, pero…” Putol niya sa anunsyo at tinignan ang buong members ng Tokyo Team. “7 players lang ang kinuha ko.” Natigilan ang lahat sa sinabi niya.

SLAM DUNK #4: PREFECTURAL MATCHES [BOOK 3]Where stories live. Discover now